Chapter 26

27 1 0
                                    

Kinabukasan ay lumabas ako ng villa at naabutan sina Allie na naglalaro ng volleyball sa tabing-dagat. They invited me to join pero tumanggi ako.

Kina-career ko yung pag-iiwas ko, okay.

Kahit na hindi ko nakita si Xian doon ay paniguradong pupunta parin 'yon doon, kaya napagpasyahan ko na lang maglibot sa resort.

Lumayo ako sa kanila at naupo sa buhanginan, nakatingin lang sa asul sa dagat. Hindi ko na sila makita kaya sigurong hindi rin nila ako mahanap dito, kung hahanapin nila ako. Eh wala naman ata silang pake sa'kin, tsh hindi naman ako close sakanila.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko nakita si Xian kanina, hindi yata sumali sa laro, ganoon rin si Azalehn. Ano kayang ginagawa nila? Magkasama ba sila?

"Bakit ka mag-isa dito?" natigil lang ako sa malalim na pag-iisip nang umupo sa tabi ko si Helios, I smiled at him.

"Bakit? Kapag nagpapahangin, required ba na may ka-partner?" tinaasan ko siya ng kilay, he chuckled.

"You haven't changed, eh?" ngumiti siya. Ngumiti rin ako sa kawalan.

Yeah, I haven't changed. I'm still the Xixiana who has feelings for his bestfriend.

I'm still the old me.

"You have a problem?" napalingon ulit ako sa tanong niya, kumunot ang noo ko at umiling.

"You sure? Parang malalim ang iniisip mo, care to share?"

Ngumiti ako. Isa si Helios sa mapapagkatiwalaan kong kaibigan. He's kind, gentleman, understanding and can keep secrets. But this problem of mine, I don't think I can share this with people around me. Mas mabuti na lang itago 'to, na ako lang ang nakakaalam. Well, ofcourse, exemption si Allie. She knows me more than anyone knows me.

At kapag siguro sabihin ko 'to sakanya, pagtatawanan lang ako. Everybody knows before that I have feelings for Hexian. But it was before.

Siguro, kapag nalaman ng mga tao na may pagtingin parin ako sakanya ay pagtatawanan lang ako. Siyempre, dahil impossible na ngayon, he's a known artist from an international group.

Napapalibutan siya ng mga kapwa sikat na artists rin, walang wala ako sakanila.

And I'm always denying my feelings for the past years, tinapos ko na lahat ng meron sa amin noon. Ang pangit naman kung babawiin ko yung sinabi ko, I already explained na wala na talaga akong feelings para sakanya.

Pwede na yata ako sa perya, I will be the clown. Lahat ng sinabi ko noon ay kinain ko, parang niloloko ko lang rin ang sarili ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo at pinagpagan ang sarili para maalis ang mga buhangin, tumayo rin si Helios at hinarap ako.

"Wala, nagugutom lang ako. Ikaw? Bakit ka nandito?" nagsimula akong maglakad, sumunod din siya sa'kin.

"Nakita kita eh, mag-isa lang." Nagkibit-balikat siya.

"Gutom ka di'ba? Come with me," ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko para mahila ako papunta sa isang restaurant din dito. Simple lang 'to kaysa sa restaurant na madalas naming kinakainan.

May mga table sa labas, napili ni Helios na doon kami umupo kaysa sa loob para makita namin ang view ng dagat.

"My treat," kinindatan niya ako at nagtawag na ng waiter.

Naupo na lang ako at hinayaan siyang mag order ng mga pagkain namin, nang umalis ang waiter ay kinalabit ko siya. He glanced at me.

"I can pay for my foods, you don't have to treat me," ngumiti ako. I have money naman.

"Hindi na, ako na! Pagbigyan mo na ako, ngayon lang naman eh," ngumuso siya, I chuckled. Parang bata din ang isang 'to, pagbigyan ko na nga lang.

Dumating na rin ang waiter kalaunan dala ang order namin. Takam na takam ako sa mga nakahanda sa table dahil hindi pa ako nakakakain ng breakfast at kanina pa kumukulo ang tiyan ko.

Ang saya rin ni Helios dahil pinagbigyan ko siyang i-libre ako, I can't help but smile. Buti na lang talaga at nagkita kami rito, gumaan ang loob ko dahil may isa pa akong kaibigan na makakausap dito bukod kay Allie.

"Siguro naman, may girlfriend ka na 'no?" asar ko sakanya. Impossible kasing wala siyang girlfriend, sa itsura niyang 'yan? Eh panigurado, nagkakandarapa ang mga babae sakanya.

"Wala," umiling siya at yumuko, nagpipigil ng ngiti. Kumunot ang noo ko.

"Weh? Eh ka-flirt? Naku Helios, wag ka na mahiya sa'kin!" inasar-asar ko siya, mas lalo siyang umiling.

"No," he chuckled. "Ka-flirt? Are you serious?" parang hindi siya makapaniwala. "Ganyan ba ang tingin mo sa'kin?" he chuckled again. Ngumuso ako.

"Eh sabi mo wala kang girlfriend eh, maybe ka-flirt, meron. Impossible naman kasing wala talaga! Sa guwapo mong 'yan? Tsk tsk," umiling ako.

"So you're saying na naguwa-guwapuhan ka sa'kin?" he leaned a bit, umirap ako.

"Sinungaling naman ako kung sasabihin kong hindi! At ikaw ha, lumalaki na naman 'yang ulo mo! Oo guwapo ka pero mas may guwapo parin sa'yo!" pinandilatan ko siya, he only chuckled.

"I don't have a girlfriend, but I'm waiting for someone.." he thrilled. Pa thrill din ang isang 'to. Tumutok ako sa susunod niyang sabihin pero hindi siya nagsalita at tumingin lang din sa'kin, umirap ako.

"Who's that someone? Care to share?" I smirked, bago niya pa masagot ay may boses na nagpatigil sakanyang magsalita.

"Kanina pa kita hinahanap," Hexian's cold baritone made me look at him. Sabay pa kami ni Helios na napalingon sakanya sa harapan. He looked pissed, tumayo agad ako.

Hindi ko alam kung bakit ako tumayo, bastos 'yon para kay Helios kasi kasama ko siya sa table pero nakakatakot kasi ang tingin sa'kin ni Xian.

"H-Ha?" panay ang baling ko sakanilang dalawa ni Helios. Bago pa ako makapag-isip ng sasabihin ay kinaladkad na ako ni Hexian doon palayo.

Lumingon na lamang ako kay Helios and I apologetically smiled at him, nakaupo parin siya sa table namin kanina and he looked pissed too.

Naku, ano ba 'tong napasukan ko.

A Love That LastsWhere stories live. Discover now