LXI- PikaJem

1.4K 126 12
                                    


DANA LEANNE BRUAL

"Trinidad! Pauwi kana?"

Malaki ang pagkakangiting tumango siya sa'kin. "Oo, susunduin ko pa si misis ee."

Napangisi naman ako saka siya tinulak-tulak gamit itong tube na hawak ko. "Napaka bait mo namang asawa Engineer." tuyo ko pa. "Baka naman pwedeng maging kabit mo,  kahit isang gabi lang." that's a joke guys. Okay?

Malulutong na tawa ang pinakawalan niya. "Magpaalam ka na lang sa asawa ko."

I chuckled and shooked my head. "Sige, tatawagan ko mamaya si Che-.."

"I gotta go Dana." nakangiting tinapik niya ang balikat ko. "Masamang galitin ang buntis."

Sukat doon ay napatawa ako bago tumango sa kanya. Kumaway pa siya sa'kin saka pumasok sa sasakyan niya. Napabuga na lang ako ng hangin at parang lantang gulay na pumasok sa sasakyan ko.

Medyo ang unfair ng mundo ah. Lahat ng partners ko, kaibigan ko, tropa ko may mga asawa't anak na. Habang ako ito, taga sana all parin. Hay buhay para talagang life.

Banayad lang ang pagpapatakbo ko ngayon. Hindi pa naman traffic kaya hindi nakakainis. Pa-traffic pa lang at ayaw kong maabutan kaya umuwi ako ng maaga.

Sabi sa'kin ng magulang ko, mag-aral daw ako ng mabuti para makahanap ng trabaho. Mismong love life na raw ang lalapit sa'kin kapag ganon.

Isang malaking scam ang sinabi nila. Ito na ko, may sariling bahay, may sasakyan, mayroong stable na trabaho, pero walang love life. Dapat pala hindi na lang ako nakinig sa kanila, dapat ginaya ko na lang si Abby at Gia na kabilaan ang nililigawan.

Napanguso na lang ako dahil sa naisip. Ang unfair talaga. Hmp!

Ilang minuto pa ang nilaan ko sa daan saka ako tuluyang nakarating sa condo ko. Naghanap lang ako ng maayos ng parking, at ng makahanap dere-deretso na akong pumasok sa loob. Binati pa ko ng mga staff na nakasalubong ko tanging ngiti lang ang tinugon ko.

Oo nga't may sarili na kong bahay pero mas gusto ko paring maglagi dito sa condo. Ayaw ko lanv tumira do'n kung ako lang naman mag-isa.

Pagkapasok ko sa unit ko, unang ginawa ko naghanda ng maluluto. Mamaya na lang ako magbibihis kapag kakain na, tatamarin parin kasi ako kung uunahin kong mag-ayos ng sarili.

Hindi naman ako nahirapan mamili ng ulam na lulutuin ko. Kaldereta na talaga ang menu ko para ngayong araw. Ginawa ko na ang dapat gawin. Ginisa na ang dapat gisahin, pinalambot na ang dapat palambutin. Hindi naman mahirap. Paking pasalamat ko lang at lagi kong pinapanood ang nanay ko sa tuwing nagluluto siya.

Napabuga na lang ako ng paghinga ng maisalang ko lahat. Imbes na magpalit na ng damit kinuha ko na lang ang laptop ko at binuksan 'yon sa kusina. Para narin mabantayan ko ng maigi itong niluluto ko.

Ginawa ko na lang muna reports ko, tutal nakaupo lang naman ako dito. At isa pa, ayaw kong matambakan ng gawain. Nakakatamad maghabol.

Mahigit trenta minutos ang ginugol ko sa paghihintay bago tuluyang naluto itong ulam ko. Napapikit pa nga ako ng maamoy ang aroma nito. Amoy pa lang, lumalaban na. Mukhang mapapadami ang kain ko. Saka ko na muna iisipin ang diet, ang mahalaga mabusog ako.

Hinubad ko naman ang suot na apron at naghugas ng kamay. Akmang papanhik na ko sa kwarto ko ng bigla namang may nagdoor bell sa labas.

"Sa pagkakaalam ko, wala naman akong bisitang inaasahan ngayong gabi." bulalas ko sa hangin.

