Chapter 2

54 4 0
                                    

"Saan ba tayo ma?" nakamot ko ang ulo at naghanap ng dress na masusuot. Bigla-bigla nalang kasi nagplano si mama na sa isang restaurant daw kami magdidinner, eh pwede namang dito nalang sa bahay. Wala namang i-ce-celebrate para pumunta pa kami sa restaurant, it's just a normal day.

Nagsuot na lang ako ng isang white puff sleeve slim skater dress na v-neck. I wore my louboutin heels and matched it with my chanel bag.

"Wow, that's so simple of you," ani ate paglabas ko ng kwarto, inirapan ko siya.

Maarte kasi ako sa pamimili ng damit, kapag lalabas ay madami akong eme pero ngayon mas pinili ko na lang maging simple. Wala ako sa mood para mag ayos ng mas bongga atsaka kakain lang naman kami.

Sumakay kami sa kotse ni papa. Tahimik lang ako buong biyahe, nakatulala habang ang paningin ay nasa labas.

Suddenly, I remembered what happened earlier.

Nang masagot na ni Hexian ang tanong ay nag proceed na ang nag-iinterview sa iba pang mga ka grupo niya. Niyaya ko na ring umalis doon si Allie kahit na gustong-gusto niya pang makitili doon.

I was preoccupied by that incident, hindi ko alam. Wala naman talaga akong pake pero ewan.

Napabuntong-hininga ako nang makalabas na kami sa kotse, naunang pumasok sina mama at papa.

"Okay ka lang ba?" nakangising tanong sa akin ni ate, parang may lihim na pasabog. Kumunot ang noo ko at tumango.

"Ofcourse," inirapan ko siya at sumunod kina mama, may nireserve na pala silang table kaya naupo na kami doon at naghintay sa order.

"Ma, bakit ang laki ng table? Apat lang tayo pero pang twelve seats ang pinili nyo," hindi ko na napigilan. Usually kapag lumalabas kami para kumain, four seats ang pinipiling table kasi syempre, apat kami. Wala naman ata kaming hinihintay na bisita, or so I thought.

Napatikhim ako nang makita si tita Monique na palapit na sa table namin. Makakahinga na sana ako nang makita ko na nakasunod rin pala ang asawa at anak niya sakanya. Nagtama ang paningin namin ni Hexian.

He had this badboy aura, napaupo ako nang maayos when I met his piercing gaze.

Nagbati ang mga magulang namin, nakibeso ako kay tita atsaka kami naupo. It's kinda awkward for me but I can handle this.

"You look so simple today, hija," nagulat ako sa puna ni tita, napabaling tuloy silang lahat sa akin. Hindi ko akalaing pati siya ay makakapansin noon o talagang sobrang arte ko lang talaga magbihis kaya nagtaka sila ngayong simple lang ang suot ko.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti na lamang ako. Thank God the waiter went to our table and served our orders, nagsimula na rin kaming kumain.

Sa una, tahimik lang pero nang matapos na namin ang main dish ay nagsimula nang mag-kuwentuhan sina mama.

"I still can't believe that your son's a superstar, how does it feel?" tanong ni mama kay tita atsaka tumawa.

"Ofcourse I'm happy for him, he fulfilled his dreams. I myself still can't believe it too," ani tita, "Excited na nga ako sa concert nila, he did many concerts in different countries pero iba ito ngayon, lalo na't dito sila magpeperform sa sarili nating bansa," proud na proud na sabi ni tita.

I myself can't help it but to be proud of him, he reached it this high. He's so successful now, he reached his dreams, he have everything he wished for.

For a second, naisip kong lingunin siya para malaman kung anong ginagawa niya but I was too afraid that he could catch me watching him so I didn't.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng dessert. I thought it would be as smooth as I expected.

May narinig kaming ingay kaya sabay sabay kaming tumingin sa opening ng restaurant. It was a bunch of foreigners, nang tumayo si Hexian ay nakumpirma kong mga kagrupo niya iyon.

Oh here comes the World icons.

Nataranta ako ngunit mas pinili paring maging kalma. Hexian guided his group to come to our table, nangunot ang noo ko.

Are we going to continue this night together with his group? The world icons? The biggest pop group in the whole world?

Thank God at nasa isang elite restaurant kami kaya walang mga baliw na fans at mga medias. Pero kahit ganon ay may iilang paring napapalingon sa gawi namin.

Oh my God I can't believe this! I thought this would be just a normal dinner together with my family but this isn't!

A Love That LastsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora