LXIX

1.8K 155 107
                                    


ABELAINE TRINIDAD

"Guinevere Muse."

Saglit pa kaming pinasadahan ng tingin nitong nurse. "Kaano-ano po sila ng pasyente?"

"I'm her cousin." Dana lied.

Hindi naman siya sumagot at tinuon na lang ang pansin sa monitor na nasa harap niya. Hindi tuloy ako mapakali dito. Ang bagal naman ata niya kumilos.

"Guinevere Muse, 21 years old, car accident."

Literal na nanlaki ang mata ko. Mabilis kong nahawi si Dana at humarap sa babaeng ito. "What did you say? Car what?"

"Car accident." pag-uulit niya.

Bagsak balikat ako ngayon. Car accident. The hell! "Saang floor siya? Room number?" kinakabahang tanong ko.

Pero ang babaeng ito, tiningnan lang ako na para bang hindi ako katiwala-tiwalang tao. Namuo tuloy ang galit sa dibdib ko.

"Can you please tell me where the fuck her room is? My time is fucking gold for your goddamn information!" madiin ang bawat salitang dagdag ko.

Naramdaman ko pa ang paghawak ni Dana sa balikat ko pero hindi ko 'yon pinansin. Seryoso lang akong nakatingin dito sa staff ng punyetang Hospital na 'to.  Araw-araw na lang ba ko babalik dito? Seryoso?

"Ahm." she cleared her throat. "3rd floor, Room 211."

I sighed in relief. Sasabihin din naman pala niya ee. Kailangan pang takutin.

Hindi na ko nag-abalang magpasalamat pa sa kanya at patakbo akong lumapit sa elevator. At sa kamalas-malasan, mamaya pa magbubukas ulit.

Inis na nahagod ko ang buhok ko.

"Bakit kung kailan nagmamadali tayo saka naman ang bagal ng nasa paligid natin?" Dana hissed. "Tara na nga lang maghagdan. Punyawa naman oh."

At gaya nga ng sinabi niya, naghagdan na kami. Bahala na kung naka-dress kami ngayon, ang mahalaga makarating agad kami sa pupuntahan namin.

Habol ang hiningang nakatungtong kami sa tatlong palapag nitong Hospital. Napahawak na lang ako sa dibdib ko habang malalalim na paghinga ang ginawa.

"Room ano daw? 211?" Dana asked.

I nodded at her. "Oo"

Nauna na niyang hanapin ang room ni Gia. Para pa nga siyang hindi hiningal sa ginawa namin dahil lakad takbo ang ginagawa niya ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Abby! Ito na!"

Kahit ramdam ko ang panglalambot ng tuhod, mabilis kong tinawid ang pagitan naming dalawa.

Room 211

Hindi ko alam pero biglang binalot ng kaba ang puso ko. Mayroong parte sa puso ko na ayaw kong pumasok sa kwartong 'yan.

"Ako na mauuna."

Hindi ko na siya nagawang pigilan ng mabilis siyang kumatok at agad na pinihit ang door knob.

Bumungad lang sa'min ang nagtatakang mukha ng doctor habang kausap ang tita ni Gia na malamlam ang mata ngayon.

Nanuyo ang lalamunan ko. Ang dami niyang sugat sa katawan. Kulang na nga lang, hindi na siya makilala dahil sa sugat sa mukha niya.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon