Chapter 39

21 2 0
                                    

"H-Hoy, shh, tahan na," nagpapanic si Allie sa tabi ko. Kahit gusto ko mang tumahan ay hindi ko magawa.

What I've heard is just too painful.

Bakit biglang.. ganito?

Akala ko ba?

"Their flight will be tomorrow, h-hindi parin ba nagrereply sa'yo si Hexian?" tanong ni Allie na may tinitignan sa kanyang cellphone. Umiling ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko pero hindi parin sila tumitigil sa pagbuhos.

Bumuntong-hininga siya at tinignan ako.

"Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin sa'yo," umirap siya sa kawalan. "Nakakainis 'yang Hexian 'no? Puro lang salita, hindi naman magawa! Saan na yung sinasabi niyang po-protektahan ka niya? Tignan mo, iniwan ka lang sa ere!" pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay.

"'Yang mga lalake talaga 'no! Puro lang 'yan salita! Ugh! Tumataas ang altapresyon ko sakanila!" padabog siyang sumandal sa couch.

"Kaya ikaw, 'wag ka na ulit maniwala sa mga ganiyang salita nila!" tinuro niya ako at sinamaan ng tingin.

Napabuntong-hininga ako. Wala ako sa mood para patulan siya ngayon. Masyado na akong pagod kahit kakagising ko lang. Parang kakatapos ko lang magpasan ng mga kahoy na kailangan ko ulit magpahinga.

Masakit na rin ang mga mata ko sa kakaiyak.

"M-Matulog na lang u-ulit ako.." paalam ko at hindi na siya hinintay pang magsalita. Tuloy tuloy ang lakad ko papunta sa kwarto, nanlalabo pa ang mga mata ko sa nagbabadya na namang luha.

I exhaled and wiped away my unshed tears.

Nang tuluyang makapasok sa kwarto ay kinuha ko agad ang cellphone at sinubukan na naman siyang tawagan.

"Please.. please.. answer my call Xian," pumikit ako at hiniling sa lahat ng santo na sagutin niya na ang tawag ko.

I'm eager to find an answer.

I want to know kung anong masasabi niya sa dineklara kanina ng manager nila.

I want to know if he's still keeping his promise. Baka may iba siyang paraan?

Unti-unti na namang bumuhos ang luha ko nang ilang oras na ang nakalipas ay wala paring sumasagot sa tawag ko.

Totoo ba talaga 'yon? Aalis na talaga siya? Nang hindi man lang magpapaalam sa'kin?

Will he be back?

How long will I wait?

Isang tawag pa ay wala paring sumasagot kaya nagsend na lang ako ng isang message.

To Hexian:

Hi, how are you? We haven't met for a long time, I already miss you. Is it true that you'll be back on US for good? For how long? Can I see you before you go? Hexian, ako pa ba? Ako parin ba? Are you ignoring me? You're ignoring all my calls. Do you still love me? Xian, please answer my call, will you? I just want to hear your voice..

Hindi ko na naituloy ang ita-type dahil bumuhos na naman ang luha ko.

Binura ko lahat ng 'yon.

I looked crazy waiting for him.

Hindi mo ba narinig ang sinabi ng manager nila kanina?

Hindi ka parin ba nagigising sa kinahihibangan mo?

Sabi ng isang parte sa isip ko.

It's so clear that he's leaving here for good. Leaving all his issues, leaving me.

It's for his own good.

Ofcourse he would always choose his career over someone.

Bakit pa nga ba ako kumagat sa mga salita niya? Naniwala sa mga pangako niya?

He will never let anyone ruin his career. Kaya nga dineny niya na may relasyon kami di'ba? He personally said to his manager that I was just delusional and crazy.

Bakit pa ba ako umasa?

I turned off my phone and throw it beside my bed.

I sighed.

Hindi naman talaga ako naghahangad noon na mamahalin niya ako pabalik.

And when it came, ofcourse it made me happy.

But is his I love you's were true? Did he said those words because he's truly inlove with me or it's just that he needs to say those because we're in a relationship and it's normal to exchange those words even if it's not true.

Napapikit ako.

I'm too tired from all of these.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now