XX

1.8K 130 20
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Dalawang order nga po ng lomi." Abby said. "Batangas lomi po."

"Sige iha, dadalhin ko na lang pwesto niyo."

Tanging ngiti lang ang tinugon ni Abby sa matanda at saka ako marahang hinila papunta sa uupuan namin. Hindi naman na ako umangal pa.

"Lagi kabang nandito?" pagsisimula ko.

Mabilis naman siyang tumango bilang tugon. "Oo, lalo na pag madaling araw." nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya ang upo. "Kapag hindi ako makatulog sa gabi, dito ako napunta. Pampaantok din." she added.

I nodded slowly. "Mahilig ka siguro magkape sa hapon kaya hindi ka inaantok agad."

At tanging pagtawa lang ang tinugon niya sa'kin. Hindi na din ako nagsalita pa at mas piniling ilibot ang tingin dito sa loob. Napapansin ko lang, bonding naming dalawa ang pagkain sa mga ganitong lugar. Parang noong kailan lang, sa karinderya malapit sa school kami kumain.

Hindi din naman nagtagal pa ang paghihintay namin, at agad ng dumating ang lomi. Saglit pa kami nagpasalamat kay nanay na nagtitinda bago simulan ang pagkain.

"Dahan-dahan lang Marsela, mainit pa ee." paalala naman niya.

I chuckled and nodded immediately. "Yeah, I know."

At katulad ng lagi naming eksena, matamis na ngiti lang ang iginawad niya sa'kin. Mabilis ko tuloy na itinuon ang pansin ko sa loming nasa harap ko. Nakakatuwa lang. Natatakam na agad ako.

Kahit mainit at umusok-usok pa, hindi ako nagpaawat. Buong tapang kong kinain itong pagkaing nakahain sa harap ko. Napapapikit pa nga minsan kapag gumuguhit ang init sa lalamunan ko.

Grabe. Kaya naman pala binalik-balikan ni Abby 'to, masarap namam pala talaga.

"Oh tissue." napaangat ako ng tingin ng maglapag siya ng tissue malapit sa kamay ko. "Pawis na pawis 'yang noo mo." dagdag pa ko.

Napangiwi ako. "Ang init ee. Saka ang sarap." nakakahiya. Baka mukha na kong batang yagit dito.

Malakas na tawa naman ang pinakawalan niya dahilan para mapangiti ako. Nakakahawa lang talaga yung tawa niya. Para akong nasa alapaap kapag naririnig ko 'yun.

"Unti-unti na kong nasasanay Sela." her lips curved into a genuine smile. "Nasasanay na kong lagi kang kasamang kumain sa ganitong lugar." nakangiting dagdag niya.

Natigilan naman ako. Napahigpit din ang kapit ko sa hawak na kutsara. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ako naiinitan ngayon. Kung dahil ba 'yun sa init na dala nitong lomi, o dahil sa sinasabi niya sa'kin ngayon.

Imbes na sagutin siya, mas pinili ko na lang na ituon ang pansin sa kinakain. Kaso ramdam na ramdam ko parin ang tingin niya sa'kin.

Napahinga na lang tuloy ako ng malalim at inis na nag-angat ng tingin para tingnan siya. "Stop staring Abby, will you?" maawa ka naman sa'kin. Ayaw ko pang mamatay. Jusko.

But she just chuckled. "I'm sorry, can't help it." napasandal naman ako sa upuan ko ng talagang humalumbaba pa siya para tingnan ako. "Ang ganda mo kasi."

I literally choked in my own saliva. Damn it. Mabilis naman niyang inabot sa'kin ang isang basong tubig, at walang pagdadalawang isip na ininom ko 'yun.

Ng maikalma ang sarili, agad ko siyang hinarap. "Are you flirting with me Abby?" matapang na tanong ko.

Bahagya naman siyang natigilan dahil sa gulat, pero di kalaunan ay ngumiti muli sa'kin. Napairap na lang ako sa isip-isip ako. Hindi talaga matatapos ang araw namin na magkasama kung hindi siya ngingiti sa'kin ng ganyan.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon