Chapter 44

21 2 0
                                    

Here we go again, another day to waste.

Mabilis akong nag-ayos para makapasok na sa trabaho. Sa totoo lang, I don't actually like the thought of working. Iniisip ko noon na marami naman kaming pera kaya okay lang na manatili lang ako sa bahay at magpaka-chill.

But I've changed, alright. My view changed, I'm ahead of the bright future and what can my own money gives me.

Nakasanayan ko na rin namang magtrabaho, at 'yon lang ang choice ko para may mapagkaabalahan ako.

Pinark ko ang kotse sa basement at dire-diretsong naglakad patungo sa elevator nang mahagip ng tingin ko ang lalaking naka hoodie at shades. He's standing near my car, madilim man ang suot na shades pero alam kong nakatingin siya sa'kin.

He's kind of familiar. Umayos siya ng tayo at nilagay ang mga kamay sa bulsa, nakatingin parin sa akin.

Why is he here? Again.

Maraming tao na ang nasa basement kaya siguro siya nagsuot ng shades at hoodie. Ofcourse, sikat siya.

Nagkataon lang kahapon na walang medyo tao dito kaya walang makakakita sakanya pero iba ngayon.

Marami ang nakasabay ko sa elevator, ako na ang pumindot ng button dahil ako naman ang nasa harap. I stand still, nakatingin parin sakanya, matapang lang dahil may suot siyang shades kaya hindi ko kita ang mga mata niya. Nanatili akong gano'n hanggang sa tuluyan nang sumara ang elevator.

Doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.

I need to get rid of him. Seriously.

Tahimik akong pumasok sa aking opisina at nagsimula nang magtrabaho. I busied myself on work.

Sa sobrang busy ko ay hindi ko na naman namalayang tanghali na. Well, parati namang ganito. Sanay na akong malipasan ng gutom.

Bumukas ang pintuan at bumungad sa aking tingin ang isang lalaking may dalang bouquet of flowers at isang paperbag.

"Ma'am, may nagpapabigay po," yumuko siya bilang galang at lumapit sa lamesa ko para maibigay sa'kin ang dala niya. Nakasuot siya ng uniporme, delivery boy?

"Who?" tumaas ang kilay ko at tinanggap ang mga bulaklak.

"Hindi ko po alam ma'am, hindi ko na naitanong ang pangalan," kinamot niya ang batok. "Pero nakalagay po dito ang pangalan niyo, uh, dito po, pumirma po kayo," pinakita niya sa akin ang notebook. Tumango na lang ako at pinirmahan 'yon.

"He paid for this all? Talaga bang para sa akin 'to, manong?"

"Opo, nakalagay na nga po ang pangalan niyo diyan," he pointed the notebook. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumango, binalik sakanya ang notebook. Hindi narin naman siya nagtagal at umalis na.

Kunot noo kong tinignan ang mga bulaklak na hawak at ang paperbag na nakapatong sa aking lamesa na may lamang pagkain.

Who would send me this?

Alam ko namang marami akong admirer dito sa building pero kapag nagbibigay sila ay sila mismo ang pumupunta dito.

Si Raven?

But it's impossible. Kaya niya namang pumunta dito sa opisina ko kaya hindi na kailangan pa ng delivery boy na maghahatid nito dito.

Kunot noo kong kinuha ang card na nakalagay sa bouquet.

I hope we could talk. I'm really sorry. -H

Napasinghap ako sa nabasa.

It's him!

Nagngitngit ang ngipin ko at walang pagdadalawang-isip na nilagay sa basurahan ang mga bulaklak at ang paperbag.

Sinimulan ko na lang ulit ang trabaho kahit na hindi kumakain. Ayaw kong lumabas dahil baka makita ko siya. As I said, I need to get rid of him!

Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga pinadala niyang tinapon ko, pinilig ko na lang ang ulo at tinutukan ang trabaho.

Gabi na nang matapos ako. Paglabas ko sa aking opisina ay kakaunti na lamang ang tao sa mga cubicle. Nakabukas na rin ang mga ilaw.

Tahimik akong naglakad patungong elevator, mag-isa lang ako sa loob hanggang sa makarating sa basement.

It's past eight, kaya tahimik narin dito.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kotse but before I could slip inside, may humawak na kaagad sa braso ko para patigilan ako sa pagpasok!

I rolled my eyes at the thought that Hexian really can't understand that I don't want to see him! I need to get rid of him kaya bakit siya nandito ngayon!

I was ready to shout at him, but I froze when I felt a cold sharp knife just beside my stomach.

Humigpit ang hawak sa akin ng lalaki at ang isang kamay niya ay nakapulupot na sa aking leeg.

"Wag kang maingay kung ayaw mong itusok ko 'to sa'yo," he whispered that made me goosebumps.

Napalunok ako at walang magawa kundi tignan ang iba pa niyang kasamahan na naghahanap na ng mga gamit sa loob ng kotse ko.

There's a guard here, alright! Pero nasa malayong parte siya nitong basement!

Nilibot ko ang paningin para mahanap ang cctv, umaasang baka makita ang mga nangyayari dito pero nakatalikod kami sa camera!

"Bilisan niyo! Paandarin niyo na 'yan para makaalis tayo dito!" mariing sabi ng nakahawak sa akin sa mga kasamahan niya.

I want to shout, but I'm too scared na baka totohanin niya ngang itusok sa akin ang kutsilyo!

Naiiyak na ako nang biglang natumba ang lalaking nakahawak sa akin sa isang suntok!

Napasinghap ako at hindi pa nakakagalaw sa kinatatayuan.

"Xian!" Hexian's cold voice made my hope rise. Mariin niyang hinawakan ang papulsuhan ko at hinila ako papunta sa likod niya.

The man he punched stood up and his fist landed on Hexian's face! My hands flew on my mouth, hindi ako makagalaw sa sobrang takot.

Nagsimulang umandar ang aking kotse, pumasok doon ang lalaki at mabilis silang nakaalis sa basement, leaving me here and Hexian alone!

They stole my car!

"Hey!" tumakbo pa ako para sana mahabol sila kaso hinawakan ni Xian ang braso ko at pinaharap ako sakanya.

Sakanya ko naibaling ang galit.

"Are you okay?" marahan niyang sabi, iniingatan ang bawat salita.

Unti-unti akong kumalma at nag-iwas ng tingin.

Now we're here alone.

"We need to report this to the police station-" agad ko siyang pinutol.

"There's no need, mag-aalala lang sina mama kapag malaman nila 'to." Mariin kong sinabi.

I know, I should report this. This isn't a joke, they stole my car! And they threatened my life! But no, not when Hexian's with me.

The lights reflected his eyes, his dark and cold eyes that sent shivers down my spine. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa gilid ng labi niyang may pasa.

Napasinghap ako. He almost risked his life to save me.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now