XVII

1.8K 126 20
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Anak ng-.. Hoy Gia! Ang sabi ko ibaba mo lang, hindi ko sinabing ipaltok mo sa'kin."

Natuon ang pansin namin ni Sheki sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung maawa ako o matatawa kay Abby. Ilang beses na ba siyang nalaglagan ng mangga?

"Come on Abby, don't be weak. Saluhin mo." at katulad kanina, malakas na binato ni Gia si Abby.

Natatawang napailing na lang ako. Ang ingay nilang dalawa. Grabe. Binalik ko na lang ang atensyon sa ginagawa. Pinaghihiwalay kasi namin 'yung mga manggang may tama na at 'yung mga manggang maayos pa. At itong kasama ko, walang ibang ginawa kundi ang kainin itong mangga.

"Kanina ka pa lamon ng lamon diyan. Baka magtae kana niyan." saway ko.

"Let me Marsela." saglit pa niyang nilunok yung kinakain. "Okay lang magtae, atleast busog." she added.

I chuckled. "Nangangasim ako sayo." napapangiwing saad ko.

Tinawanan lang naman ako ng babaeng ito. Napapailing na lang tuloy ako.

"Oh ito pa."

Napatingin pa kami sa basket na puno ng mangga na nilapag ni Abby dito sa tabi ko. Grabe. Ang dami. "Kamusta ka Abby? Ilang bukol na ba ang naipon mo?" Sheki asked her.

Napatawa pa ko ng mahina at pasimple siyang pinagmasdan. Ang pula ng buong mukha niya. Tagaktak din ang pawis niya. Bukod do'n, namamantal din ang mga braso niya. "Bakit parang ang dami mo naman atang pantal?" kunot noong tanong ko.

Saglit naman niyang sinipat ang sarili bago muling tumingin sa'kin. "Si Gia kasi, nilaglag sa'kin 'yung bahay ng langgam." parang batang sumbong niya. "Pinapak ako, kainis."

Malakas na napatawa kami ni Sheki. Habang itong isa, nakatulis ang nguso habang nakatingin sa'min. Kahit tawang-tawa ako, nagawa ko paring abutin 'yung bag ko para kunin do'n yung alcohol na dala ko. Agad ko namang inabot sa kanya 'yun at walang pagdadalawang isip na nagpahid siya sa katawan.

"Hoy Abelaine! Nasaan kana?" rinig naming sigaw ni Gia.

Kitang-kita ko kung paano niya irapan ang kaibigan. Napatawa na lang muli ako bago tapikin siya sa braso. "Palit na muna tayo, ako na muna do'n."

Hindi naman na siya naka-angal pa ng mabilis kong kunin itong basket at hinarap si Gia. "Nasan na?" malakas na tanong ko.

"Hoy, bakit ikaw nandiyan? Nasan si Abby?" kahit nasa taas siya, kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya.

Isang ngiti lang naman ang iginawad ko sa kanya. "Palit muna kami. Kinakawawa mo si Abby ee."

Napakamot naman siya sa ulo niya dahilan para mapangiti ako. At katulad nga ng inaasahan ko, mahina lang ang pagbagsak sa mangga na ginawa niya. Para pa ngang takot na takot siya na baka mabagsakan ako.

"Hoy Marsela!"

Agad akong tumunghay ng tawagin niya ko. "Oh ano?"

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon