Epilogue

2.4K 171 44
                                    


ABELAINE TRINIDAD


"Lima"

Kunot noong napatingin ako sa kaniya. "Dad? Anong lima?"

Saglit pa 'kong tinitigan ng magaling kong ama bago marahang pinitik ang noo ko. "Lima ang gusto kong apo Abelaine."

Anak ng. Lima lang? Balak ko pa naman gumawa ng basketball team o kaya girl group. Tapos hihilingin niya lima lang?

Ang hina naman.

"May Braelynn na tayo, edi magdagdag ka pa ng apat." malaki ang pagkakangiting dagdag niya.

Napatawa na lang tuloy ako. Mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya. Ibang klase.

"Wala akong maisip na sasabihin sayo Abelaine." he sighed. "Pero gusto kong malaman mo na sobrang proud ako sayo." he smiled at me.

Natameme ako. Miski ang ibuka ang labi, hindi ko magawa. Bigla ding lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Mula ng mawala si Mommy, ito pa lang ang maayos na pag-uusap naming dalawa. Dito pa mismo, sa araw ng kasal ko.

"You did great iha." he tapped my shoulder. "Pihado tumitili sa langit ang Mommy mo." pagbibiro pa niya.

Napalunok ako, at saka huminga ng malalim. "Salamat po." I paused and took a deep breath. "Sa lahat."

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya habang umupo siya dito sa tabi ko. Ngayon ko lang napagtanto, ang gwapo ngayon ng tatay ko. Naks naman. Pwede ng ilaban sa Mr. and Ms. Pageant. Witwiw.

"Maging mabuti kang asawa at ina." he held my hand. "Lagi mong tatandaan, palaging tama ang mga babae." pangaral pa niya.

I chuckled. "Dad babae din po ako." may ano din po ako Daddy. Ano ba? Ba't ka ganyan?

At ang magaling kong ama, ang lakas ng tawa. Akala mo naman nakikipagbiruan ako. Hmp.

"Sorry nakalimutan ko." he shooked his head. "Kung sakaling mag-away kayo, mag kanya-kanyang laba kayo ng damit, okay?"

Literal na napakamot ako ng ulo ko habang natatawa sa kanya. "Daddy tama kana dyan. Para ka pong ewan."

"I'm sorry." he laughed again. "I'm just, nervous."

Napahinga ako ng malalim at itinuon ang pansin sa kamay kong hawak niya. Oo nga, ang lamig ng kamay niya. Mukhang kinakabahan nga siya.

"Ikaw 'yong ikakasal pero ako ang kinakabahan." he added.

Marahan kong hinaplos ang palad niya. "Tama 'yan Dad. Hindi pwedeng ako lang ang kinakabahan dito. Dapat ikaw din."

At napuno na nga ng tawanan namin itong kwartong kinauupahan ko. Kahit naman kinakabahan ako ngayon, mas nangingibabaw parin ang saya sa puso ko.

Saglit lang ding natahimik ang paligid bago ko narinig ang paghingang malalim niya.

"Love her always, Abelaine." he tapped my head. "I'm happy for you." he smile genuinely.

Napakagat labi ako. Gosh. Ayaw kong umiyak. Masisira make-up ko.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon