XIX

1.9K 128 28
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Class dismissed."

Napahinga ako ng malalim. Napaub-ob pa nga ako sa desk ko dala ng pagod.

Gosh. Tapos na. Tapos na ang unang subject ko para sa araw na 'to. Muntik ng sumabog ang utak ko grabe. Hindi ko talaga akalain kung paano ko nagagawang hindi tuluyang mapatulog sa sobrang haba ng klase ko. Two hours and thirty minutes, grabeng torture sa'kin 'yun.

"Buti na lang pangarap ko maging bitch na tita balang araw." at katulad ko, nakasalampak din ang ulo ni Belle sa desk. "May dahilan ako para magpatuloy sa lintek na pag-aaral na 'to." she added.

Gusto kong matawa pero miski pag ngiti, kinatatamaran ko na. Napapagod na kasi ako. Biruin mo, unang subject palang namin 'to sa araw na ito pero grabeng ubos na agad ang powers.

"Well, I'm proud of myself bitches." then Sheki flipped her hair. "Hindi ako nakaramdam ng gutom sa loob ng dalawang oras at trenta minutos." parang batang sambit niya pa.

Napatawa na lang ako ng mahina at saka pumikit. Medyo kulang din ang tulog ko kagabi. Kaya ang ganap, panay ang hikab ko kanina. Tapos bigla namang nagpaquiz si Sir, hindi lang isa, hindi din dalawa, kundi tatlo. Hindi man lang siya naawa sa'min. Talagang sinulit niya ang mahabang oras para pahirapan kami.

"Ano bang ganap niyong dalawa?" rinig ko pang tanong ni Shekinah. "Kulang ba kayo sa tulog? Mukha na kayong panda sa sobrang laki ng eyebags niyo." she added.

Napahinga na lang muli ako ng malalim bago humalumbaba at humarap sa mga bruha.

"Hindi ako agad nakatulog kagabi." walang ganang sagot ni Belle. "Alas kwatro na nga ata ako dinapuan ng antok." pagpapatuloy niya pa.

My brows furrowed. Alas kwatro? Grabeng pasakit naman niyan. "Insomnia?" I asked.

But she just shrugged. Halata nga ang pagkapuyat sa kanya. At mukhang konti na lang, maniniwala na ko kay Sheki na mukha na kaming panda. Tss.

"Wala kang insomnia Belle." mabilis na pagsingit nitong isa. "Pero wifi meron." she shooked her head. "Pagbukas ko ng Facebook ko kanina, puro shared post mo lang naman ang laman ng news feed ko. Kaya sa tingin ko, magdamag kang tumambay sa mga social media accounts mo." mahabang lintana niya.

Hindi makapaniwalang nilingon ko si Belle na nakatulis na ang nguso ngayon. Doon lang ako tuluyang napatawa. Kaya naman pala puyat ang gaga.

"Kaya naman pala Belle." panggagatong ko pa.

But she just rolled her eyes. Napatawa pa kami ng malakas nitong si Sheki. Nakakatawa lang kasi pag-iitsura ni Belle, para siyang batang nagtatampo dahil napagalitan. Ang cute.

"Ee ikaw Marsela?" at ngayon nga po, na sa'kin ang atensyon ng luka. "Bakit ka puyat? Wag mo sabihing insomnia din o wifi?"

I chuckled. "Sorry to say hindi wifi. Pinapatay na ni mama ang wifi kapag tulugan na."  baka daw kasi hindi na ko matulog kung hindi niya papatayin ang wifi. "Hindi lang talaga ako nakatulog agad."

"Bakit? Nagkape ka ba bago matulog?" kunot noong tanong ni Belle.

I shooked my head in response. "Nope." I replied, popping the "P"

"Baka naman may umiisip sayo kagabi kaya hindi ka agad nakatulog." may kalakasang sambit ni Bonitah. "Baka iniisip ka ni Abby." talagang nagtaas baba pa siya ng kilay ng sabihin niya 'yun.

Parang may sariling buhay naman ang labi ko at napangiti ako. Tumikhim na lang ako para hindi ipahalata sa kanila na napapangiti ako. Baka asarin na naman ako ng mga ito ee, hindi ko alam ang isasagot ko kung sakali.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon