XXXI

1.8K 139 66
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Kapag ba nahulog 'yung sabon sa tae dudumi ba 'yung sabon o lilinis 'yung tae?" parang tangang tanong ni Shekinah.

"Ano na namang katangahan 'yan Sheki?" Lara asked her.

But she just shrugged. "Wala lang, naisip ko lang bigla."

I shooked my head in disbelief. "Okay, same scenario Sheki." napaayos pa 'ko ng pagkakaupo at seryosong tiningnan siya. "Kapag ba nakatapak ka ng tae mandidiri ba sayo 'yung tae o tatapakan ka din nung tae?"

Napangiwi naman itong gaga na 'to at inirapan pa ko. Napatawa na lang ako. Medyo weird 'tong usapan namin ngayon ah.

"Ano ba 'yan! Puro kayo tae tae tae." Belle hissed. "Kakain tayo oh. Kadiri." dagdag pa niya.

Napuno ng malalakas na tawanan itong table namin. May mangilan-ngilan pang kapwa estudyante namin ang napapatingin sa pwesto namin pero di na namin pinagtutuunan ng pansin.

Tinanaw ko naman sina Abby at Ate Alice na hanggang ngayon, nakapila parin. Ang haba kasi ng pila. Nagkasabay-sabay ang lunch. Kaya ang siste, punuan na dito sa loob. Buti nga nakahanap pa kami ng bakanteng upuan kanina.

"Hoy Marsela! Birthday ni Abby ngayon?"

Mabilis kong binalik ang tingin dito sa mga kasama ko, lalo na kay Shekinah. "Birthday niya? Ewan ko." parang ewan na sagot ko.

At itong tatlong 'to, binigyan lang ako ng hindi makapaniwalang tingin. Napangiwi naman ako at nahihiyang napakamot sa noo ko. Ee hindi ko naman talaga alam ee. Hindi ko naitanong.

Ano ba naman 'yan Marsela? Napaka inam mo naman talaga kahit kailan.

"Birthday niya ngayon gaga ka." saka siya umiling sa'kin bago iabot 'yung phone niya.

Kahit nag-aalangan, kinuha ko parin 'yun. At bumungad lang sa'kin ang bati ni Gia sa kanya sa Facebook. I bit my lower lips because of embarrassment that I felt. Oo nga, birthday nga ni bruha.

"So, ano ng plano mo?" Belle asked.

Agad ko namang binalik kay Shekinah itong cellphone niya at umayos ng pagkakaupo. Napagdaop ko din ang dalawang kamay ko. "Ano bang pwede kong iregalo sa kanya?" oh my gosh, bigla akong na-stress.

"Ikaw" Lara suddenly said

Lahat kami natuon bigla ang atensyon kay Lara. Nakangisi pa ang gaga sa'kin kaya inis na hinagisan ko siya nitong tissue na nasa ibabaw lang ng table.

"Anong si Sela?" kunot noong tanong ni Sheki sa kanya. "Hoy ikaw Lara ah! Kung anu-anong kamunduhan na naman 'yang pinagsasasabi mo." she added.

Pero ang babaeng 'yun, ang lakas ng tawa, ngayon. Napairap na lang ako. Kung makatawa siya parang wala ng bukas. Parang ito na ang huling tawa niya.

"Ang ibig kong sabihin." she met my gaze. "Ikaw ang bahala." then she smirked at me. "Masyadong madumi ang utak niyo. Magsimba nga kayo." ang yabang ang potek.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon