XVIII

1.8K 132 12
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Belle, sige na kasi. Bigay mo na sa'kin number ni Ella." pagmamakaawa ni Gia.

"Ayaw ko nga." mataray na sagot naman ng kaibigan ko.

Natatawang napailing na lang ako. Kanina pa sila ganyan. Buhat ng umalis kami, at hanggang ngayon na nasa biyahe na, wala parin silang ibang ginawa kundi ang magtalo. Napahinga na lang ako ng malalim saka nagpalsak ng earphone sa tainga ko.

Pabalik na kami ng Manila. Back to reality na ang peg namin. Kung pupwede lang talaga na magtagal doon, nako magpapa-iwan talaga ako.

Hindi pa ko nakakatagal sa ganoong posisyon ng maramdaman ko ang pagkalbit ng kung sino sa balikat ko. Agad ko namang nilingon ang may sala, at nakangiting mukha ni Abelaine ang bumungad sa'kin.

"Oh bakit?" kunot noong tanong ko.

But she just smiled at me. Siya na din ang nagtanggal ng isang earphone na kasa tainga ko. "Soundtrip ka? Pa-share."

Hindi na ko naka-angal pa ng mabilis niyang ipalsak sa tainga niya 'yun. Napailing na lang ako bago siya pinagmasdan, lalo na ang pwesto niya. "Hoy Abby, hindi kaba malalaglag diyan sa pwesto mo?" nakatungtong kasi ang tuhod niya sa upuan, habang nakatukod ang braso niya dito sa sandalan ng upuan ko. Ano bang nangyayari sa babaeng ito?

"Hindi 'yan." mayabang na sagot niya. "Wala naman sigurong balak pumreno ng biglaan si kuyang driver ee." dagdag pa niya.

Napailing na lang ako at sumandal sa may bintana. Medyo nahihirapan kasi ako sa  pwesto ko kung sa kanya ako haharap.

"Diba pinasahan na kita ng mga kanta?" tanong ko pa.

Saglit naman niyang inayos ang pwesto at humarap sa'kin. "Oo nga, ee wala akong dalawang earphone. Nakalimutan ko." she simply said. "At saka, 'yung mga pinasa mo palang kanta, mga pang sinauna."

Mabilis na tumaas ang isang kilay ko dahil sa narinig. Wow lang ah. "So? May problem ka?" hindi pa ko nakuntento at sinamaan ko siya ng tingin.

Pero ang bruhang 'to, nakakalokong ngiti lang pinakawalan dahilan para mapairap ako. Sa kanila talagang lahat, siya lang ang hindi natitinag sa tingin ko. At naiinis ako do'n.

"Wala naman." Dahan-dahan naman niyang ipinatong ang baba dito sa sandalan. "Pero dapat pati mga kanta ni Freddie Aguilar at ng Asin  meron ka din. Nahiya ka pa ee." nakangising dagdag niya.

Inis na inirapan ko siya at bahagyang hinampas sa kanya itong chitchiryang nasa hita ko. Tinawanan lang naman ako ng gaga. "Wag ka na lang makinig kung ayaw mo." akmang babawiin ko na sa kanya 'yung earphone ko ng mabilis siyang umiwas.

"Chill Marsela." then she laughed again. "Init na init ka ata." she added.

I glared at her. Ang babaeng ito, lagi na lang pinapainit ang ulo ko. "Manahimik ka Abelaine, kung ayaw mong ipulupot ko itong earphone ko sa leeg mo." pananakot ko pa.

Bahagya namang nanlaki ang mata niya, pero di kalaunan ay ngumisi din sa'kin. "Natakot ako Marsela." she paused intentionally. "Pero pwede bang hilingin ko sayo na braso mo na lang ang ipulupot mo sa leeg ko, habang hina-..."

Hindi ko hinayaang matapos niya ang anumang sasabihin at agad kong sinamual sa bibig niya ang chitchiryang hawak ko. Panigurado kasi, kamunduhan na naman ang lalabas sa bibig ng babaeng 'to. "Kumain ka nalang Abelaine, nangangayayat kana ee." seryosong saad ko.

Gusto kong matawa. Ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na inirapan niya ko. Ang cute lang. Marunong din naman pala siya magtaray.

"Parang awa niyo ng dalawa." napatingin naman ako Lara. "Kotang-kota na 'ko sa kaharutan niyo. Kahapon pa kayo. Maawa na kayo sa'kin." dagdag pa niya.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon