VII

1.7K 117 26
                                    


MARSELA MARI GUIA

Agad akong napapikit ng humampas sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Ang lamig. Ang sarap sa pakiramdam.

Di kalauna'y nagmulat na ko at napatingin sa kalangitan.

"Justin, ilang minuto na tayong nandito. Baka gusto mong magsalita na at simulang makipag-usap sa'kin."

Lagpas kinse minutos na kaming nandito sa park malapit sa bahay. Gusto niya kasi akong maka-usap, at dahil mabuti akong tao pinagbigyan ko. Pero ang lalaking ito, wala atang balak magsalita at gustong mapanisan ng laway.

Naiinip na din ako. Gusto ko na mahiga sa kama ko. At saka, magrereview pa 'ko para sa exam ko bukas.

Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga dahilan para tingnan ko siya. "Spill it." dagdag ko.

"Sela, I'm sorry." mahinang saad niya sapat lang para marinig ko.

Napairap ako. Alam ko namang ganito ang magiging daloy ng pag-uusap namin, hindi ko lang maiwasang hindi mainis. "Alam mo hindi ka dapat humingi ng tawad sa'kin." I crossed my arms over my chest. "Dahil ang salitang sorry, ay para lang sa mga bagay na hindi sinasadyang gawin."

Mataman naman niya kong tiningnan na tanging pag ngiti lang ang ginawa kong tugon. "Wag mo sabihin sa'kin na hindi mo sinasadyang mahulog sa kanya habang tayo pa."

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya lumunok. Kung dati, napapatulala ako pag ginagawa niya 'yun, ngayon hindi ko na alam.

Sobrang pagkamuhi ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung hindi lang masama ang pagsumpa, malamang una palang ginawa ko na.

"Why Justin?" I gulped hard. Sige lang Sela, saktan mo pa ang sarili mo. "Why?"

He let out a heavy sigh. "I don't know." napamura ako sa isip-isip ko. Damn it. "Basta nagulat na lang ako, hinahanap-hanap ko na ang presensya niya." matapang niyang nilabanan ang titig ko. "Mahal kita Sela, pero mas mahal ko siya."

And that's it. Narinig ko na ang salitang gusto ko marinig kahit masakit. Hindi ko na siya kailangan pang papiliin sa'ming dalawa, dahil siya mismo, nakapili na.

Dahan-dahan akong tumango at iniwas ang tingin sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang mapait na mapangiti na lang habang nakatitig sa kalangitan.

Bakit ang unfair ng mundo? Kung sino pa yung gustong-gusto mo, yun pa yung hindi pwede maging sayo. Bakit pa kami pinagtagpo kung hindi naman pala kami ang itinadhana?

Masayadong mapanakit. Gusto kong maiyak.

Siya ang taong gabi-gabi kong pinagdadasal na sana, siya ang makasama ko habang buhay. Pero mukhang hindi ako malakas sa nasa taas dahil hindi niya ko pinagbigyan.

I took a deep breath. "We love staring at the moon together." napalunok ako at saka nagpakawala ng mapapait na ngiti. "But you were secretly falling for the stars."

"Sela."

I looked at him. "Tell me Justin." kung maibabalik ko lang ang panahon. Babalik ako sa panahon kung saan masaya pa kaming dalawa. "M-masaya kaba?" garalgal na tanong ko.

Mataman niya kong pinagmasdan.  At sa pagkakataong 'to, alam ko na ang sagot sa tanong ko. Mapait ko siyang ningitian. "You don't need to answer that Justin, alam ko na."

He sighed. "I'm sorry." bulong niya.

Napailing ako at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko talaga alam kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon. Mahal namin ang isa't-isa. Kahit na sobrang busy namin sa pag-aaral, nagkakaroon parin naman kami ng oras para sa aming dalawa. Kaya paano niya ko nagawang lokohin ng ganun-ganun lang?

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon