Chapter 16

24 1 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Naisip ko na kahit hindi ako handa, kailangan ko parin siyang harapin. Isa pa, baka nagtataka na 'yon sa'kin at sa ginagawa kong pag-iwas sakanya.

I prepared myself, nakabihis na at bagong ligo.

"Uh hi! Long time no see!" ngiti ko sa salamin, pero napasimangot din kaagad.

Ang pangit naman yata kung iyan ang bungad ko.

"Hi, kamusta?" ngiti ko ulit. Napailing ako.

Ang pangit din, mukha akong timang. Iyon na yung palaging tanong eh, syempre 'okay lang' yung sagot niyan. Tapos, ibabalik niya sa'kin yung tanong at tatanungin ako kung bakit hindi ako sumasagot sa mga messages at calls niya, kung busy ba ako o iniiwasan siya.

Ugh I'm overthinking again.

Naisip kong bumaba na lang muna para kumain dahil kanina pa kumukulo ang tiyan ko. As always, ako lang ang nandito sa bahay dahil ako lang naman ang walang trabaho. Nakakabagot din, mag-iisip na talaga ako kung saan pwedeng magtrabaho para may ambag naman ako dito.

Kinakabahan ako habang ngumunguya, naalala ko yung kagabi. Kumakain din ako 'non nang dumating siya pero nagtago ako at hindi siya hinarap. Ngayon, handa na akong makipag-usap sakanya kaya hindi ako tatakas kapag nandito na siya.

Pero natapos na lang ako kumain, binagalan ko pa nga ang pagnguya pero hanggang ngayon ay hindi pa siya dumadating.

Nakanguso akong umupo sa sofa at pinaandar ang tv. Dito na lang muna ako sa sala para maabangan ang pagdating niya.

Papalit palit lang ang chanel sa tv pero wala parin akong makitang magandang palabas, and I don't think makakapag-concentrate pa ako diyan gayong inaabangan ko ang pagdating ni Hexian.

"So for today's show, we have the World Icons!" nakuha ang atensyon ko, mas tinaasan ko ang volume ng tv.

It's an american show, replay lang ata kasi impossible namang ngayon 'yan eh nandito nga sila sa pinas.

Ngayon lang ako naging curious sa mga palabas na nandiyan sila, kaya tumutok ako sa panonood.

"Do you like someone in your group?" tanong ng host kay Xian. They're playing 'guilty or not'. Kapag guilty, kailangan uminom ng drinks na nakahanda na sa pabilog nilang table.

Hexian was hesitate to answer, sa huli ay kinuha niya ang maliit na baso sa harapan at nilagok ang laman 'non hanggang sa maubos. Tumili ang mga audience sa show, pati na rin ang mga kagrupo niya at nag-ingay.

Hexian was sitting beside Azalehn kaya naman napuno sila ng tukso nang dahil pa doon, I couldn't help it, my heart ached.

When we we're young, people around us used to ship Hexian with me. Now that we're adults, people around still ships him but with another woman. It's not me anymore, marami na ang nagbago, we're not kids anymore.

There's nothing permanent in this world. Kung meron man, I bet it's my feelings for him, it'll never change nor fade. Kahit hindi niya man masuklian, patuloy parin akong magmamahal sakanya..

Pinatay ko na lang ang tv at bumalik sa kwarto. Nagiging vocal na ako sa nararamdaman ko sakanya these past few days, nakakatakot.

When will I accept the fact that he will never look at me the same as how he looks at me in the past?

That it's not me anymore whom he likes.

That we're not kids anymore and there's no happy ending for the both of us.

Why am I still waiting for him? What I've saw awhile ago was so clear, he likes another girl. And everyone approves of that girl for him.

Sobrang layo ko sakanila, bakit pa ako umaasa?

Bumalik na lang ako sa kwarto at nagkulong. Why am I waiting for him? I'm not his priority, asa naman akong pupunta siya dito sa bahay. Naghihintay lang ako sa wala.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now