Chapter 33

20 2 0
                                    

Kinabukasan ay inaya ulit ako ni Hexian na lumabas. Naglibot kami sa buong resort.

Tago kasi itong resort at kakaunti lang ang mga tao kaya nakakalakad kami ng maayos, siya. Walang fans o media na nakatingin at naghahabol. Tahimik lang.

Bahagya kong nilingon si Xian. Nililipad ang buhok niya ng hangin, nakatingin sa dagat at mukhang malalim ang iniisip.

Napangiti ako. Ang guwapo niya, sa kahit anong angle, sa kahit anong gawin niya, o sa kahit anong ekspresyon ang nasa mukha niya.

Hinawakan ko ang buhok na nililipad ng hangin, pinirmi ko ito at nilagay sa leeg.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. He's holding it so tightly pero hindi naman ako nasasaktan. Mas gusto ko pa ngang higpitan niya lalo. Gusto kong ganito na lamang kami parati. Tahimik, malayo sa maraming tao.

Pero alam kong hindi 'yon mangyayari. Kung aalis kami rito, babalik din sa dati ang lahat. Ang ibig sabihin lang 'non, mas magiging busy siya at madalang lang kaming magkita. Ofcourse he have to work, he have to face the camera for his fans.

Lahat talaga ng mga masasayang pangyayari, mayroong katapusan. Hindi araw-araw, masaya lang.

Napabuntong-hininga ako.

Kung dumating ang araw na umalis na kami rito, magigising na naman ako sa katotohanan. Katotohanang napakalayo namin sa isa't-isa.

Bakit nga ba ang lahat ng mga gusto natin ay hindi natin makuha nang ganoon lang kadali, o minsan pa ay hindi talaga natin makuha.

Ang gusto ko lang naman, tahimik na buhay kasama siya.

But it's very different from his dreams.

He wants the spotlight, bata pa lamang ay saksi na ako sa kung gaano gusto ni Xian na maging artist. He wants everybody to see his talent.

And all I can do is to support him.

Hindi naman sa tutol ako sa pangarap niya. Heck, I will support him with everything.

Pero, naisip ko lang, ano kaya ang mangyayari kapag hindi siya naging sikat na miyembro ng isang international pop group?

Kung, hindi siya sumabak sa music industry. Kung, ang pinangarap niya ay mas simple lang. Yung walang kasama na fans at media.

Napabuntong-hininga ulit ako.

"What's wrong?" nag-aalala niyang tanong nang bumaling sa'kin. I just smiled, and shook my head.

Natatakot akong maging ganito kasaya at kakontento ngayon, dahil alam kong lahat ng ito ay may kapalit.

Nang gumabi ay sabay kaming kumain sa restaurant na palagi naming kinakainan. Kasama namin ang mga kagrupo niya.

"Oh, sorry," nakayukong sabi ni Jiae at dali-daling bumalik sa table, kumunot ang noo ko pero sa huli ay pinagkibit-balikat 'yon.

Papunta kasi ako sa restroom dahil naiihi na nang makasalubong ko siya. Kakagaling lang rin sa restroom at mukhang nagmamadali.

"You okay?" tanong ni Xian nang makabalik ako, ngumiti ako sakanya at tumango.

Siya ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko. He's always like that, kaya ko naman pero ini-insist niya talagang siya na. Alam kong nagtataka na ang mga kasama niya, pati nga si Allie dahil hindi ko pa sinasabi sakanyang kami na.

Nalingunan ko si Azalehn na nakatingin ngayon kay Xian habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato, nang maramdaman niyang nakatingin ako sakanya ay tumingin rin siya sa'kin pero agad ding yumuko. Tumikhim ako.

Maraming nagshi-ship sakanila, palagi rin silang magkasama at mukhang close na close sila. Is it possible for her to have feelings for Hexian?

Pinilig ko ang ulo, winawala ang naisip. Why am I overthinking?

Nagfocus na lamang ako sa pagkain hanggang sa matapos kami.

Hinarap ko si Xian nang makarating na kami sa villa namin ni Allie, he smiled.

"Good night," bulong niya, I smiled too.

"Dream of me," dugtong niya pa, sinamaan ko siya ng tingin pero sa huli ay napatawa na rin.

"Good night din," sabi ko sakanya, he licked his lips.

"I love you," namamaos niyang sabi, napalunok ako.

Am I supposed to answer that with..

"I-I-I love you too," I stuttered, he smirked.

"Pasok ka na, bago pa kita itakas," he chuckled, sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ang braso niya. Nakakainis talaga. Tumakbo na ako papasok sa villa namin nang hindi siya nililingon.

I can't hide my smile when I lay on my bed. Nakahanda na akong matulog.

An image of him flashed on mind, kaya nagpagulog-gulong ako sa kama. Gosh, kailan pa ako kinilig ng ganito?

Sa pagtulog ko ay siguradong nakangiti ako buong oras. Naalimpungatan nga lang ako sa tawag ni Allie.

"Xixiana! Gising!" isang tawag ang nagpagising sa'kin, niyugyog pa ako.

Hirap kong binuksan ang mga mata, inaantok pa pero iniistorbo ng tumatawag. Nakita ko kaagad si Allie na namumutla kaya napabangon ako. Kunot ng noo, hindi ko magawang magsalita dahil kakagising ko lang at antok na antok talaga ako.

"Mabuti naman at nagising ka na! Pack your things, aalis na tayo dito!" sigaw niya at umalis sa kama ko at siya na mismo ang kumuha ng mga damit ko papasok sa maletang dala noon.

Nanlaki ang mga mata ko at tuluyan nang nawala ang antok. Napatayo ako at lumapit sakanya.

"W-What do you mean?" sumasakit ang ulo ko, nalilito sa pabiglaan niyang sabi. Nang malingunan ko ang bintana ay hindi pa naman umaga. Sobrang dilim pa.

"Ayusin mo ang sarili mo, naghihintay na sa atin ang van sa labas! Please, makinig ka sa'kin, it's for your own good!" sigaw niya kaya wala na akong magawa at sinunod siya.

Quietly, we left that place without even looking back.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now