Chapter 18

24 1 0
                                    

"Sa wakas! I'm glad, tinanggap mo rin ang offer ko!" sabi ni Allie sa kabilang linya, napairap ako. Wala naman akong choice kung hindi sumama na lang sakanya sa resort na sinasabi niya.

"Punta ako diyan bukas, sunduin kita tapos punta tayo ng mall para bumili ng mga damit!" sabi niya tapos binabaan na ako.

Natulog ako nang maaga at kinabukasan ay sinundo nga ako ni Allie. Maaga pa siya, kakagising ko pa lang ay nandito na.

"What should we buy first?" aniya habang nakatingin sa mahaba niyang listahan, we're now at the mall.

"Swimwears!" hinila niya ako at dinala sa isang boutique.

"Alam mo, bagay sa'yo yung white. Tignan mo oh," nilapit niya sa'kin ang puting swimsuit, napairap ako.

"Marami na ako sa bahay, I don't need a new one,"

"Sige na, I'll pay for this!" pagpupumilit niya, um-oo na lang ako.

Sinamahan ko si Allie sa pagpili ng mga damit na isusuot niya at mga gamit na kakailanganin daw namin. Wala naman akong bibilhin at sumama lang sakanya. Kumpleto na ang mga susuotin ko sa bahay.

Marami pa akong swimwears doon na kahit kailan ay hindi ko pa nasusuot.

We went home after lunch.

Kahit nang gumabi ay nagcall pa siya sa'kin kung gaano na siya ka-excited.

Nagpalit ako ng sim at siya pa lang ang nakakaalam ng number ko. Well, bakit pa nga ba ako nagpalit? Syempre kina-career ko nga ang pag-iwas sakanya. I don't want to mention his name.

Umaga pa lang kinabukasan ay nag impake na ako ng mga dadalhin sa resort. Ngayon kasi kami aalis, at ngayon pa lang ako mag iimpake.

I made sure na dala ko ang lahat ng kakailanganin. I brought my camera with me, para kung mabored man ako dun, kukuha na lang ako ng mga pictures ng view doon.

"Ready ka na?" masayang tanong ni Allie habang hawak ang maleta, dalawa pa nga yung dala niya. Parang dito na titira ah.

Pumasok na kami sa resort, bumungad kaagad sa amin ang white sand na sinasabi ni Allie. Pinong pino, parang gusto ko ngang hubarin ang sandals at maglakad na lang nang naka-paa.

We we're headed by the staff on our way to the villas. Malayo pa lang ay namangha na agad ako. Mas maganda pala 'to sa personal kaysa sa picture na pinakita sa'kin ni Allie.

Pumasok kami sa villa namin. Sa harap nito ay may pool. Ang ganda ng ambiance, gawa sa kahoy ang bahay.

"Ang laki naman nito, eh dala-dalawa lang naman tayo na titira dito for a month," puna ko. Pumunta kami sa taas at pumili ng kwarto. Pinili ko ang nasa dulo, kay Allie naman ay sa kabila ko. Meron pang isa sa kabilang dulo pero dalawa lang naman kami.

Pumasok ako sa napiling room at nilagay doon ang mga gamit ko. Umupo ako sa malambot na kama at tinanaw ang paligid.

Everything's unfamiliar in my sight, mas lalo akong natuwa. Pumunta ako sa balcony at nilanghap ang sariwang hangin. I can clearly see the beach from here.

Lumingon ako sa gilid at naaninag pa ang ibang villa na katabi namin. Lumabas ako at naabutan si Allie na nasa sala at kumakain.

"Sino yung nasa katabi nating villa?" I asked her. Pwede naman atang makipagkaibigan dito. Muntik na siyang mabulunan sa tanong ko, nangunot ang noo ko.

"Ah," tumayo siya at hinila ako palabas. Saktong paglabas namin ay lumabas din ang mga nandoon sa kabilang villa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino sila.

"Allie, you want to go here for a reason, right?" baling ko sakanya, she only smiled and made a peace sign.

I shut my eyes, annoyed. And when I opened it, I met his gaze.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now