Hindi ko na sana lalabasin pa 'yon kaso nag door bell ulit. Kakamot-kamot ng ulong tinungo ko ang pintuan at inis na binuksan ito.

May kaliitang at payat na  babae ang bumungad sa'kin. Maputi siya at medyo namumula-mula ang pisngi niya.

Napatuwid ako ng pagkakatayo ng mapansin ang umbok sa may tiyan niya.

"Ahm" she cleared her throat. "Ito lang unit ko." tila nahihiya pa niyang tinuro 'yong unit niya na nasa tapat lang naman ng unit ko. "We're neighbors." she added.

Kumurap-kurap ang mata ko at nagtatakang tiningnan siya. "Okay?" ngayon ko lang nalaman na may kapitbahay na pala ako.

"Ahm, ano kasi." natuon naman ang pansin ko sa isang mangkok na nilagay niya sa harap namin. "Naamoy ko kasi 'yong niluluto mo. I came here 'cause I want have some of that" she took a deep breath. "I need to satisfy my cravings." sobrang pula na ng buong mukha niya habang hindi makatingin sa'kin ng deretso.

Napalunok na lang ako, at nahihiyang napakamot sa noo ko. "Are you pregnant?" parang tangang tanong ko. Duh! Halata naman ee.

She was hesitant at first but she choose to nod at me. Napahinga na lang ako ng malalim bago abutin ang mangkok na hawak niya. "Ikukuha ko lang kita, wait a minute." ngumiti narin ako. Baka isipin niya ang sungit ko ee.

Patakbo akong bumalik sa kusina para lagyan itong mangkok ng ulam na niluto ko. Tingin ko naman, hindi ako ipapahamak nitong Kaldereta ko. Malakas ang kutob ko na masarap 'to.

Kumuha narin ako ng iilang prutas na nasa ref ko lang at nilagay sa plastic. Sinama ko narin itong gatas na kakabili ko lang hindi pa nabubuksan. Hindi naman siya mahihirapan dalhin lahat 'to kasi nga nakaplastic.

At ng masiguro kong ayos na ang lahat, maingat at mabilis akong bumalik sa tapat ng pintuan kung nasan siya.

Napansin ko pa ang bahagyang pagkagulat niya malamang dahil dito sa mga dala ko. "Here" inabot ko sa kanya 'yong mangkok pati narin itong mga prutas at gatas. "Dahan-dahan lang, mainit pa 'yong ulam." paalala ko.

"Pero itong ulam lang hiningi ko sayo."

Seryoso ko siyang pinasadahan ng tingin. "Take it miss. Sa tingin ko hindi lang ulam ang kailangan mo." I crossed my arms over my chest. "Kumain ka agad ng prutas at uminom ka ng gatas bago matulog. Namumutla ka, sa tingin ko hindi normal 'yan sa isang buntis."

Visible din ang pasa niya sa bandang braso. Hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na may hindi magandang nangyayari sa kanya sa loob ng unit niya.

Hindi naman niya agad ako sinagot at alanganin lang na ngumiti sa'kin. "Thank you."

I nod and smile a little. "I'm Dana, ikaw?"

Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa kanya nung una pero di kalaunan ay ngumiti rin sa'kin. "Jem." she replied. "Jemimah."

Tanging pagngiti lang naman ang tinugon ko sa kanya at saka siya palihim na pinagmasdan. Hindi lang pala siya sa braso may pasa, pati narin sa may leeg niya malapit sa tainga.

"Thank you Dana." pagkuha niya sa atensyon ko. "Papasok na ko sa loob. Maraming salamat ah."

I nodded slowly and smile at her. "You’re welcome. Mag-iingat ka palagi."

Tanging pagngiti lang naman ang tinugon niya sa'kin bago tuluyang pumasok sa loob ng unit niya. Napangiti pa nga ako ng sumilip siya na parang bata at saka tuluyang isinara ang pintuan niya.

Napahinga ako ng malalim. Despite of her looks, she's still beautiful. Hindi maikakaila na may angking ganda siya kahit na may kaputlaan siya.

Sino kaya ang asawa nun? Napaka swerte naman.

Iiling-iling na pumasok na lang din ako sa loob. Mukhang ngayon lang ata ako kakain ng nakangiti kahit na mag-isa lang.

Jemimah ha, not bad.







-------------------------------------------

Unedited....

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon