III

2.3K 130 16
                                    


MARSELA MARI GUIA

Malakas kong sinara itong libro ko. Napahilot sa sintido at humiga sa sofa na tila bang pagod na pagod.

Ang sakit na ng ulo ko. Sandamakmak pa ang kailangan ko aralin para sa exam. At pakiramdam ko, anumang oras sasabog na ang utak ko sa dami kong naaral ngayon.

Nakakapagod. Sino ba kasing nagsabi na itong course  na 'to ang kunin ko? Umay ah.

"Ano? Pagod na?" pagbati naman sa'kin ni Ate Aya. Naupo din siya sa tapat ko at inilapag naman niya naman ang dalawang tasa ng gatas sa table na nasa harap lang namin.

Napanguso ako. "Gusto ko na matulog Ate."

But she just laughed at me. Tss. "Okay lang naman kung matutulog kana. Kaso, paano yang mga aaralin mo pa?"

Napahinga lang ako ng malalim at sinubsob ang mukha ko sa unan na nadampot ko. "Napaka hirap mag-aral. Ang sakit na ng ulo ko."

"Pero mas lalo kang maghihirap kung hindi ka mag-aaral." she replied. "Ngayon ka paba susuko?" dagdag pa niya.

Kaya imbes na magmukmok ako dito, bumangon na lang ako at kinuha ang gatas na dala niya. "I'm not giving up, I'm just tired."


"Good. Dahil hindi uso ang salitang pagsuko sa pamilyang 'to." natatawang sagot naman niya, kaya natawa na lang din ako.

Bahagya ko pang naipikit ang mata ko ng dumaloy sa lalamunan ko ang mainit na gatas. Napaka sarap sa pakiramdam. Para akong na-relax kahit papaano.

"Kamusta kana pala?" I bet, she's bringing that topic again.

"I'm fine." I immediately answered. "Always fine."

She nodded slowly. "That's good to hear. Ayaw kong nagpapakalango ka sa kalungkutan ng dahil lang sa lalaking 'yun." prangkang sagot niya sa'kin dahilan para mapa-iwas ako ng tingin. Sabi na nga ba ee, ayan na naman siya. "Nagkikita ba kayo?"

I shooked my head. "Hindi ko pa siya nakikita ulit." napahigpit naman ang hawak ko sa tasa ng maalala ko na naman ang babaeng yun. "Pero yung babae niya, nakita ko kanina." mahinang dagdag ko pero sapat lang para marinig niya.

Napaayos naman siya ng upo niya. "Wala kang ginawa?"

My gaze met hers. "Wala." natatawang sagot ko. "Ano namang gagawin ko dun?"

Parang  ewan si Ate. Ano bang akala niya sa'kin? Eskandalosa? Nako.

"Ee diba, galit ka?" nakataas ang kilay na sagot niya.

I take a sipped in my milk. "Yes, I am. But it doesn't mean na mageekandalo ako. Gustuhin ko man siyang sampalin sa harap ng maraming tao, hindi ko pwedeng gawin." napahinga ako ng malalim. "Hindi ko ugaling magpahiya ng kapwa ko babae."

I just remembered what exactly Abelaine said.

Hindi naman maibabalik ng galit ko ang pagmamahal niya para sa'kin.

Kaya para saan pa ang galit diba? Mas mabuting pagtuonan ko nalang muna ng pansin ang pag-aaral ko at sarili ko.

Napangiti ako. Kahit pala papaano, may matututunan din ako sa babaeng 'yun.

Ang cool lang niya. I want her to be my friend.

"What's with that smile Marsela?" and now, her brows raised when she asked me.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon