Chapter 37

22 2 0
                                    

Maya-maya pa ay may tumawag sa cellphone ni Hexian. He excused himself, nang magtagal ay nagpaalam na rin siya.

Tumayo ako at tinanaw siya sa bintanang papasok na sakanyang kotse.

Mahigpit dito ang mga security sa village nila Allie at kakaunti lang ang mga bahay dito, ang pinakamalapit na bahay nga sakanila ay kailangan pang lakarin ng ilang minuto. Kaya kung magpunta man dito si Hexian ay hindi siya makikita ng kahit sino o susundan ng mga media.

May kausap parin siya sa cellphone niya hanggang ngayon. He looked up, nagkatitigan kami. He waved his hand at me before going in.

Napabuntong-hininga ako.

He's busy, ofcourse. Hindi lang dahil sa issue na ito, siyempre sa marami pang bagay. He's a superstar, an artist, a busy person. And I feel very special cause even if he's busy, he still have time to visit me. To ask me if I'm okay, and to assure me that everything's gonna be alright.

Bumalik muli ako sa kama, sakto namang pumasok rin si Allie.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Something's going on with you too," she declared. Lumapit siya at naupo rin sa kama.

"I know that it's a secret between the both of you but you can trust me! Why didn't you tell me? Kung hindi pa lumabas 'tong issue ay hindi ko pa malalaman, huh?!" nilagay niya ang mga kamay sa baywang, nakataas ang kilay at hinihintay ang sagot ko. I rolled my eyes.

"Now you know, happy?"

"Ugh! Kairita ka talaga! You kept it from me! Akala ko ba, magkaibigan tayo? Fake friend ka!" pinanlisikan niya ako.

I just sighed.

"Tell me the whole thing Xixiana!" she pouted. "I want to know the whole thing! At yung nasa pictures! I hate being clueless! I want to know!"

I sighed again. There's nothing I can do. Sinabi ko sakanya ang lahat ng nangyari. Kung paano ako nalasing, kung paano ako umamin, kung paano naging kami. She was very attentive, sa bawat salita ko ay may angal siya.

"Ugh! So that's why! Unfair talaga! Ngayon ko lang nalaman!" sinamaan niya ako ng tingin, nagkibit-balikat lang ako.

"Pero.. sa tingin mo? Who took that pictures? Wala namang tao doon sa bar kundi tayo tayo lang kasama ang mga ka-grupo ni Hexian. Yung iba doon, umalis na rin kaagad eh. Sa tingin mo?" she glanced at me.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Wala ako sa sarili noon, I was drunk, kaya nga hindi ko na napigilan ang sariling umamin, di'ba?" umirap ako.

"Tss, I was drunk too! Pero, kasi, wala namang tao doon bukod sa'tin! Sa tingin mo, isa sa mga ka-grupo niya?" malalim ang iniisip niya habang sinasabi 'yon.

"Huh? Bakit naman nila 'yon gagawin? Eh malaki ang chance na masira ang pangalan ni Hexian kapag pinost nila 'yon, at siyempre madadamay sila! Ka-grupo nila eh, makaka-apekto 'yon sa grupo nila," kumunot ang noo ko. Imposible naman ang sinasabi niya.

"Nga naman," nagkibit-balikat na lang siya.

Maya-maya pa ay umalis na rin siya kaya napag-isa na naman ako.

Sa kabagutan, binuksan ko ulit ang cellphone ko. I texted Hexian.

I waited for his reply but it didn't came, tatawagan ko sana kaso naisip ko na baka busy siya.

I opened my social media accounts. Pinigilan ko ang sariling tignan ang article pero ang issue agad namin ang bungad sa news feed ko.

Someone posted on my timeline, and iba ay tina-tag at mine-mention ako. And lahat ng 'yon, puro galit at threats!

Bitch! Magkano ang kulam na binili mo para mapabilog si Hexian?

Isa 'yon sa mga post sa timeline ko. Marami ang nagreact, as if aliw na aliw sila sa sinabi ng bruhang 'yan.

I stalked her account and blocked her. Sa aming dalawa, siya ang mas mukhang may kukulamin!

May isa ring nag-mention sa akin. The post was a video of a man, kinikitil ang leeg niya. I almost screamed, it was horrible.

Watch this! This will be the cause of your death!

'Yan ang nakalagay sa comment.

Nanginginig ang kamay ko sa inis. I've never felt this angry before, ngayon lang!

Sobra sobra na sila! This is below the belt. Ano bang nagawa ko sakanila? Why am I hated when I just want to love.

I confessed my love for him that night cause I can't take to hide it anymore, tapos ito ang matatanggap ko?

A Love That LastsWhere stories live. Discover now