I

4K 151 18
                                    

MARSELA MARI GUIA

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko ng tumama sa'kin ang liwanag na nanggagaling sa sinag ng araw.

Anong oras na ba? Bakit pakiramdam ko, umidlip lang ako ng limang minuto tapos?

I took a deep breath and closed my eyes. Akala ko, sa pagtulog ko mawawala ang sakit na nararamdaman ko. Akala ko lang pala.

"Marsela."

Agad akong napamulat ng marinig ko ang boses na 'yun. Pero kahit ganon, hindi ako nag-aksaya pang lingunin siya.

"Hindi kaba papasok? Tanghali na." she said.

I inhaled deeply. "Wala 'kong gana." mahinang sagot ko sapat lang para marinig niya.

Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga.

Ilang araw na ba ang lumipas? Tatlo? Apat? Lima? Hindi ko na alam. Basta, sariwa parin ang sugat  sa puso ko.

"Ilang araw ka ng hindi pumapasok Ineng. Hindi ba makakaapekto yan sa grades mo?" mababakasan naman ang pag-aalala sa tono niya ng itanong niya sa'kin yan.

Ayaw ko 'man, bumangon na 'ko. Kaso lang, para akong lantang gulay na napag-iwanan. "Ayaw ko pang pumasok ate." walang gana kong sagot.

Napakamot naman siya sa ulo niya na para bang stress na stress siya. Napayuko tuloy ako. "Ayaw ko pa siyang makita." I added

"Alam ko." she immediately response. "Pero hindi habang buhay dapat ganyan ka. Nasaktan ka, oo alam ko 'yan. Pero hindi ito na ang pagkakataon para sarili mo naman ang mahalin mo? Bagay na hindi nagawa ni Ju-..." hindi ko na narinig pang itinuloy niya ang pangalan ng lalaking 'yun, basta ang narinig ko nalang ay malakas na pagbuntong hininga niya. "Mag-ayos kana diyan. Sumabay kana sa'min mag-umagahan."

Napanguso na lang ako ng tuluyan ng lumabas si Ate ng kwarto ko. Nakakainis naman ee. Ayaw ko pa ngang pumasok.

Inis na bumalik ako sa pagkakahiga ko. "Ate Aya naman ee!" maktol ko pa.

Ngayon lang naman ako tinamad pumasok. Kainis.

Bago pa bumalik si Ate dito, bumangon na lang ako. Hindi pa ko tuluyang nakakapasok sa banyo ng bigla namang tumunog ang cellphone ko.

Napahinga nalang ako ng malalim at inis na dinampot 'yun. Ang aga-aga sira na agad ang mood ko. Paano nalang mamaya? Hay buhay, parang life.

"Hello."

( "Hoy bakla ka ng taon! Ano? Wala ka paring balak pumasok?" )

Napairap ako sa kawalan. "Papasok na 'ko. Maya maya lang nandyan na  'ko."

( "Aba dapat lang. Buti naman at nakalog 'yang utak mo." )

Marahas akong napakamot sa buhok ko. Ano ba! Ang aga-aga sermon agad umagahan ko. "Oo na. Oo na. Tama na. Ang ingay mo." I replied "Ano bang agenda mo at napatawag ka?"

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon