Chapter 19

25 1 0
                                    

"Hexian, it's your friend!" sabi ni Zexie at nakangiti akong tinuro kaya lahat ng atensyon nila ay nasa akin na. Napalunok ako at umatras, hindi ko kayang humarap ngayon sakanya pero magtataka naman sila kapag bigla na lang ako papasok, ang bastos naman ata non.

Our faces mirrored. Gulat pa siya nang makita ako, maging ako nga rin. Sa huli ay umiwas ako ng tingin.

Zexie was the one who came near us, kaya walang magawa ang mga kagrupo niya at lumapit din dito. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa.

"You're," nag-isip siya. "Xixiana right?" nakangiti niyang tanong, tumango na lang ako.

"Konnichiwa! It's good to see you again," aniya, napalingon siya sa katabi ko na ngayon ay nalilito na sa nangyayari.

"S-She's my friend, Allie,"

"Nice name, nice to meet you Allie-san!" Zexie bowed her head.

"K-Konnichiwa! You're so gorgeous miss Zexie, I-It's a pleasure to see you at this place!" sabi ni Allie.

I feel betrayed, bakit hindi niya agad sinabi sa'kin na gusto niyang pumunta dito para sa mga idol niya! Kaya nga ako sumama dito para makalayo pero parang baliktad ata ang mangyayari sa mga napagplanuhan ko.

Naiilang man, ngumiti parin ako sa iba. Kanina ko pa nararamdaman ang titig niya kaya napabaling ako sakanya. Umiwas siya ng tingin, tumikhim ako.

"It's nice to see you again," biglang sabi ni Azalehn, napakurap-kurap ako at ngumiti. Hindi ko na alam ang sasabihin.

"We were heading at the restaurant to eat, come join with us!" anyaya ni Zexie kay Allie, nagkukuwentuhan na pala sila.

"Talaga? I mean, sure!" as expected, iyan ang sagot ni Allie. Wala na akong magawa kung hindi ang sumunod.

Nangunguna sa paglalakad sina Allie at Zexie, mukhang magkasundo na sila. Nagpahuli na lang ako sa paglalakad.

"I didn't expect to see you here," nalingunan ko si Xian na nagpahuli rin para makasabay sa'kin.

"Ako rin," nakayuko kong sabi. I don't want to have an eye to eye contact with him.

"Tsh can you look at me?" tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil rin ako. Nalingunan ko ang mga kasama niya na malayo na sa amin.

"Iniiwasan mo ba ako?" aniya, umirap ako.

"Why would I?"

"I don't know, bakit nga ba?" nang-aasar niyang tanong, napaharap na ako sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi nga sabi,"

"Okay, so bakit ka nagpalit ng sim?" tinaasan niya ako ng kilay. Napakurap-kurap ako, paano niya nalaman? He smirked.

"Nasira kasi yung isa kaya nagpalit ako," palusot ko.

"Can you tell me why? Did I do something na ikinagalit mo?" lumapit siya sa'kin kaya napaatras ako, I rolled my eyes.

"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit naman ako magagalit sayo?"

"Hindi ko alam, ask yourself," inirapan niya rin ako.

"Tsh, ewan ko sayo," nagsimula akong maglakad pero hinarangan niya ang daan ko.

"You're blocking my way," inirapan ko siya.

"I'm sorry," aniya, nangunot ang noo ko.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"I don't know, pero galit ka eh. Maybe I did something wrong, that's why I'm saying sorry," kibit balikat niya. "Now, can you forgive me? Please Xian? Bati na tayo," nakanguso niyang sabi, napakurap-kurap ako.

"Hindi naman talaga ako galit," mahina kong sabi at napabuntong-hininga.

Ngumiti siya at inakbayan ako, sinubukan kong lumayo pero mabigat ang braso niya, napasimangot ako.

"I was supposed to invite you to come with me here, kaso namatay bigla ang tawag noon. Hindi na rin kita ma contact pagkatapos," kwento niya, napalingon ako sakanya.

"Oh? Bakit mo naman ako iimbitahan dito," nakangiti kong tanong, nakatingin sa kawalan.

"Cause I want to create memories here with you,"

Tinignan ko siyang mabuti, nakangiti siya sa kawalan. Ang amo ng mukha niya habang nakangiti, at ang sarap sa pakiramdam na makita siya nang ganito kalapit. Nakakalimutan ko ang katotohanang napakalayo namin sa isa't-isa.

I also want to create memories with him here pero, hindi kaya mas lalo akong mahihirapan sa pagbitaw sakanya nun?

A Love That LastsWhere stories live. Discover now