XLI - 🌻

2K 114 21
                                    

JENNIFER NANDY VILLARUEL

"Ang lakas ng ulan, pero mas malakas tama ko sayo Jaydong!" pinaghahampas pa niya ko dahilan para mapatawa na lang  ako. Siya itong bumanat ng ganong linya, siya din 'tong kinilig. "Baka naman gusto mong kiligin diyan ano."

"Hindi 'yan kikiligin sayo, bato 'yan ee." Laney said.

Napakamot na lang ako sa likod ng ulo ko at saka alanganing ngumiti sa kanila. "Wala bang makakapagsabi sa inyo kung anong oras hihinto itong ulan?" pag-iiba ko sa usapan.

Kanina pa kami nandito sa gym ng school. Dito kami inabot ng malakas na ulan. May payong naman kaming dala kaso kahit may payong ka, mababasa ka parin dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

"Wait lang, chat ko lang si Kuya Kim. Itatanong ko kung anong balita sa radyong sira." barumbadong sagot ni Laney sa'kin.

Hahampasin ko na sana siya nitong payong na dala ko ng mabilis naman siyang tumakbo palayo. Tatawa-tawa pa ang bwisit. Napaka pilosopa niya talaga.

"Ang lakas ng ulan 'no, may bagyo ba o may bago na?" nakatulalang tanong sa'min ni Amy.

"La? Akala mo naman may jowa." sagot pa nung isa.

Miski din tuloy ako, napatawa na. "Manliligaw nga wala 'yan, jowa pa kaya." panggatong ko pa.

Nakatanggap lang naman kami ng masamang tingin galing sa kanya. Imbes na matakot, napatawa na lang ako. "So pinagtutulungan niyo na 'kong dalawa ngayon? Ganon?"

"Paano ka kasi maliligawan Amy." pasimple pa siyang kumindat sa'kin bago akbayan ang kaibigan namin. "Pinapahid mo 'yung kulangot mo sa ilalim ng desk mo."

Napahagalpak ako ng tawa. 'Yung tipong nag-echo pa dito sa gym yung tawa ko. Potek. Ang burara. "Tapos tinitikman mo pa 'yong kulangot mo kung maalat ba talaga." dagdag pa niya. "Diba kadiri?"

"Potek ka Laney!" at tumawa na naman ako ng malakas.

Habang si Amy ang sama na ng tingin sa'min ngayon. "Hindi naman ako ganon kalala." angal pa niya. "Never kong tinikman ko kulangot ko 'no. Kadiri."

Pinahid ko pa ang ilang luhang kumawala sa'kin dahil sa pagtawa. "Talaga ba? Ee natatandaan ko dati, sabi mo mas maalat pala ang luha kaysa sa kulangot."

"Kasi tinikman mo." segunda pa nitong isa.

Natatawang nag-apir lang kaming dalawa ni Laney. At dahil do'n, nakatanggap kami ng mabining kurot sa tagiliran. Napaigtad lang ako bago hinimas itong kinurot niya. Ang sakit ee. Feeling ko pa natuklap balat ko. Grabe.

"Diyan na nga kayong dalawa. Maaga akong tatanda kapag kayo ang kasama ko."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon