Chapter 4

46 2 0
                                    

Nakatingin ako ngayon sa ceiling ng kwarto, iniisip ang nangyari kanina. Parang noon lang ay iniisip ko kung gaano kalayong maalala niya pa ako, o na hindi na kami magiging katulad ng dati.

Napayakap ako sa unan ko, ofcourse I'm happy. Naalala niya parin pala ako, and he still treasure our friendship.

Sa pagiging tulala ko ay hindi ko namalayang naka-idlip ako. Naalimpungatan lang dahil sa tunong ng cellphone ko.

It was a call from an unknown number, nangunot ang noo ko. Hindi ko naman pinagkakalat ang number ko, o binibigay kani-kanino lang. And who would call me in the middle of a peaceful night.

Namatay ang tawag, kaya akala ko ay na-wrong number lang pero tumawag ulit. I just answered it, baka may kailangan 'to sa'kin.

"Xixiana here, speaking. What do you need?" bumangon ako sa kama at naupo.

"Hexian here, speaking. I need you," it was his husky voice that filled my ear, tumindig ang mga balahibo ko.

"Nandiyan ka pa ba?" he chuckled, napatikhim ako.

"Paano mo nakuha ang number ko?" bumalik ako sa pagkakahiga at niyakap ang unan.

"Hiningi ko sa ate mo,"

Sabi na nga ba.

"Tsh bakit ka napatawag?" umirap ako, as if makikita niya.

Ganda ganda ng tulog ko tapos gagambalain niya.

"Hm mind if I'll ask you out tomorrow?" dinig ko ang hininga niya sa kabilang linya.

"Is it a date?"

"Date?" tumawa siya. "Samahan mo'ko sa practice namin bukas,"

"Practice? Para saan?"

"For our upcoming concert tss,"

"Ah practice sa sayaw? Bakit mo'ko isasama? Pati ba ako, magpeperform din sa concert na yan?" umirap ako.

"Silly, ofcourse I just want you to be there. Naalala mo noon? Naka-support ka sa'kin lagi sa mga performances ko at sumasama ka palagi kapag nagpapractice kami," sabi niya.

Naalala ko iyon, nung nag-uumpisa pa lang siya, ako palagi ang nandiyan para sakanya para suportahan siya sa lahat. Napangiti ako.

"Okay, game. Basta sunduin mo'ko sa bahay bukas ah?"

"Basta ba agahan mo sa paggising. Baka maghintay na naman ako ng ilang oras bago tayo makaalis," umirap ako.

"Dati 'yon, promise bago ka pa dumating bukas, ready na ako."

Tinapos ko na kaagad ang tawag namin at natulog na. Wala naman akong gagawin bukas at nakakabagot nang tumambay sa bahay.

"Hoy Xiana kanina pa naghihintay sundo mo, may plano ka bang gumising? Baka patay ka na diyan ah!"

Ugh ang ingay ni ate. Kinapa ko ang cellphone ko sa table at napa-kusot kusot. Maaga pa naman ata, madilim pa eh.

"Oh my, 10 am!" bumangon ako at binuksan ang kurtina, kaya pala madilim kasi di nakabukas. Napapikit ako sa silaw.

Kahit na alam kong naghihintay na sa'kin si Xian sa baba ay kailangan ko paring gawin ang everyday routine ko.

Pumunta ako sa banyo at inayos ang mukha bago naligo.

Dahil sasama lang naman ako sa practice nina Xian ay simple lang ang pinili kong damit.

I wore an above the knee strapless tube dress with a cinch belt in it and partnered it with my Saint Laurent heels.

Nagsuot na rin ako ng leather jacket na mas maiksi lang konti sa dress ko.

Nilagyan ko ang buhok ng mga hair clips sa magkabilang gilid at kinulot ang dulo.

Kinuha ko ang purse at nilagay doon ang aviators.

I think I'm ready.

Bumaba na ako sa hagdanan at nakita agad sa sala ang kanina pang naghihintay na bestfriend ko. I smiled sweetly.

"Tsh nothing changed, ang bagal mo parin kumilos," inirapan niya ako at nauna nang pumunta sa labas.

Wala na sina mama at papa sa bahay kaya hindi ako makakapag-paalam, sa bagay matanda narin ako. As if magpapaalam ako kay ate, wala naman yun pake sa mga gala ko.

Binuksan lang ni Xian ang pintuan sa front seat at umikot na para makasakay sa driver's seat.

"Napaka-gentleman, wow," umirap ako at padabog na sumakay sa kotse niya.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan niya, he was focused on driving samantalang ako ay pagames games lang sa cellphone. Ano pa bang magagawa ko, eh boring nga.

Maya-maya ay nakarating na kami sa patutunguhan namin.

Napatingala ako sa building sa harapan, I've never been into this place.

"Tsh," padabog na sinarado ni Xian ang pintuan ng kotse niya, hawak-hawak ang cellphone.

"Oh?" kinunutan ko siya ng noo.

"Hindi daw makakapunta ang personal assistant ko, may emergency sa bahay nila," sumandal siya sa kotse niya.

Nakasimangot siya ngayon, para bang may nang-away sakanya. He's just wearing a simple t-shirt and a jeans, pero ang lakas ng dating. Syempre, si Xian yan eh, part ng isang sikat na international pop group.

"I can be your p.a. for the day!" pagpepresinta ko.

He tilted his head and chuckled. "really? ikaw?" tinignan niya ang kabuuan ko, i rolled my eyes.

"oo, yes, ako!" umirap ako.

"With that outfit?" tumaas ang kilay niya, tumango ulit ako.

"Okay, bring me my things," tamad siyang tumayo ng maayos at nauna nang maglakad papasok sa building.

I need to go back to his car para kunin ang mga gamit niya. Sana di nalang ako nagpresintar!

A Love That LastsWhere stories live. Discover now