Chapter 20

26 1 0
                                    

Pagdating namin sa restaurant ay lahat sila napatingin sa amin, yumuko na lang ako at umupo sa tabi ni Allie. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong meron sainyo? Bakit ang tagal niyo?" bulong niya, umiling nalang ako kaya humarap na ulit siya kay Zexie at nakipag-usap.

"You watch anime?" tanong ni Zexie sakanya.

"Yes, but only hentai," sagot ng napakagaling kong kaibigan, nasamid tuloy si Zexie sa iniinom.

"Joke," sabi ni Allie at tumawa, pati ang iba ay nakitawa rin, napangiwi ako. Mukhang ka-close na niya lahat ah.

"Aren't you hungry?" napalingon ako kay Hexian na nasa katabi ko palang upuan. Kumuha siya ng pagkain at nilagyan ang plato ko, mabuti na lang at aliw na aliw ang lahat kina Zexie at Allie kaya hindi nila napansin ang ginawa ni Xian, napatikhim ako.

"Eat," aniya nang matapos malagyan ng pagkain at plato ko. Hindi na ako nagsalita at nagsimula na ngang kumain.

"Ikaw? Hindi ka ba kakain?" tanong ko nang malingunan siyang nakatingin lang sa'kin, inirapan ko siya.

"Kakain na nga," nakangisi niyang sabi at sinimulan nang galawin ang pagkain sa harapan niya.

Kumakain na rin ang iba, nagkakatuwaan na silang lahat ngayon. Habang kumakain, talak nang talak si Allie at tutok na tutok naman sila sakanya.

"I'm your fan, like since day one! And I just can't believe I'm here having lunch with y'all!" aniya.

We're here in a beach themed restaurant, kasi siyempre nasa beach malapit. Nakaapak kami sa white sand. Gawa sa puno ang restaurant, iilan lang ang mga tables nila, kami nga lang ang nandito o talagang nirentahan talaga 'to nila Xian na sila sila lang ang kumain dito.

Tahimik akong kumain, habang ang iba naman ay nagkukuwentuhan.

"Thank you for letting us join with y'all for lunch," ani Allie nang matapos kaming kumain.

"No problemo! If you want, you two can join again for dinner later," sabi ni Raj.

"Andwae!" sabi ni Daeshim, napatingin kaming lahat sakanya.

"What did he say?" tanong ni Allie kay Zexie pero nagkibit-balikat lang siya.

"I'm not korean, I don't know," aniya.

"Bro, chill! You hot tempered jerk!" sabi sakanya ni Thunder, nagtawanan sila pero naiinis parin si Daeshim.

"Hey," tawag sa'kin ni Xian kaya nilingon ko siya. "Don't mind them, tsh,"

"Ganyan ba talaga sila palagi?" tanong ko. Kung gaano kasi sila ka seryoso kapag nasa stage, ganon din sila kaloko kapag off-cam.

"Yeah, they're crazy," sabi niya at umakbay sa upuan ko kaya parang nakaakbay narin siya sa'kin. Naabutan ko ang paningin ni Azalehn na nasa amin, nasa harapan kasi namin siya nakaupo. Umupo ako ng maayos sa upuan at hindi na muli pang sumandal.

Maya-maya pa ay umalis na kami sa restaurant na iyon at naglakad pabalik sa kanya-kanyang villa.

"Uhm Hexian," pareho kami ni Xian na napalingon kay Azalehn na tumabi na sakanya, sinabayan kaming maglakad.

"I just wanna talk to you," ngiti niya tapos tumingin sa'kin. Naiintindihan ko naman na kailangan nila ng privacy kaya lumayo ako ng kaunti. Nagpahuli ako sa paglalakad.

Nilibot ko na lang ang paningin sa mga magagandang tanawin dito. Nilalaro ng hangin ang buhok ko kaya minsan ay tumatama ito sa mukha ko. This place is so peaceful.

"But you can't be seen with another girl," narinig ko ang mahinang boses ni Azalehn, medyo malayo sila sa'kin kaya hindi ako sure kung tama ba ang narinig ko.

Napabuntong-hininga ako. He can't be seen with another girl.

Of course, ano na lamang ang iisipin ng mga tao kapag may makita silang babae na kasama si Xian bukod sa mga kagrupo niya?

For sure, they would throw hate to whoever that girl. Iisipin nilang panira siya sa buhay ni Xian. And they're shipping him with someone in his group, si Azalehn. Kung makita man nilang may kasama siyang iba, kawawa yung babaeng 'yon. For sure, they're going to bash that girl and ruin her image just because people caught her together with Hexian. It's a threat to them seeing him with another girl cause may paniniwala silang si Hexian lang dapat at si Azalehn.

Sila lang dapat. Sila ang mas bagay.

Aatras na lang ako.

A Love That LastsKde žijí příběhy. Začni objevovat