XIII

1.9K 122 9
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Marsela, ang pangalan ng babaeng pinagpala sa lahat." rinig kong pang-aasar ni Belle ng makalapit siya sa'min.

"Akala ko libro lang nakita mo, true love na pala." gatong pa ni Shekinah.

Kitang-kita ko naman ang pasimple nilang pagtingin sa kamay ni Abby na nakahawak sa kamay ko. Mabilis ko tuloy binawi ang kamay ko at alanganing ngumiti sa mga kaibigan ko.

Kung ang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina, mas dumoble pa ngayon. Ikaw ba naman bigyan ng nakakalokong ngiti ng mga kaibigan mo, ewan ko na lang.

"Hi Abby." nakangiting bati naman sa kanya ni Ate Alice. "Galing ako sa labas kanina, chineck ko kung National Book Store ba 'tong napasukan ko." pasimple naman siyang ngumisi sa'kin na ikinairap ko na lang. "Akala ko kasi k-drama world ee." dagdag pa niya.

Gustong-gusto ko lang pagsisipain. Talagang napaka galing nila pagdating sa ganitong bagay. Kautas.

Pigil ang sariling tingnan si Abby ng marinig ko ang tawa niya. "Nice joke Alice." she chuckled again. "Magkakasama pala kayo. Akala ko mag-isa lang si Sela dito." she added.

"Hopia ka 'no." nakangising tugon pa ni Sheki.

Inis na inihampas ko sa braso niya itong hawak kong libro na tinawanan lang naman niya. Nakakainis lang kasi pati itong si Trinidad, tinawanan ako. Nakatanggap lang naman siya sa'kin ng irap.

"Maiba tayo, ano palang ginagawa ko dito?" pag-iiba ni Belle sa usapan.

"Nabili kami ni Gia ng materials para sa scale model namin." mabilis na sagot nitong isa. "Nakapila na siya sa counter."

Sandali kong nilibot ang paningin ko dito sa loob. Nakita din naman agad si Gia. Matamang nakapila habang bitbit ang mga pinamili.

"Yan lang ba bibilhin mo Mars?" Belle asked. "Ipasabay mo na kaya kay Gia, para hindi kana pumila." pagpapatuloy niya pa.

Akmang sasagot na sana ako ng tumanggi ng mabilis namang inagaw sa'kin ni Abby itong libro. Napakunot noo tuloy ako.

"Belle's right. Isabay na lang natin kay Gia 'to."

Hindi na ko naka-angal pa ng mabilis siyang umalis sa tabi ko para puntahan ang kaibigan. Wala naman akong nagawa kundi ang habulin siya ng tingin.

Gosh. She's really unbelievable. Hindi man lang niya ko hinayaang makatanggi.

"Oh mars, baka naman matunaw 'yan." nahihimigan ko pa ang pang-aasar sa boses niya.

Inirapan ko lang naman siya. "Matunaw matunaw pinagsasasabi mo diyan. Manahimik ka nga."

Ang malisyosa nila grabe. Buti na lang hindi naiilang sa'kin 'yung isa dahil sa pang-aasar ng mga 'to.

"Gusto ka daw pala niyang makita ee." tila kinikilig pang sambit ni Belle.

Inambahan ko lang sila ng suntok. Nakakainis. Sobra. Naiinis ako dahil napapangiti ako. Bwisit.

"Sela ah, bumabaliko na ang tuwid mong buhay ah." pang-aasar ni Ate Alice.

Tuluyan na kong napatawa at inis na pinaghahamas sila. Hindi naman malakas 'yung hampas ko kaya hindi sila umangal.

Nasa ganon kaming eksena ng dumating na itong dalawa. Bahagya pang kumunot ang noo dahil nagtatawanan sila. Anyare?

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon