Chapter 5

45 3 0
                                    

Padabog akong naglakad hawak hawak ang bag na naglalaman ng mga gamit ni Xian. Ang bigat naman nito.

"Akin na nga," bigla ay inagaw niya iyon sa'kin at walang kahirap-hirap na binitbit.

"Kaya mo naman pala, ako pa pinakuha mo kanina," inirapan ko siya.

"Syempre, ikaw yung personal assistant ko for the day di'ba? Kaya lahat ng iuutos ko ay susundin mo," yumuko siya para magpantay ang tingin namin, at saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod ako sa likod niya.

"Okay master," pinandilatan ko ang likod niya.

Sumakay kami sa elevator at maya maya pa ay tumigil si Xian sa isang pinto kaya tumigil din ako.

Pumasok siya sa loob, nakita ko kaagad ang mga kagrupo niya. Maingay sila sa loob, malakas ang music na pinapatugtog at maraming nagsasalita.

Bigla akong nahiya, wala akong kakilala sa loob at paano kung magtaka sila kung bakit sinama ako ni Xian dito?

"Uh, pwede bang sa lobby na lang ako ng hotel maghihintay?" hinila ko ang t-shirt ni Xian kaya napalingon siya sa'kin.

"What? Eh sinong uutusan ko dito?" tinaasan niya ako ng kilay at hinila ako papunta sa gilid kung saan may mga upuan.

Choreography room ata 'tong pinasukan namin. Pinaupo ako ni Xian sa bleachers at nilagay sa gilid ang mga gamit niya.

"Behave," tinuro niya ako at kinuha ang water bottle sa loob ng bag niya at uminom.

"Kanina pa ata sila nag-uumpisa, nalate ka," ngumiwi ako.

"Ang bagal mo kasing kumilos," umupo siya sa tabi ko.

Nang ibaling ko ang tingin sa banda ng mga kagrupo niya ay nasa amin na ang paningin nila.

"Pumunta ka na dun, kanina ka pa ata hinihintay," nginuso ko ang mga kagrupo niya, ngumiti siya at tumayo muli.

"Okay, just sit still, watch me do my moves," aniya saka ako kinindatan, napairap na lang ako.

Hindi ko mapigilang mapangiti, para kasing deja vu. Nakikita ko ang batang sarili na nakaupo din at nakatingin sa bawat galaw ng batang Xian.

Hindi ko akalain na magagawa ko ulit 'to.

As what Xian said, I watched him do his moves.

Hindi ko mapigilang humanga sakanila habang sumasayaw sila. Smooth ang bawat galaw at lahat ay walang palya. Kung nakakahanga na ang ganitong practice pa lang nila, paano na kaya sa concert nila? For sure ibibigay nila lahat lahat.

Napangiti ako habang tinitignan si Xian na sobrang focused sa pagsasayaw, at pagkakanta. Napaka stable ng boses niya kahit pa magtumbling pa siya o umikot-ikot.

I can see the spark in his eyes, I can see that he's happy at what he's doing. He's so passionate at what he's doing. Nakakaproud. Ang sarap sa feeling.

Nandoon ako para sa kanya nang nagsisimula pa lang siya, at hanggang ngayon ay nandito parin ako ngayong nasa taas na siya.

Kung anong saya ang nararamdaman niya sa naabot niya ay ganoon rin ako. I will always support this guy, and be with him no matter what.

Maya maya pa ay nagkaroon sila ng break, para siyang naliligo sa pawis kahit na naka air-conditioned naman 'tong room. Kinuha ko qng towel sa bag niya at hinanda na para sakanya pero nanatili pa siya doon para makipagkuwentuhan sa mga kagrupo niya.

Then a girl made her way towards him and wiped her towel in Xian's face. Biglang napatigil si Xian sa pakikipagtawanan sa mga lalaki at napatingin sa babae. Yumuko na lang ako at ibinalik ang towel na hawak sa bag niya.

"Xian," napatingala ako nang tawagin niya ako, nasa harap ko na pala siya kasama ang mga kagrupo niya, napatayo ako bigla.

"I want you to meet my group, just incase you don't know them.." he chuckled. "This is Zexie, she's from Japan," turo niya sa babaeng halos ka same height ko lang, singkit ang mga mata at maputi ang balat. She has this long shinny and straight hair at litaw na litaw ang kagandahan niya, she also have a nice body shape.

"Kon'nichiwa," bati niya. Mabuti na lang at kahit papaano ay naintindihan ko, I smiled.

"This is Khassiana, she's from Vietnam," turo niya naman sa isang mukhang mataray. She have this resting bitch face. Itim na itim ang buhok at medyo wavy, mas matangkad siya sa akin ng konti.

"Hi I'm Khassiana, Kia for short," she reached her hand, inabot ko iyon at nag shake hands kami. She looks nice naman pala when she smiles.

"Kiel, or you can just call me baby," tumawa siya at nilahad ang kamay sa akin. Matangos ang ilong niya, hindi nalalayo sa kayumanggi ang balat, I bet he's an Indonesian.

Tinapik siya ng isang singgit at ngumiti sa akin. "Daeshim," tipid niyang sabi. He's so pale and have this hair like those in k-drama male actors, koreano.

"Hi!" sumingit naman ang isa pang singkit. Hanggang ibabaw ng tainga ko lang siya, siya yata ang pinaka mababa sa grupo. She have a yellowish skin, halos hindi na makita ang mata dahil sa ngiti, at ang cute din niyang tignan, parang bata.

"I'm Jiae," aniya, ngumiti din ako sakanya.

"Aiah," tipid naman na ngiti sa akin ng isa.

"Raj, dear," ngiti ng lalaking matangos din ang ilong, arabo yata? Dear eh.

"Hanzi," sabi naman ng isa.

Nakakalito, nag-uunahan silang magpakilala, di ko na nga matandaan ang mga pangalan ng nauna kanina.

"I'm Farah,"

"Yow I'm Thunder!"

"Hi, I'm Azalehn," ang sabi ng pinaka huli. She smiled sweetly and offered her hand. Napaka-ganda niya. She have this soft features, napaka inosente ng mukha at ang lambing ng boses.

I smiled and we shaked hands. Siya 'yong kaninang nagpunas kay Xian. Siya rin 'yong nasa restaurant noon.

"Uh, I'm Xixiana," I smiled awkwardly. Lahat sila ay nakangiti sa'kin, ang babait naman pala nila.

Hindi ko akalaing yung mga sikat na 'to, pinapakilala ang mga sarili sa'kin eh buong mundo ata kilala sila.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now