Chapter 7

34 1 0
                                    

"Puro naman 'to damo," nakangusong sabi ni Xian, napairap ako. "Di'ba hilig mo 'to?" nakangisi niyang tanong sa akin, ako naman ang napanguso.

Naalala niya pa pala. Nagda-diet kasi ako, kahit noon pa. Mapili ako sa pagkain dahil masyado akong conscious sa katawan ko.

Sumandok siya sa kutsara at akmang isusubon 'yon sa'kin, umiwas ako at pinandilatan siya.

"What?"

"Anong what?"

"Just eat," sinamaan niya ako ng tingin, hindi ako nagpatalo at pinanlisikan siya.

"Hindi mo ako aso,"

"May sinabi ba ako?" binawi niya ang kutsara at sinubo ang laman non.

"Sorry pala, nasayang yung binili mo para sa'kin," sabi niya habang ngumunguya.

"Okay lang, hindi ko naman alam na bawal pala yung mga ganong pagkain sainyo,"

"Kapag kasi may mga performances or concerts kami, usually mga gulay lang talaga pinapakain samin. Alam mo na, practice palagi. Bawal yung mga soda kasi nagpapabigat yun sa katawan, mas mainam kung tubig o energy drink lang inumin namin," sabi niya, napatango na lang ako.

I understand, they need to stay fit, hindi sila pwedeng maka gain ng weight kahit isang pound lang. Syempre kasi sikat sila, they have their image, isang simpleng mali o pagbabago lang ay makikita kaagad ng mga tao.

"Pero kung hindi pa nagsabi kanina si.. Azalehn na bawal sainyo, kinain mo na yung mga pagkaing nabili ko," inirapan ko siya.

"Eh binili mo yun eh,"

"Bawal yun sayo,"

"Eh sayang naman, ikaw yung bumili non eh, at ngayon lang naman ako kakain," ngumuso siya.

"Hayaan mo na, hindi naman talaga 'yon big deal. Bilisan mo na diyan, baka magstart na ulit yung practice nyo,"

"Tapos na nga eh," ngumisi siya, kumunot ang noo ko.

"Huh? Yung practice nyo?" napatingin ako sa pintuan ng room na 'to, nagsilabasan na nga yung iba.

"So uuwi na tayo?" ngumuso ako, tapos na? Yun na 'yon?

"Nope, may pupuntahan pa tayo," he smirked. Natapos na niyang kainin ang pagkain niya kaya binigyan ko siya ng tubig.

"Remember the show we used to watch when we're young? I'll be interviewed by the host later, sabi ko sayo eh makikita din ako doon," ngumiti siya.

What he meant is yung talk show na kung saan in-interview yung mga sikat na artist or groups. Iyon ang palagi naming pinapanood noon at ang sabi niya sa akin ay balang araw daw, mapapanood din siya sa show na 'yon na ini-interview ng host.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Are you serious?" hindi ko alam kung nagjo-joke lang siya or what. Pero based on his face, he looked serious naman. He smiled.

Oo nga pala, buong mundo, kilala na siya. Kung saan saang shows na siya na interview, mapa international o local kaya bakit pa ako magtataka.

"Kailan yan?" tumayo ako nang tumayo na siya.

"Mamaya, kaya umalis na tayo dito," siya ang nagbitbit ng kanyang bag at hinila na ako palabas sa choreography room na 'yon.

Mabilis niyang na i-drive ang kotse hanggang sa nakarating na kami sa building.

Pagpasok namin sa loob ay marami na agad napapatingin sa gawi namin, may iilang medias rin ang naroon at sinusubukang lumapit kay Xian pero may mga guards na naka assign samin kaya hindi sila makakalapit.

Pumunta kami sa hinandang room para sakanya, pagpasok ay may mga damit na doon at iba pang mga gamit.

"Astig ah, naka prepare na lahat," ginala ko ang paningin, may sofa pa na malaki.

May dalawang babae na naghihintay na sakanya, ngumiti sa akin ang isa.

"Make-up artist?" hinila ko ang damit niya at bumulong.

"I guess so," ang sabi niya at naupo paharap sa malaking salamin.

"It's fine, I have my make-up artist with me. You two can go out," aniya at bigla ay nagsialisan ang dalawang babae.

Nanlaki ang mga mata ko at tinignan siya sa salamin.

"What do you mean by that?" sinamaan ko siya ng tingin. He only smirked, na para bang may masamang plano.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now