Chapter 27

24 1 0
                                    

"T-Teka, masakit!" inis akong tumigil at sinubukang bawiin ang braso sakanya. Niluwagan niya ang pagkakahawak pero hindi parin ako binibitawan, pinandilatan ko siya.

"Ano bang problema mo?" matapang ko siyang tinignan sa mga mata, his eyes were dark, kitang kita ko ang galit. Sa huli ay ako rin ang unang sumuko at nag-iwas ng tingin.

Nasa tabing-dagat kami, malayo na sa restaurant at walang masyadong tao dito. Kami nga lang ata.

"Ikaw," he said breathily, the reason why I looked at him. Napalunok ako nang makitang lumambot ang tingin niya sa'kin, inalis niya na rin ang hawak sa braso ko.

"Why are you with that man?" nanlisik ang mga mata niya at dumilim ang mukha, napaatras ako. He looked so scary when he's mad, and that makes him so hot.

Putangina Xiana, ganito na nga ang sitwasyon ay 'yan pa ang iniisip mo!

Tumikhim ako at nagtaas noo.

"Why? Ano naman kung kasama ko siya? Pake mo?" umirap ako. Humakbang siya palapit kaya umatras ulit ako hanggang sa maramdaman ko na ang mga alon sa paa ko.

He grabbed my waist nang muntik na akong matalisod. Pinanliitan niya ako ng mata.

"Anong pinakain ng lalaking 'yon sa'yo at nagkaganyan ka bigla? Is he your boyfriend?" his lips were in a thin line, magkasalubong ang mga kilay niya. Napalunok ako.

God, why is he so handsome. Sobrang lapit niya sa'kin na kailangan kong iarko ang likod para makalayo ng konti.

Hindi ako makapagsalita kaya umiling na lang ako. I bit my lip, the reason why he looked at it. He licked his' and looked at my eyes, masama parin ang tingin niya sa'kin.

Lumalakas ang alon kaya nababasa ang dulo ng dress ko.

"X-Xian!" tinulak ko siya dahil ayaw kong mas mabasa pa, lumayo ako sa dagat at hinarap siya. Naabutan ko siyang umiiling sa sarili.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka galit ha? At bakit bigla-bigla ka na lang nangangaladkad eh hindi pa ako tapos kumain kanina at hindi ako nakapagpaalam kay Helios!" bawi ko. Ngayon lang nagkalakas loob singhalan siya dahil hindi siya nakatingin sa'kin. Nakayuko parin siya at parang may iniisip.

Nang tinignan niya ako ay umiling ulit siya.

"I'm sorry," he coldly said and left me here hanging. Napamaang ako at tinignan na lang ang likuran niya na lumiliit hanggang sa hindi ko na siya makita.

Bumuntong-hininga ako at inis na sinipa ang buhangin. How dare him left me here alone!

Sa huli ay napagpasyahan ko na lang bumalik sa villa at doon magmukmok. Nakakainis si Hexian! Hindi ko rin siya maintindihan ah, may mood swing yata.

Bago pa ako makapasok sa villa ay nakasalubong ko si Helios. Naglalaro parin sina Allie sa malayo.

"Uy, uh, sorry kanina ah," naiilang akong ngumiti.

"It's okay, napagalitan ka ba?" kumunot ang noo niya, umiling ako.

"Bakit naman ako papagalitan? At nino? Ni Hexian? Tatay ko ba siya para pagalitan ako? Ni hindi nga ako pinapagalitan ni daddy eh!" ngumuso ako at naalala na naman kung paano niya ako iwan na lang doon basta-basta.

Helios chuckled. "Mukha siyang galit eh," nagkibit-balikat siya.

"Ewan ko sakanya, ako na ang nanghihingi ng tawad sa ginawa niya, Helios. He shouldn't drag me out of that place, kita niya namang nag-uusap pa tayo. Pasensya na talaga ah, sana ay pinigilan ko rin siya at hindi ka iniwan doon," na-guilty ako bigla.

Hindi ko alam kung bakit galit si Xian kanina, at kung ano ang reason kung bakit niya ako kinaladkad. Tapos iiwan lang rin pala!

Helios smiled at me. "You don't need to say sorry, naiintindihan ko," he smiled again to assure me.

Sabay kaming napalingon ni Helios kay Azalehn na dumaan. She's wearing a two-piece bikini, hubog na hubog ang katawan. Everything is on their right places, idagdag mo pa ang mala porselana niyang balat na kumikinang dahil sa sikat ng araw.

I saw Helios' adam's apple move while looking at Azalehn, kumunot ang noo ko.

Lumingon rin si Azalehn dito sa banda namin, napaayos ako ng tayo. She smiled so sweetly at me, ngunit nabitin 'yon nang balingan niya si Helios.

I saw my friend's face turned into red after that, mas lalong kumunot ang noo ko.

I wonder if they know each other.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now