XXIII

1.8K 142 22
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Bakit dalawa ang kidney ng isang tao?" Shekinah asked.

Naibaba ko ang hawak na libro para lingunin sila. "Kasi kailangan pati sa kidney by pair." parang ewan naman na sagot ni Lang.

"Gaga hindi." pagsingit pa ni Belle. "Kaya dalawa ang kidney natin kasi ibebente ko 'yung isa." maangas na sagot niya. "Need ko pangbili ng ticket para sa concert ng MNL48." she added.

Natatawang napailing na lang ako. Tapos na kasi klase namin, tapos tinamad kaming kumain kaya tumambay muna kami dito sa room. Dala siguro ng pagod kaya naging ganyan ang takbo ng usapan ng mga 'yan.

"Ang hihina niyo naman." wow, ang yabang. "Syempre parang love life din ang kidney natin." prenteng dagdag pa ni bonitah. "Kaya nawawala o umaalis ang isang kidney, ay dahil nag-away sila ng isa, hindi niya makaya ang sakit kaya mas pinili na lang niya ang umalis." mahabang lintanya niya.

Natatawang naihampas ko sa braso niya itong notebook na nasa desk ko lang. "Edi wow Shekinah. Ang mais natin ahh." I shooked my and head in disbelief.

"Ee bakit naman dalawa ang kamay kamay natin?" napatingin naman kami kay Ate Alice ng bigla itong magsalita.

Simula kasi ng klase kanina, hindi siya nakibo. Sa aming magkakaibigan, siya ang pinaka seryoso sa pag-aaral, kaya malamang siya din ang pinaka matalino.

"Para kapag naputol ang kanan, may kaliwa pa." prenteng sagot ni Lang. "Yang mga tanong niyo, nakakagutom. Tara na nga lang sa canteen."

Aangal pa sana si Ate Alice ng mabilis na tumayo na si Lang at nag-inat-inat. Napailing na lang tuloy kami saka tumayo na din para mag-ayos ng gamit.

Ang babaeng 'yun, napaka saksakan ng bugnutin. Akala mo talaga laging may dalaw ee. Tss.

Tahimik lang na binabaybay namin ang kahabaan ng hallway patungong canteen. Hindi pa kami nakakalayo ng bigla namang magsalita itong katabi ko.

"Ang sakit ng leeg ko, grabe." maktol naman ni Belle habang hawak pa ang leeg niya.

Hindi naman ako nagdalawang isip na akbyan siya, at saka bumulong ng, "Mas masakit kung walang leeg. Kaya hayaan mo na."

At mabining kurot sa tagiliran ang natanggap ko na ikinangiwi ko na lang. Masakit ee. Grabe pa naman siya kung mangurot. Parang dala pati laman.

"Wait lang." Lara suddenly said.

Lahat naman kami, natigilan dito at kunot noong nakatingin kay Lara na namumula na ngayon. "Uy bakit?" ako na ang nagtanong.

"Doon na lang tayo sa may fountain dumaan." she simply said. "Ayaw ko dito." dagdag pa niya.

Mas lalo namang kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Ano bang nangyayari sa babaeng ito? "Bakit doon? Akala ko ba gutom kana?" siya nga nagyaya sa'min na pumuntang canteen diba. "Ee mas malayo kung sa may fountain tayo dadaan."

Under The Shade (SeBy) Where stories live. Discover now