Chapter 19

2.2K 38 3
                                    

Masayang bumalik sa condo unit ang binatang si Cain dahil maliban sa pagbili ng gamot ay may nakita siyang isang stuff toy at binili niya ito para ibigay sa kaibigang si Jewel isa kasi ito sa kanyang paborito.

Nang makarating siya sa unit ay inilapag niya muna ang dalang stuff toy at dumiretso sa kusina para ipaghanda ng soup ang dalaga para makakain muna ito bago uminom ng gamot. Hindi naman siya natagalan dahil bumili na lang siya ng ready to cook na soup. Nang kumulo na ito ay mabilis niyang isinalin sa isang mangkok at inilagay sa tray kasama ng isang basong pineapple juice at gamot. Dahan dahan niyang dinala ito sa kwarto ng dalaga dahil hindi niya alam kung gising ito o tulog.

Pagkarating niya sa kwarto ay inilapag niya muna sa maliit na mesa ang tray na may laman na pagkain at gamot.

"Jew gising na, naghanda ako ng soup para kainin mo muna bago uminom ng gamot para may laman ang sikmura mo." aniya sabay upo sa kama nito

Ngunit wala man lang siyang narinig na tugon mula rito. Umusog pa siya ng kaunti para abutin ito ng may mapansin siya, mabilis siyang tinanggal ang kumot at nakita niyang unan lamang ang nandito at wala ang kaibigan.

Agad siyang tumayo at inilibot ang paningin dahil baka pinagtitripan lang siya nito. Naghintay pa siya ng ilang minuto pero walang lumabas na kaibigan. Napatingin siya sa comfort room at naglakad papalapit dito. Pinihit niya ang sinadora nito ngunit nakalock, ilang beses niyang tinawag ang pangalan ng kaibigan ngunit wala siyang nakuha na sagot, nilukob naman ng kaba ang kanyang dibdib. Ilang beses niya pang kinatok ang pinto at nagbabakasakali na lumabas ang kaibigan ngunit wala.

Patakbo siyang lumabas ng kwarto para kunin ang duplicate key ng comfort room at ng makita niya ito ay dali dali siyang bumalik sa kwarto ng dalaga Halos nanginginig na ang kanyang mga kamay habang binubuksan ang nakalock na pinto. Pagkabukas niya rito at bumungad sa kanya ang kaibigan na nakahiga sa sahig at walang malay, namumutla na rin ito kaya mas lalong natakot si Cain.

"Hey Jew, wake up! Huwag mo akong tinatakot ng ganito. Hindi nakakatuwa." saad niya habang tinatapik tapik ang pisngi nito.

Mabilis niyang binuhat ang dalaga at nagmamadaling lumabas ng kanilang condo unit. Halos pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong niya dahil siguro nagtataka kung ano ang nangyari, mabuti na lang at may mga staff ng condo building na tumulong din at tumawag ng ambulansiya.

Halos kumabog ang dibdib niya sa takot habang nasa ambulansiya sila papuntang hospital, hawak hawak niya ang kamay ng dalaga na halos lupaypal na at namumutla ang balat nito.

Mabilis silang nakarating ng hospital at agad isinugod ang dalaga sa emergency room.

Pabalik balik ng lakad ang binata habang naghihintay sa labas ng emergency room. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon lalo na't nasa bingit ng kamatayan ang kaibigan nito. Napaupo na lang siya sa bakanteng upuan habang patuloy na namumuo ang takot sa kanyang dibdib, hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyari.

Halos inabot ng oras pero hindi pa rin lumalabas ang doctor na nag aasikaso kay Jewel kaya mas lalong nadadagdagan ang kaba na nararamdaman ng binata dahil dito. Lumipas pa ang dalawang oras ng biglang magbukas ang pintuan ng emergency room at iniluwan nito ang isang doctor, mabilis na tumayo si Cain para salubungin ito.

"Doc, kamusta ang pasyente? I-is she okay?" tanong nito

Tumango naman ang doctor bilang sagot dahilan para halos mabunutan ng tinik sa lalamunin si Cain.

"She is now okay, same as the baby." panimula ng doctor

Kumunot naman ang noo ng binata dahil sa narinig niya. "What did you say doc? What baby?" naguguluhang tanong nito

"The patient is 2 months pregnant. Mabuti na lang at nadala mo agad siya rito at naagapan, dahil baka pag natagalan pa ay magiging kritikal pa ang kondisyo ng pasyente lalo na 'yong baby." litanya ng doctor

Halos hindi makapagsalita si Cain dahil sa narinig. Hindi na nga ito nakapagpaalam pa ng maayos sa doctor dahil tila nabingi ito sa nalamang balita. Pagkatapos nila mag usap at bumalik sa loob ang doctor para siguraduhing maayos na ang pasyente at malipat na ito sa pribadong kwarto.

Habang inaasikaso ng doctor ang palipat ni Jewel sa isang kwarto ay inasikaso naman ng binatang si Cain ang mga documente at bills na dapat mabayaran para maging mayos na ito.

Hindi din siya nagtagal dahil mabilis lang naman ang pag aasikaso nito, kaya nakabalik agad siya kung nasaan na kwarto inilipat ang dalaga. Pagkapasok niya pa lang ng kwarto kung nasaan ito ay naabutan niya ang isang doctor at nurse, mukhang chinecheck pa ng mga ito ang dalaga.

"Kamusta na siya doc?" tanong nito

"Nasa mabuting kalagayan na sila ng baby Mr. Fuentabilla, kailangan niya lang magpahinga. At sana iwasan niya ang stress at pag iisip ng mga bagay na makakapagtrigger sa kanyang emosyon." saad ng doctor

"I will take note of that Doc., about the food?" dagdag pa nito.

"She needs to eat healthy foods, bibigyan din kita ng resita ng mga vitamins na kailangan nila ng baby."

Agad naman tumango si Cain bilang tugon dito, hindu nagtagal ay nagpaalam din ang doctor na aalis na dahil may iba pa siyang pasyente na kailangan tingnan.

Hinila ni Cain ang upuan papunta malapit sa kaibigang nakaratay sa hospital bed. Hindi niya alam kung magagalit o maaawa ba siya dahil sa sitwasyon ng kaibigan, pero hindi niya maalis na makaramdam ng kaunting galit para dito dahil sa ginawa. Muntik ng madamay ang walang kamuwang muwang na sanggol dahil sa pagiging selfish nito.

Naiintindihan niya kung hindi ito agad sinabi ng dalaga sa kanya pero ang hindi niya maintindihan ay kung ano ang pumasok sa utak nito kung bakit ginawa ang bagay na 'yon, kung bakit muntik na niyang patayin ang sariling anak nito.

Napahawak na lang siya sa sentido dahil sa frustration at pag iisip, paano na lang kung wala siya? Paano kung hindi niya naabutan ito? Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya oras na may mangyaring masama sa dalaga.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon