LV

1.4K 142 18
                                    


MARSELA MARI GUIA

"May baliw sa labas."

Natigilan ako sa tuluyang paghakbang ng ibungad sa'kin ni kuya 'yon. "Baliw?" tanong ko pa sa tila namamaos na boses.

He immediately nodded at me. "Oo, may baliw sa labas." Hindi naman ako bulag para hindi mapansin ang palihim niyang pagngiti sa'kin. "Baliw na humihingi ng kapatawaran." bulong niya pa pero narinig ko naman.

Napairap na lang ako sa loob-loob ko. Bakit ba may mga taong mahilig bumulong pero ipinaparinig naman? Tss.

Hindi ko na lang siyang pinag-aksayahan pang sagutin at agad akong lumapit kay ate Aya nakasilip ngayon sa bintana.

"Buti naman at naisipan niyang magdala ng payong." bungad niya sa'kin pagkalapit ko.

Saglit ko lang siya pinagmasdan bago sumilip din sa bintana katulad niya. Napatuwid pa ako ng pagkakatayo ko ng makita ko si Abby sa labas. Nakaupo sa gilid ng kalsada habang kasagsagan ng ulan.

"Nakakatawa kasi 'yong iba sa mga soap opera ee." sambit pa niya habang ang atensyon ay na kay Abby. "Magpapaulan sa labas para ano? Para magpaawa? Ee si Abby ngayon may dalang payong. Ibang klase ang relasyon niyong dalawa." mahabang lintana niya.

Hindi ko na siya sinagot at umirap na lang. Walang namutawing salita sa'kin na umalis ako sa posisyong 'yon para pumanhik sa kusina.

"Maupo kana diyan, ang ate mo nasaan na?" mom asked.

Napadako naman ang tingin ko kay Braelynn na nagkakakaway ngayon habang nakahiga sa stroller niya na katabi lang ni mommy ngayon.

Akmang sasagot na sana ako ng biglang sumulpot na itong kapatid ko at umupo sa tabi ko. "Sorry mom, tiningnan ko pa
'yong baliw sa labas."

Napairap na lang ako sa loob-loob ko. Bakit may pakiramdam ako na aasarin lang ako ng babaeng ito?

"Hindi mo ba siya papapasukin Sela?" seryosong tanong pa ni mommy sa'kin.

Saglit ko lang nilunok itong pagkain na nasa bibig ko at seryosong tiningnan siya. "Hindi po." I paused. "Mapapagod din 'yan at aalis."

Muli ko ng binalik ang atensyon sa pagkain pagkasabi ko nun. Sapilitang nilunok ko ang pagkaing kinakain ko ngayon. Kahit na wala akong gana, bahala na.

"Baka magkasakit siya." Kuya said all of sudden. "Konsensya pa natin kung may mangyaring masama sa kanya." dagdag pa niya.

Napabuga ako ng malalim na paghinga at inis na tiningnan ang kapatid ko. Nakakainis ee. Feeling ko ang init ng ulo ko. Wala ako sa mood. "Labas na tayo do'n kung magkasakit siya o ano. Hindi natin siya inutusan na magpaulan do'n kaya wala tayong responsibilidad sa kanya." seryosong sambit ko. "At isa pa, wala na kong pakialam sa kanya. Bahala na siya."

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa hapag. Hindi ko na lang sila pinansin pa at mabilis kong kinuha ang isang basong may laman ng tubig at ininom 'yon. "I'm full mom. Punta na po ako sa kwarto ko."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon