XXV

1.7K 140 47
                                    


Warning: R-18

MARSELA MARI GUIA

"Dito na po ako." nakangiting paalam niya.

Hindi naman na ako nagulat pa ng ngumiti si mommy sa kanya. Mula nga ng maghapunan kami, wala na silang ibang ginawa kundi ang magkwentuhan. Sumasali din sina ate at kuya, habang ako tahimik na kumain lang. Nahihirapan pa nga ako lunukin ang pagkain ko kanina pero buti na lang nakaya.

"Uuwi kana?" mom asked her. "Ineng ihatid mo muna 'yang si Abby sa may sakayan."

Napakunot noo naman ako. Akmang aangal pa sana ako ng mabilis akong tinaasan ni mommy ng kilay. Napairap na lang tuloy ako sa isip-isip ko. "Opo, ihahatid po." labas sa ilong na sagot ko.

Inis na inirapan ko pa itong isa ng matamis na ngumiti siya sa'kin. Ang saya niya ah. Tss.

Nagpaalam pa siya saglit kina ate bago tuluyang umalis. Pagkalabas naman namin, malakas na hangin ang sumalubong sa'ming dalawa. Buti na lang  at naka jacket ako ngayon. Pero itong kasama ko, parang wala lang sa kanya ang lamig ng panahon ngayon. Napailing na lang ako sa loob-loob ko. Mukhang sanay naman siya sa cold ee. Hayaan na.

"Sela"

"Hmm?" I hummed.

Tahimik lang naming binabaybay ang daan papunta sa sakayan. Hindi naman mabilis ang lakad namin, hindi din mabagal, sakto lang.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa'kin. "Bakit wala kang dalang gamit?" she asked. "Diba sabi ng mommy mo, mag-impake kana daw."

Tiningnan ko siya para lang irapan. Lakas niya ahh. "Kapal mo. As if naman seryoso si mommy sa sinabi niya." maanghang na sagot ko. "Hindi lang basta halaman ang halaga ko 'no." kung hindi lang talaga masama ang pumatay, sasakalin ko na siya hanggang sa di makahinga. Nakakairita ee.

"Ee pano naman ako?" bahagya pang kumunot ang noo ko dahil sa narinig. "Pano naman ako na seryoso sa pakikipag-swap sa mommy mo?" she added.

At sa pangalawang pagkakataon, inirapan ko ulit siya. Di pa ko nakuntento at mabining kurot sa braso niya ang binigay ko.

"A-aray ko Sela. Teka lang, kalmahan mo lang." Nakangiwing saad niya.

My brows raised to her. "Swap mo mukha mo Abelaine." kapal niya talaga.

Pero ang babaeng ito, malakas na tinawanan lang ako. Hindi ko na lang siya pinansin pa at tinuon ko na lang ang pansin sa paglalakad.

Saglit lang namayani ang katahimikan sa'ming dalawa. Ako na din ang unang nagbasak ng katahimikan ng may maisip akong itanong. "Bakit pala pumunta ka sa'min? Hindi niyo ba aasikasuhin 'yung thesis niyo?" pagtatanong ko.

"Nagpaalam ako kay Yzabel." she immediately replied. "Sabi ko may importante lang akong aasikasuhin kaya hindi ko siya masasamahan ngayon." seryosong dagdag pa niya.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon