Chapter 45

21 2 0
                                    

"You've got in trouble, you shouldn't take this lightly. We should report this to the police!" he snapped.

"Not now, I just want to rest," bulong ko at tinalikuran siya. Iilang hakbang pa lang ay nasa harapan ko na siya.

"Where were you going?"

"Uuwi na, syempre," pinandilatan ko siya.

"At saan ka sasakay?"

Pagod ko siyang tinignan. Bakit nga ba siya nandito at kinukulit pa ako.

"Why do you care?" sinamaan ko siya ng tingin at humakbang ulit pero hinarangan niya ang dadaanan ko.

"Ihahatid na kita,"

"Huwag na, marami pa naman sigurong taxi, mag-aabang na lang ako," tinignan ko siya at nasalubong ko ang nandidilim niyang mata.

"Hindi ka pa ba nadala kanina? You'll be safer if I'll drive you home! Paano kung nagbabantay pala sila sa'yo? Kung mapahamak ka ulit?" singhal niya sa'kin.

Kinalma ko ang sarili at pinigilan na pumatol sa kanya, in the end, I sighed. Wala na naman akong choice.

"Okay.." tahimik kong sabi at sumunod na sakanya sa kanyang kotse.

Binuksan niya ang front seat at mabilis akong pumasok doon. Umikot siya para makasakay narin at maya-maya pa ay nakaalis na kami sa building.

Tahimik lang ako at nagmamasid sa kalsada. Ramdam kong kanina pa siya pasulyap sulyap sa'kin pero hinayaan ko na lang siya.

I don't want to have a conversation with him.

Kung akala niyang nakalimutan ko na ang lahat ng mga ginawa niya sa'kin dahil lang niligtas niya ako, nagkakamali siya.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay. Inalis ko ang suot na seatbelt, lumabas naman siya para pagbuksan ako ng pintuan.

Tahimik akong lumabas at hinarap siya. May sasabihin pa sana siya pero inunahan ko na.

"Stay there," mariin kong sabi at pumasok na sa loob ng gate.

Mabilisan ang pagkuha ko ng first aid kit, hindi na ako nagbihis pa at lumabas ulit sa gate para harapin siya.

This is all I can do. After all, niligtas niya rin naman ako sa mga lalaking 'yon.

"May sugat ka.." turo ko sa pasa niya sa gilid ng labi. Pumutok 'yon at may kaunting dugo.

"Yeah, pero maliit lang naman," nag-iwas siya ng tingin.

"Gamutin ko na.." lumapit ako sakanya at nilagay sa unahan ng kotse niya ang first aid kit. Sumandal naman siya do'n at hinayaan akong gamutin ang sugat niya.

Kumuha ako ng bulak at nilagyan 'yon ng alcohol.

"Nagasgasan pa tuloy ang mukha mo, baka magtaka ang mga tao kapag makita ka sa screen na ganyan ang mukha.." sabi ko habang marahang dinidiin ang bulak sa kanyang sugat.

Hindi siya sumagot kaya tinignan ko siya only to meet his gaze. Tumikhim ako at binaba ang tingin sa kaniyang sugat.

The awkward silence between us is making me anxious.

Kumuha ako ng betadine nang matapos sa paglilinis ng kaniyang sugat. Bawat diin ko ay iniingatan kong hindi siya masaktan.

"Tapos na," sabi ko nang matapos at niligpit ang mga gamit. Umayos siya ng tayo.

"Thank you-" pinutol ko siya.

"You don't need to. I should be, thank you for saving me earlier. I owe you that's why I'm doing this." Mariing kong sinabi, kinuha ko na ang mga gamit at handa na sanang umalis.

"Uh, about-"

"As I said, I'm only doing this 'cause you saved me earlier. But that doesn't mean na handa na akong makipag-usap sa'yo. Now, can you please leave?" Pinal kong sabi bago dire-diretsong naglakad papasok sa gate.

Sinarado ko 'yon at hinintay na makaalis ang sasakyan niya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Kumawala na naman ang luha sa aking mata nang makapasok na ng tuluyan.

I really need to get rid of him before it's too late. I need to secure my feelings bago pa ako mas masaktan ng sobra sobra.

A Love That LastsDär berättelser lever. Upptäck nu