LXXVIII

1.6K 135 31
                                    

ABELAINE TRINIDAD

"Abby"

Hindi ko siya pinansin. Tinapos ko lang itong ginagawa kong pagsisindi ng kandila. At ng matapos ako, walang pasabing iniwan ko siya do'n.

Wala ako sa mood makipagbolahan sa kanya. Hanggang ngayon, naiirita parin ako.

"Abby talk to me, please."

At katulad kanina, hindi ko parin siya kinibo. Bagkus kinuha ko ang lapis na gagamitin ko para sa Exam at nagsimulang magdasal.

Kinakabahan ako. Sa isang araw na. Sana lang makapasa ako. Kasi kung hindi, hindi pwede 'yon, hindi maaari 'yon. Hmp.

"Abelaine"

I inhaled deeply. Nakiki-usap po ako, bigyan niyo po ako ng mas mahaba pang pasensya para hindi siya mailublob dito sa kandila. Maraming salamat po.

"Isang linggo mo na 'kong iniiwasan. Hindi kaba napapagod?" mahinang tanong niya sapat lang para magkarinigan kaming dalawa.

Nagmulat ako ng mata at inis na tiningnan siya. "Kung ang pag-iwas ang nararapat para makalimutan mo ang nararamdaman mo para sa'kin, bakit ako mapapagod?" walang pakundangang tanong ko pabalik.

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad akong umalis sa lugar na 'yon. Iniwan ko na siya at nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglabas. Hintayin ko na lang siguro sila sa sasakyan.

"Abby teka nga lang." napipikang saad pa niya. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil sa paghalik ko sayo?" pagak pa siyang tumawa dahilan para mainis ako. "Come on Abelaine. That was just a friendly kiss."

Huminga ako ng malalim, pilit na kinakalma ang sarili. "No, that's not about the kiss." I clenched my fist. "You ruined my moment with her. Ayun na ee, makakausap ko na siya, kaso ba't ang epal mo?"

She was just staring at me for a while. "Ang babaw mo Abby. Grabe"

Inirapan ko siya. Namumuro na talaga sa'kin ang babaeng ito. "We have a different level of sensitivity. At oo, when it comes to Sela, napaka sensitibo kong tao, at ikaw." I pointed my fingers in her. "You're insensitive. You're selfish. Sarili mo lang iniisip mo."

"Wow!" sarkastikong pa siyang pumalakpak habang seryosong nakatingin sa'kin. "Ako pa ang selfish ngayon? Ako pa talaga?"

Pagak akong natawa. "Alangan namang ako?"

She shooked her head in disbelief. "After all I've done to you? Sino bang nasa tabi mo noong panahong lugmok na lugmok ka? Ako diba? Sino ba ang nakakasama mo sa bawat araw na lumipas mula ng iwan ka niya? Hindi ba't ako 'yon?" puno ng panggigil na sambit niya. "Now tell me, selfish parin ba akong matatawag kung halos lahat ng oras ko binibigay ko sayo? I'm just trying to be nice here, cause we're friend."

She took a deep breath. "Or I thought we were." she added.

Napahinga ako ng malalim. "At ngayon sinusumbat mo sa'kin lahat 'yan? Listen, hindi ko sinabing gawin mo ang bagay na 'yan. Hindi ko sinabi sayo na samahan ako sa bawat araw. Hindi ko inutos sayo na ibigay mo sa'kin lahat ng oras mo. It's your choice! Not mine!" may kalakasang sambit ko.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon