Chapter 11

31 1 0
                                    

Tumunog ang cellphone ko kaya pareho kaming napatingin sa table, whoever called is an angel. Inalis ko ang kamay niya na nasa sink at lumapit sa lamesa, parang ngayon lang ako nakahinga dahil nakatakas na ako sa pagkukulong niya sa'kin don.

It was Allie's name that appeared on my screen, hindi pala anghel. Demonyo, demonyo ang tumatawag.

"Hello?" bungad ko, Xian was still on the sink, nakasandal habang magka-krus ang magkabilang braso, malalim ang tingin sa'kin. I just avoided his gaze.

"Tangina kanina pa kita tinatadtad ng messages, hindi ka nagrereply! May tsismis ako sa'yo eh! Alam mo ba-" pinutol ko siya.

"Please, not today okay? Mag-usap na lang tayo mamaya kapag hindi na ako busy dito," I lowered my voice so that Xian can't hear me, saka ko pinatay ang tawag.

"Who was that?" hindi ko namalayang nasa likod ko na pala siya.

"Just a friend," nagkibit-balikat ako.

"A friend?" tumaas ang kilay niya. "Okay, I don't care, tss. Are you free today?" tanong niya, kumunot ang noo ko.

"Uhm, yes. Why?"

"Ituloy natin yung naudlot na plano kahapon," he smiled.

"Are you sure? Baka busy ka,"

"No, kaya nga ako nandito di'ba?"

"Okay, could you wait for me? Mag-aayos pa ako," he just nodded kaya mabilis akong umakyat sa kwarto.

He's wearing a plain black t-shirt and denim jeans, may dogtag na suot. Simple lang kaya simple lang din ang pinili kong suotin.

I just partnered my white puff sleeve dress with my black chanel heels. Kinuha ko ang purse at syempre, hindi mawawala ang aviators ko.

"San ba tayo?" I asked when we headed to his car. Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

"You'll know when we'd get there," sabi niya saka pinaharurot na ang sasakyan.

It's a long drive, paglabas ko sa kotse niya ay nalaman ko na lang na nasa Tagaytay na kami.

"Bakit dito?" I asked, memories from the past flashed on my mind. I met him here.

"Sayang, punuan ang village, hindi tayo makakapunta," he smiled and brought me somewhere.

Napamangha ako sa nakikitang view. Kitang-kita dito ang taal volcano at lake, nalalanghap ko rin ang sariwang hangin.

Parang hindi pa 'to nag-eexist noon ah. Mas lalong gumanda ang lugar, marami nang nagbago pero eto at kasama ko parin si Xian na bumisita sa lugar na 'to kung saan kami nagkakilala.

Hinila ako ni Xian at pinaupo sa rattan chair habang siya ay may kausap na staff.

Grass ang naapakan ko, nasa dulong parte kami nitong open space cafe. The walls beside are full of colors. May hanging egg-like chairs din sa harapan kung saan mas makikita mo ang ganda ng view. I wanna sit there pero naupo na sa kabilang rattan chair si Xian at nilapag na ng isang staff ang order niyang latte at bulalo.

"Ang ganda dito, nakapunta ka na ba dito?" tanong ko, umiling siya.

"It was my first time, and I was with you,"

Napatango na lang ako at inumpisahan nang sipsipin ang kape.

I was 8 back then when my parents said that we'd spend the whole summer here in Tagaytay. Sa una, I was so bored, gusto ko nang bumalik sa bahay 'cause what can I do here except from watching the scenery of Tagaytay.

Araw-araw akong umiiyak kay mama para magpaawa at para makabalik na sa bahay.

But when I met Hexian, nagkaroon ako ng kalaro. Nasa village din sila noon kasama ng family niya.

Hindi ko na namamalayan ang bawat araw, until the day came when we need to leave that place, umiyak ako noon kasi akala ko, hindi ko na siya makikita. Kung noon, gustong-gusto ko nang makalayo sa lugar na 'to pero bigla na lang ay gusto kong dito na lang tumira.

Lumapit ako sa hanging egg-like chair at umambang umupo. Natapos ko nang kainin ang inorder ni Xian at kanina pa ako atat na umupo dito.

"Para kang bata," natatawang aniya at marahan akong binuhat paupo, bakit kasi ang taas nito.

He remained infront of me, natatabunan ng ulo niya ang view kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam kong maganda ako, pero pwede bang umalis ka diyan," pinaalis ko siya pero tinagilid niya lang ang ulo.

Mabuti na lang at kaunti lang ang tao dito, at malayo sa amin. Walang mga baliw na fans at media kaya malaya siyang nakakagalaw.

"Do you still remember what I promised to you there?" tinuro niya ang lake, nakagat ko ang labi at napatango.

"I promised to marry you here in this place when we get old," he chuckled, but his eyes were staring at me dead serious.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now