Chapter 53

20 2 0
                                    

Nagdaan pa ang mga araw na nanatiling gano'n. Hindi ko alam kung tatahimik na lang ba ako tungkol sa nalaman ko. Wala naman nang mangyayari kung magagalit ako kay Jiae sa ginawa niya noon. Matagal nang namatay ang issue at kung ididiin ko ang nalaman ay baka maungkat na naman 'yon.

Heck, ayoko. Ayaw ko nang balikan ang issue na 'yon!

Maaga akong nagising dahil lunes na naman. I need to go to work.

Pagpasok ko pa lang sa building ay nagtaka na ako sa maraming mata na nakatingin sa akin. I'm used to it, alright. Kilala nila ako bilang anak ng may-ari ng kompanyang 'to. But their looks now is different, like there's something weird about me or there's something I'm hiding.

Pinilig ko ang ulo ko at dire-diretsong naglakad patungo sa aking opisina.

Guni-guni ko lang siguro 'yon.

Nagsimula na ako sa trabaho, sa tingin ko ay mag-o-overtime na naman ako mamaya para matapos 'tong sandamakmak na trabaho na naghihintay sa akin.

"What the hell?!" Bumukas ang aking pintuan. Allie's voice filled my office, she slammed the door and marched till she's near me.

She towered over me. Pagod kong sinarado ang laptop at tumingala sakanya, she remained standing with her furrowed eyebrows.

What is it again this time?

"Have you gone crazy?! Nangyari na 'to noon! Hindi ka man lang nag-ingat! Tignan mo, naulit!" she screamed, frustrated. Kumunot ang noo ko.

"My gosh! Naging busy lang ako, may nangyari nang ganito! Kung hindi ko pa 'to nakita, hindi ko pa nalalaman! And don't tell me, you don't know?!" Nanlaki ang mga mata niya. Mas lalong kumunot ang noo ko at umiling. That made her look at me like I'm some puzzle that's hardly solved. Pinanlisikan niya ako at pinaypayan ang sarili niya gamit ang kamay.

"Open your social media accounts! I'm sure, it's all over the internet now!" utos niya.

Sinunod ko ang gusto niya. I opened my social media account and scrolled through it.

Sa una, hindi ko pa gets kung anong tinutukoy niya but when I saw an article featuring Hexian and.. me!

Nanlaki ang mga mata ko at binuksan 'yon.

It's a picture of us, again! This time, we're in his car. Nasa basement 'to, nakahawak siya sa pinto ng kotse niya habang ako ay papasok doon.

The picture's very clear, kitang-kita ang mukha ko! Only that Hexian was covered with his hoodie and shades, pero sa tindig niya at kung titignan mong mabuti ay malalaman mo na siya ito!

Nasapo ko ang noo ko.

True enough, the article was all over the internet. Sa bawat pag scroll ko ay 'yon ang nakikita ko!

We're seen together in his car! And oh my God, may malala pa ata 'to kaysa sa issue noon!

Maya't-maya ang pag vibrate ng cellphone ko sa mga messages ng mga fans, haters or whatever it is called! Pinapaulanan nila ako ng mga threats!

"See?! Now tell me! Ano ba kasi talaga ang nangyari?!" Umupo si Allie sa harapan ko, uhaw na uhaw sa ikukuwento ko. Napabuntong-hininga ako.

I told her all what happened after that incident when someone stole my car. She's very attentive, nagti-take down notes pa siya na parang nasa isang imbestigasyon.

"Oh shoot! Bakit ba kasi nagpapasundo ka pa sakanya kung pwede namang gamitin mo ang isang kotse niyo?! Tell me honestly, do you like seeing him waiting for you at the basement everyday? Do you like the thought of him driving you to your house everyday? Kaya hindi mo na naisip gumamit ng sasakyan kasi kontento ka na sa araw-araw niyang pagsundo sa'yo?" Nanliit ang mga mata niya. I'm in a hot seat right now and I hate Allie for making me nervous!

Inaamin ko, gusto ko ang pagsundo sa akin ni Hexian araw-araw. 'Yon lang kasi ang paraan para magkita at magkausap kami.

Dammit, nagpadala na naman ako sa feelings ko!

Ni hindi ko na naisip na maaaring busy siya o pagod, ni hindi ko na naisip na gamitin ang isang sasakyan namin pansamantala, ni hindi ko na naisip na ang ginagawa niya sa akin ay maaaring makasira sa career niya!

Crap, ngayon ko lang talaga naisip lahat ng 'yan! Kung saan huli na ang lahat!

Nakagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin kay Allie. Nanatili siyang nakatingin sa akin, nananantya.

"What will you do now?" tanong niya maya-maya. Napasinghap ako.

I didn't expect this coming. May mas lalala pa pala sa nangyari noon.

"To be honest, I don't really know, walang pumapasok sa isip ko ngayon.." I sighed.

I hated myself! Ang sabi ko, iiwasan ko siya. Ang sabi ko, hindi na ako magpapadala sa nararamdaman ko. But now.. kinain ko lang lahat ng mga 'yon!

I feel betrayed by my own self.

"Kausapin mo kaya? Huwag niyo nang ulitin pa ang nakaraan.. you know.. mag-usap kayo ng masinsinan," she said.

"Can I use your car?" I asked her, she nodded.

I pursed my lips before finally deciding. Alright, pupuntahan ko siya kung saan man siya ngayon, I'm gonna make these things right.

Walang pagdadalawang-isip na lumabas ako ng opisina. I don't care now kung hindi ko pa natatapos ang ginagawang trabaho. Pinagtitinginan na ako habang naglalakad ako sa cubicle, maaaring sa oras ngayon ay lahat na ay nakakaalam sa issue, pero wala na akong time para ipaliwanag sakanila ang totoo!

I went to Allie's car at the basement, I opened the engine and roared it to life.

She let me use this, nanatili siya doon sa opisina ko.

I'm gonna make things right. Kung saan man siya ngayon, pupuntahan ko siya. I'm gonna clear all our issues since then, and maybe.. cut all the cords between us.

Kasi habang malapit ako sakanya, nasisira ang career niya. And I'm not gonna let that happen..

A Love That LastsWhere stories live. Discover now