Chapter 36

23 2 0
                                    

Naalimpungatan ako nang magkasunod-sunod na haplos sa aking ulo ang naramdaman ko.

Bitin pa sa tulog ay unti-unti kong binuksan ang mga mata. My eyes widened when I saw Hexian infront of me. Dali-dali akong bumangon at pinasadahan ang buong mukha.

May tuyong luha pa na nasa mukha ko kaya mabilis ko 'yong pinunasan.

"K-Kanina ka pa?" tanong ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko makayanan ang mga titig niya. Mapanuri iyon at tinatantya ang reaksiyon ko.

Matagal bago siya sumagot.

"I already explained everything to my manager, I'm just waiting for him to tell that to the media. He won't let me face them so.." nagkibit-balikat siya at mas lumapit sa'kin, napalunok ako.

"H-Huh? Hindi ba siya nagalit sa'yo?" nag-aalala kong tanong. Tiyak kong pinagkakaguluhan na siya. Nasira ko ang pangalan niya dahil sa picture na 'yon. Kung hindi lang 'yon nangyari, kung hindi lang dahil sa'kin, wala namang mangyayaring ganito.

Nai-imagine ko ang manager niya, ang entertainment nila, ang mga ka-grupo niya na hindi mapakali ngayon dahil sa situwasyon. Maaaring masira ang pangalan ni Hexian, at siyempre, damay silang lahat don!

Paano kung, maging sila ay galit din sa'kin? Kung ako ang sinisisi nila sa nangyari? Well, maiintindihan ko sila kung 'yon ang iisipin nila. Dapat ay mas nag-ingat kami ni Hexian.

Kahit tago ang resort na 'yon, may kakaunting tao parin doon na kasama namin na maaaring nakakita ng mga nangyari at nakuhanan kami ng litrato.

Pero mas kasalanan ko! Kung sana ay hindi ako pinangunahan ng emosyon ko at ng damdamin ko noong araw na 'yon ay hindi 'to mangyayari.

Walang gulo na mangyayari, tahimik lang ang lahat. Magpapatuloy ako sa buhay ko at magpapatuloy din si Xian sa buhay niya.

Sana ay pinigilan ko na lang ang sarili ko sa pansariling kagustuhan. Sana ay inisip ko noon ang career ni Hexian. Sana ay hindi ako nagpadala.

Bakit ba hindi ko kaagad naisip noon na pwedeng maging dahilan ng pagkasira niya ang relasyon namin?

Gosh. He's a superstar! And ofcourse, everybody doesn't want an unfamous girl to be in a relationship with him!

Ang layo ko sakanya, siyempre madi-disappoint ang mga tao. O baka nga hindi nila paniwalaan na may relasyon talaga kami!

Ngayon nga, pinagbibintangan nila akong third-party sa relasyon nila ni Azalehn!

People would think na imposibleng patulan ako ni Hexian cause he's way too high to reach for me.

Bumuntong-hininga siya at nilagay sa tainga ko ang iilang takas ng buhok.

"Don't think too much, you're only stressing yourself. Let me solve this problem, I'll fix this immediately. I promise," he assured. Pero hindi parin talaga ako mapakali sa mga nangyayari.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko at pinaglaruan ang mga 'yon.

"Why do I feel like.. this is all my fault," I sighed. "Hindi naman mangyayari 'to kapag pinigilan ko lang ang sarili ko sa gabing 'yon.."

"Maybe.. being in a relationship with you is a bad decision at all.. I can only, ruin your name-"

I froze when his arms snaked on my waist, his hands on my stomach. He went closer and rested his head on my shoulder. His hot breathing is on my neck.

"Don't you ever think that being in a relationship with me is a mistake, no it isn't. You don't know how happy I was when I found out that you.. still have that love for me," he whispered breathily. My breathing hitched, I want to say something but my mouth can't even utter anything.

"And this is not your fault, don't you ever be feel guilty about this. That day, in the pictures, I was the most happiest man. I promise to fix this issue, just, trust me okay? Everything will be back to normal.." mas hinigpitan niya pa lalo ang yakap sa akin.

Wala akong masabi kaya tumango na lang ako.

"No matter what happens, always remember that I love you. And I will always protect you from those people, 'kay?" he placed a soft kiss on my cheek. I bit my lower lip and just played with my fingers.

Since I was a child, he's always there to protect me from everyone.

He's indeed my knight in shining armor.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now