XL

3K 137 28
                                    


MARSELA MARI GUIA

Namayani na muli ang katahimikan sa'ming dalawa. Hindi rin nagtagal at agad na kaming huminto sa tapat ng bahay nila. Saglit pa niya ko pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan, at sabay kaming pumasok sa loob.

Hindi ito ang kaunahang beses na nakilala ko na ang mga magulang niya pero hanggang ngayon, binabalot parin ako ng kaba. Okay lang naman siguro itsura ko diba?

"Tense na tense ka yata?" she asked worriedly.

I gulped hard. "I'm fine Abby, medyo kinakabahan lang. Pero keribels naman."

Hindi naman siya sumagot bagkus hinigpitan lang niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Kahit papaano, medyo kumalma ang sistema ko.

"We're here!"

Awtomatikong napangiti naman ako nang mapadako ang tingin ko kina Abea at Frances. Nakakatuwa lang kasi naunahan pa ang dalawa papalapit sa'kin.

"Hi Ate Sela." Frances greeted me. Saglit pa niya kong dinampian ng halik sa pisngi na ikinangiti ko naman ng malapad.

"Ang ganda-ganda mo talagang bata ka." I jokingly pinched her cheek before my gaze met to Abea. "Isa ka pa, napaka ganda din." I kissed her cheek.

She giggled. "Si Ate Sela pinapakilig ako." kitang-kita ko naman ang biglang pamumula ng pisngi niya. Halata kasi dahil maputi siyang bata.

Napatawa naman ako. Kasalanan ko bang ang ganda talaga niya? Sunod ko namang pinuntahan ang isang babaeng nakangiti habang nakatingin sa'min. Nagbisa rin ako bilang paggalang. "Good Evening po Tita." Sumulyap pa ko sa asawa niyang mariing nakatingin sa'kin. "Good Evening po Tito."

Tanging pagtango lang naman ang tinugon sa'kin ni Tito na ikinangiti ko lang. "Buti naman nakarating ka." she said, while her hand gently caressing my hair. "Gandang-ganda talaga ako sayong bata ka."

Napatawa naman ako ng mahina. Nakakahiya man pero sabi nga nila wag mo tanggihan ang grasya.

"Tara na sa hapag, masamang paghintayin ang pagkain." nakangiting saad niya.

Hindi pa ko nakakasagot, agad na niya kong hinila papunta sa hapag nila. Nadaanan pa namin si Abby na nakangiti lang naman sa'kin, napangiti na lang din tuloy ako.

Handa na ang pagkain pagdating namin si Dining. Kami na lang ang kulang. Umupo naman sa kabisera ang si Tito, si Tita naman ang nasa kanan niya, katabi ni Frances. Habang si Abea ang nasa kaliwa, katabi kami ni Abby.

"Sabay pala kayong ga-graduate ni Abby this year." her mom started.

Nakangiting tumango naman ako sa kanya. "Yes po." nagpasalamat pa ko saglit dito sa katabi ko nang siya na mismo maglagay ng pagkain sa plato ko. "Kaso po matagal pa po ako kung tutuusin."

She just smile at me, a genuinely smile. "You want to be a Surgeon, right?"

I immediately nodded at her, still smiling. "That's my dream actually." napansin ko pa ang pagsupil ng ngiti kay Tito na tahimik na nakikinig lang sa'min.

"Good luck Sela." punong-puno ng sinseridad na saad niya. "Buti na lang at nakilala ka nitong si Abby, nakita ko kahapon 'yan nag-aaral."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon