XXVIII

1.8K 143 22
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Kamusta naman consultation mo?"

Maangas na nagkibit balikat siya. "Easy as pie bebi." she said with a pride.

Natatawang napailing na lang ako. Ang yabang niya talaga kahit kailan. "Pasado naman ba?" pagtatanong ko pa.

"Okay naman daw. Pero syempre, may mga kailangan parin kaming ibahin." seryosong sagot niya.

I nodded slowly. Mukhang mahirap nga itong course na meron siya. Pero lahat naman ng course mahirap, walang madami. "Good luck Abby." I sincerely said

Matamis na ngiti lang naman ang tinugon niya sa'kin. "Well, thank you sa pa-good luck kiss kanina." nagtaas baba pa siya ng kilay habang nakangiti sa'kin ng malaki. "Effective ee."

Imirapan ko lang siya saka muling ituon ang pansin sa daan. Balak sana naming mag jeep na lang, kaso naalala ko 'yung kahihiyang nagawa ko sa jeep noon kaya pinilit ko na lang siya na maglakad na lang kami. Tutal, hapon na din naman, mahangin din kahit papaano.

"Ikaw? Kamusta klase mo?" she asked.

I inhaled deeply. "Nakakapagod." I pouted. "Feeling ko knock-down agad ako mamaya sa kama." totoo naman. Bukod sa pagod ang katawan ko, pati utak ko. Kung pwede lang umayaw ee, ginawa ko na. Tss.

"Linggo na bukas Sela, makakapagpahinga kana." natatawang tugon niya.

Nanlaki naman ang mata ko at agad na nilingon. Oo nga pala, nakalimutan kong pahinga na bukas. "Magtutulog ako bukas." malaki ang pagkakangiting saad ko. "Buong magdamag." I added.

Pero ang babaeng ito tinawanan lang ako. 'Yung hagalpak na tawa talaga. Napairap na lang tuloy ako. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko diba? "Ang funny mo Abby ah." I glared at her. "Masaya ka sa'kin?"

Doon lang naman siya natigil sa pagtawa at ngitian ako. "Oo naman yes." she put her arms in my shoulder. "As long as I'm with you, I'm so much happy."

Napalunok na lang ako saka mabilis na tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa'kin. "Oo na. Oo na." ang speed ee. "Chansing kana ee." dagdag ko pa.

At katulad kanina, tinawanan lang ulit niya 'ko. Inis na hinampas ko sa may bandang tiyan niya itong bag ko. Napaka saya niyang tao. Sana all.

Hindi din naman nagtagal at namayani na naman ang katahimikan sa'ming dalawa. Tanging mga sasakyang nadaan lang ang maririnig namin ngayon. Hindi naman awkward, sakto lang. Parang ang gaan parin ng atmosphere kahit na tahimik kaming dalawa.

"Sela" she broke the silence.

Saglit ko lang siya nilingon bago muling ibalik ang tingin sa daan. "Hmmm?" I hummed.

"Yung about kanina." mahinang saad niya.

Agad ko namang binalik ang tingin sa kanya. Napaka seryoso ng mukha niya ngayon. Napangiti na lang ako. "Si Justin ba? Kinamusta lang niya ko kaya naabutan mo siya sa Shed." I replied, smiling at her. "You don't have to worry about me Abelaine." dahil ang kung anumang mayroon kami ni Justin noon, mananatiling noon na lang 'yun.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon