LIX

1.5K 140 26
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Tongits ako!"

Napanganga ako. "Agad-agad?" hindi ko naman maiwasang ang pagtaas ng tono ko. "Kakasimula lang natin ah, tongits ka agad?" grabe, ang daya niya.

"Ganito talaga maglaro ang mga pro." mayabang na tugon pa niya. Nagkibit balikat pa nga siya habang kinukuha 'yong mga taya namin.

Nanlulumong nailapag ko itong baraha ko. Kanina pa kami nagsimulang maglaro nito, at kanina parin ako natatalo. Sayang ang taya, sayang ang dalawang piso. Hmp. Pangdagdag bayad ko narin sana 'yon sa grab.

"Oh taya ulit, bilis." dagdag pa niya.

Saglit naman akong napairap bago naglapag muli ng dalawang piso. Napanguso pa nga ako. Sana naman manalo na 'ko ngayon diba. Bawat barya mahalaga.

"Lasapin mo lang ang pagkapanalo mo Lara, dahil sa pagkakataong 'to, ako naman." mapanghamon na sambit ni Shekinah.

Napailing na lang ako bago ayusin ang barahang hawak ko. Bakit ko ba naisipang sumali sa kanila kahit na hindi naman ako ganon kagalingan dito?

Dapat pala kina Belle na lang ako sumali, tamang chismisan lang ginagawa nila. At di hamak na mas madali 'yon kumpara dito. Hay buhay.

"Queen." bagsak ni Lara.

Bigla naman akong nabuhayan dahil sa binagsak niya. Ang laki tuloy ng pagkakangisi ko ngayon. "Chow"

Ang yabang ko pa nung kinuha ko 'yong Queen na binaba niya at inilagay sa harap ko para gawing bahay.

"Ay wow. May humahabol ah." natatawang sambit ni Chokinah.

Napatawa din tuloy ako at mayabang na napapahid ng pawis sa noo ko. "Walang mananalo sa inyong dalawa, kasi na sa'kin ang huling halakhalak." grabe. Ang yabang.

"Saka mo sabihin sa'kin 'yan kapag nabawi mo na 'yong twelve pesos mo." barumbadong sagot ni Lara.

Inirapan ko siya. Ang sarap niyang tuktukan. Kakainis. "Wag kang mayabang Layar." nagbaba muli ako ng pinakamataas kong baraha. "Baka 'yang kayabangan mo ang maging dahilan ng pagkatalo mo." I added.

Hindi naman siya sumagot. Tahimik lang kaming naglalaro dito. Akala mo mga professional na manlalaro ee. Talagang kumukunot pa ang noo ng bawat isa sa'min. Nakakatawa lang.

"Ano 'yang ginagawa niyo?"

Saglit ko lang siya nilingon bago agad na ibalik ang atensyon dito sa mga barahang nasa harap ko.

Naramdaman ko pa nga ang pag-upo niya sa tabi ko pero ipinagsawalang bahala ko na lamang. "Ito nagsusugal." tipid na sagot ko. "Sumusugal ako dito sa punyetang pagmamahal ko sayo." wala sa sariling dagdag ko pa.

Marahas ko pang binaba itong isa ko pang bahay nang mapansing wala na silang maidudugtong pa dito.

"Sana all marunong sumugal." nahihimigan ko pa ang pagngisi sa boses ng Sheki nang sabihin niya 'yon.

Kunot noong tiningnan ko tuloy sila. Nakangisi ng malaki ang dalawang ungas kong kaibigan, habang itong babaeng katabi ko, kulang na lang maging kamukha na ang kamatis dahil sa sobrang pula ng mukha niya.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon