LXV

1.3K 130 16
                                    


ABELAINE TRINIDAD

Nanghihinang napapikit ako habang mag-isang nakaupo dito sa garden. Para akong hapong-hapo ngayon. Miski ang igalaw ang kamay ko, nahihirapan akong gawin.

Matapos ang pagsasalin ng dugo na ginawa ko, dito agad ako dumeretso. Ewan ko ba, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sela pati narin ang magulang at ang dalawang kapatid niya. Hiyang-hiya ako, sa totoo lang.

"Oh, tubig." natuon ang pansin ko sa isang boteng tubig na ipinatong niya sa hita ko. "May dala rin akong pagkain. Kumain kana muna, baka mahimatay kana diyan." dagdag pa niya.

Napalunok ako. "Gia."

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya, bagkus naramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Hindi ako bihasa pagdating sa dugo, pero paano naging ganon ang type ng dugo mo Abby?" nahihimigan ko pa ang pagtataka sa sinabi niya.

Kinuha ko ang boteng binigay niya sa'kin at agad na uminom do'n. Mariin pa kong napapikit ng maramdaman ang malamig na tubig na 'to na dumaloy sa lalamunan ko.

"Wala pabang balita?" pag-iiba ko sa usapan.

"Wala pa. Hindi pa lumalabas ang doctor mula kanina." she immediately replied. "Kumain ka muna."

Hindi na ko umangal pa at agad kong tinanggap itong pagkain na inalok niya sa'kin. Kahit walang gana at nanghihina, kumain na lang ako.

"She's mad." she started.

Pagak akong natawa. "I know." I paused and inhaled deeply. "Expected ko na 'yon."

Wala ng nagsalita sa'min. Tahimik na lang kaming dalawa dito habang ninanamnam ang malamig na hangin. Nagugulo pa nga ang buhok ko sa tuwing humahampas 'yon sa'kin pero hindi na ko nag-abalang ayusin pa 'yon.

"Makikitambay sana ako sa inyo kanina, tapos nakita ko si Tito na humahangos pasakay ng sasakyan niya kasama si Sela." she said out of nowhere. "At syempre, dahil dakila akong chismosa, sumama ako sa kanila. Hindi ko naman akalain na ganito pala ang madadatnan ko dito." mahabang dagdag niya.

Mahinang napatawa ako. Ang sarap niyang tuktukan. Pasalamat lang talaga siya at nanghihina ako ngayon.

"Hindi ka ba pupuntang University?" pag-iiba ko ulit sa usapan. "May practice ngayon."

She shooked her head. "Nah, dito lang ako. Sasamahan kita."

Napangiti ako. Minsan lang maging sweet sa'kin ang babaeng ito. Sulitin na natin.

"Pwede mo bang sabihin sa'kin ang totoong nangyari?"

Napahinga ako ng malalim. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Lahat-lahat, walang labis, walang kulang. Mula sa nangyari kay Rans hanggang sa nangyari ngayon.

"Ahm." she cleared her throat. "I... damn it. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin." she murmured.

I took a deep breath and looked down. Tinakpan ko narin itong pagkain na hawak-hawak ko dahil wala narin naman akong gana. Hindi ko na nga magawang ilunok ang pagkaing nasa bibig ko kanina ee.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon