XLVIII

1.4K 127 21
                                    


MARSELA MARI GUIA

Kukurap-kurap ang matang nilibot ko ang tingin sa kabuuan nitong kwarto ko. Wala kasi akong nabungarang mukha ni Abelaine, sa katunayang dito siya natulog kagabi. Kung wala siya sa baba, baka umalis na 'yon.

Pero mas lalo lang akong nagtaka ng makitang wala si baby sa crib niya. Dali-dali tuloy akong bumangon at kumaripas ng takbo papunta sa sala.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang mabungaran ko ang nanay ko, kalaro si baby. Kinusot ko lang ang mata ko bago tumabi sa kanila.

"Good morning mom." bati ko. "Ang aga mo naman gisingin 'yan."

Napahikab pa ko. Gusto ko pa bumalik sa kama ko. Grabe.

"Pagpasok ko sa kwarto mo, gising na siya. Buti nga hindi umiiyak ee." sagot naman niya.

Pinagmasdan ko lang sila. Nilalaro lang ni mommy si baby habang ang isa, nakatulala sa nanay ko na akala mo'y nakakita ng multo. Napailing na lang tuloy ako.

"Maaga bang umalis si Abby mom?" tanong ko pa.

"Oo" she immediately replied. "Hindi kana raw niya ginising kasi ang lalim daw ng tulog mo." dagdag pa niya.

Napatango na lang ako. Mukha nga. Hindi ko rin kasi namalayang umalis siya. Basta paggising ko na lang, miski anino niya hindi ko na nabungaran.

"Anong oras ba klase mo?" tanong pa niya.

Napahinga ako ng malalim. "Alas diyes pa mom. Pero hindi na muna siguro ako papasok ngayon." isang beses lang naman. Tutal katatapos lang ng exam, panigurado wala masyadong klase ngayon dahil ginagawa ang grades. "Gusto kong malakad na namin agad ni kuya ang tungkol diyan sa bata." dagdag ko pa.

Hindi naman siya agad sumagot sa'kin. Ipinikit ko lang ang mata ko bago isandal ang sarili dito sa sofa. Tutal hindi ako papasok, pwede naman sigurong matulog muna ulit kahit mga isang oras lang. Inaantok pa talaga ako.

Nasa ganon akong posisyon ng maramdaman ko ang paglundo dito sa sofa. Napamulat naman agad ako ng mata para lang makita si ate na kinukulit ang batang hawak ni mommy.

"Good morning sunshine." magiliw na bati niya. "Ang aga mo naman magising, sa'kin ka tumabi mamaya ah."

Napangiti ako. Mukhang may malalaro na kami dito. "Sa'kin parin tatabi 'yan ate." pagsingit ko. "Ako nanay niyan."

"Ay wow, ikaw umire?" barumbadong tanong niya.

Napatawa naman ako. Hinagisan ko siya ng unan na sinambot niya lang. Hahagisan ko pa sana siya ulit ng bigla namang bumulanghit ng iyak 'yong baby.

"Ayan, umiyak na. Ang gugulo niyo kasi." ayan tuloy, nasermonan na.

"Ikaw nanay diba?" mom asked. "Oh, ikaw magpatahan."

Napanguso ako. Bigla akong nagsisi na medyo naging mapang-angkin ako kanina. Hay.

Hindi naman ako umangal pa at kinuha na nga lang sa kanya itong bata. Medyo nagulat pa kami ng bigla siyang tumahan ng tuluyan ko ng mabuhat.

"Ay shala, konti na lang maniniwala na 'kong nanay ka nga niyan." natatawang sambit pa ni Ate.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon