Chapter 48

24 2 0
                                    

Paglabas ko ng opisina ay napatingin kaagad sa akin ang mga tao sa cubicle. Hindi ko alam kung narinig ba nila ang nangyari sa loob o may alam sila sa nangyayari ngayon pero bahala na.

Mabilis akong sumakay sa elevator papuntang basement.

Hindi ko alam kung anong iniisip ni Hexian ngayon sa akin. Galit kaya siya? At bakit nando'n siya sa opisina ko kanina?

Lumabas ako ng elevator at nilibot ang paningin. Hindi ko siya makita pero nahagip ng paningin ko ang kanyang sasakyan.

Maybe he's inside?

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang lumapit sa kotse niya. Dahil tinted 'yon ay hindi ko malaman kung may tao ba talaga.

Kinatok ko ang bintana.

Napabuntong-hininga ako. Mukhang wala siya dito.

"Get inside," nagulat ako nang bahagyang bumukas ang bintana ng kanyang kotse, sinarado niya rin kaagad 'yon matapos sabihin sa'kin.

Tahimik akong pumasok sa loob. He's quiet, I don't know what he's thinking.

"Uh.." hindi ako makahanap ng salita!

Napalingon siya sa'kin kaya umayos ako ng upo.

"Is he your boyfriend?" he coldly asked, his voice sent shivers down my spine. Tumikhim ako.

"N-No," umiling ako.

"Then why did I saw you two kissing?" nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. His fist is a bit red.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya, napalunok na lang ako at nagsuot ng seatbelt. His jaw clenched and started manuevering his car's engine. Maya-maya pa ay nakaalis na kami sa building.

Sa buong biyahe ay pasulyap-sulyap ako sa kanya, hindi ako mapakali dito sa upuan ko. I'm guilty, alright! Pero hindi ko alam kung bakit!

Eh ano naman kung nakita niya akong may kahalikang iba?

Tahimik ko siyang tinitignan habang nagda-drive siya. His eyes were on the road, his eyebrows furrowed. Para bang may iniisip siyang malalim.

I wonder what he's thinking of me now. Did his view of me changed because of that scene earlier? Nilalait niya na kaya ako sa isip niya?

Hindi naman ako gano'n! Hindi ako gano'ng klaseng babae na magpapahalik lang sa kahit sino!

Tumikhim ako nang nakarating na kami sa bahay, sinulyapan ko ulit siya.

Ni hindi siya gumalaw sa kinauupuan, he stayed there na parang atat na atat makawala ako. Siguro naiinis na siya sa presensya ko dito sa kotse niya.

Sawa na kaya siyang sunduin ako araw-araw at ihatid sa bahay? Well, hindi ko naman kasalanan na 'yon. I can message my driver to get me but he's always insisting na siya na.

"Uh.. about earlier, i-it's just a misunderstanding.. uh.. I mean.." kumunot ang noo ko, hindi makahanap ng mga salita.

"H-Hindi ko alam na hahalikan niya ako.. promise! I even p-pushed him away, n-nagulat lang ako k-kaya hindi ko kaagad ginawa.." nakagat ko ang labi.

He glanced at me, anger rose from his eyes pero nawala din 'yon kaagad. His eyes traveled down to my lips, I pressed it in a thin line.

Suminghap siya, para bang ang laki laki ng problema. Nag-iwas siya ng tingin at umigting ang panga.

"You can leave now," he coldly said.

"Oh.." napapahiya kong tinanggal ang pagkakasuot sa seatbelt at binuksan na ang pintuan para makalabas. Saglit ko pa siyang tinignan.

"Bye.." it's almost a whisper, sinarado ko agad ang pintuan at tumakbo na papasok ng gate.

Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga.

I forgot to breathe when I'm inside his car. Gosh.

Why do I feel guilty anyway? And why do I feel that I need to explain to him? Damn! Napahiya tuloy ako!

Kinabukasan ay pumasok ulit ako sa trabaho. Nang uuwi na ay hindi na ako nag expect pa na makikita ko dito si Hexian.

Based on the scene yesterday, I doubt na susunduin niya pa ako.

Lumabas ako sa basement at kinuha ang cellphone sa bag. I was about to call our driver when I saw his car entering the basement.

Nag-park 'yon sa parati niyang pinagpa-parking-an. Napalunok ako.

No. Maybe he has an important thing to do. Hindi dapat ako mag-assume na nandito siya para sunduin ako!

Tangina Xixiana, nasasanay ka na sa pagsusundo niya sa'yo! Akala ko ba, iiwasan?

He went out of his car after parking it. Nakasuot parin siya ng hoodie at shades.

Yumuko ako at nagkunwaring may tinitignan sa cellphone.

Bakit siya nandito? Nakakahiya naman kung lumapit ako sakanya!

"Are you texting that guy?" halos mabitawan ko na ang cellphone nang marinig ang boses niya.

Kinagat ko ang labi at tinago ang cellphone sa likuran saka siya hinarap.

Hindi ko makita ang mga mata niya dahil sa suot niyang shades but I can feel that he's glaring at me. Ngumuso ako.

"No,"

"Then why are you still here? Wala ka bang balak na pumasok sa kotse ko para maihatid na kita sa inyo?" he sarcastically said.

"Well, uhm.." tumikhim ako at lumapit na lang sa kotse niya. I couldn't stand facing him lalo na ngayong he looked pissed.

Tahimik akong pumasok sa kanyang sasakyan, gano'n din siya. Hindi nagtagal ay nakaalis na rin kami sa building.

Nakatingin lang ako sa bintana, nag-iisip ng sasabihin sakanya. I was about to open my mouth when his phone beeped.

Maya-maya pa ay may tumawag dito, he answered it right away.

Tahimik ko siyang tinignan. His right hand is on the steering wheel while his other hand is on his phone, nakatutok sa kanyang tainga. Seryoso niyang pinapakinggan ang nagsasalita sa kabilang linya, hindi ko 'yon marinig dahil hindi naman naka loudspeaker.

"Okay, I'll be there right away," aniya bago pinatay ang cellphone. Lumingon siya sa'kin.

"Dadaan muna tayo sa building namin, saglit lang naman ako do'n," aniya, tumango na lang ako.

Tahimik kami habang nagda-drive siya patungo sa building na sinasabi. Siguro yung building ng bagong entertainment na pinirmahan niya. I heard about the news na umalis daw siya sa dating entertainment niya, yung sa World Icons.

Tumigil ang sasakyan, nilingon niya ako.

"Stay here," aniya at lumabas na. Pinagmasdan ko siyang tumatawid sa daan upang makapasok sa building sa harapan ko.

I saw a familiar girl waiting for him. Nasa harapan siya ng building at nakangiting lumapit kay Hexian.

She slipped her arms on Hexian's arms, hinayaan niya 'yon at sabay na silang pumasok sa building.

I wonder where Azalehn is now, nandito rin kaya siya? I haven't heard of a news about her, pero nakita ko siya noon sa isang tv show. Maybe she switched into an actress, bagay naman sa kanya.

Napabuntong-hininga ako at inalala ang mukha ng babae.

Right! Those chinky eyes and cute face, it's Jiae!

May connection parin sila kahit na disbanded na ang grupo, mukha ngang mas naging close pa sila ngayon, huh?

A Love That LastsWhere stories live. Discover now