XXII

1.9K 153 71
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Sabi po ni ate Abby, magdo-doctor ka daw po." magiliw na tanong sa'kin ni Frances.

Walang patid naman ang pagkakangiti ko habang nagtitimpla ng gatas. Matapos ko kasing iwan si Abby sa kwarto niya, tinulungan ko itong dalawa dito sa kusina. Nakakatuwa nga kasi sobrang enjoy na enjoy nila 'tong pagkalikot sa kusina nila.

"Oo, pangarap ko kasi maging Doctor." nakangiting sagot ko. "Ikaw? Ano bang pangarap mo? Kayo?" sinulyapan ko pa si Abea na nakangiting nakahalumbaba lang sa'min.

Napailing ako sa loob-loob ko. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na kapatid ni Abby ang dalawang ito. Ano bang lahi nila? Magaganda? Grabe.

"Basta po ang pangarap ko." she paused and smiled widely. "Makatapos ng pag-aaral at masuklian ang paghihirap nina mommy at daddy." madamdaming sagot niya.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko habang si Abea nakangiting umiling lang. Minsan talaga, hinihiling ko din na sana nagkaroon pa ko ng isang kapatid. Na sana hindi ako ang bunso, kaso wala ee. Hindi na mangyayari 'yun.

"Ate Sela" pagtawag niya pa sa'kin.

Nakangiting umupo naman ako dito sa hapag kaharap silang magkapatid. "Hmm?"

At katulad ng pwesto ng Ate Abea niya, humalumbaba din siya habang nakangiti sa'kin. "May nakababatang kapatid ka po ba?" she asked.

My brows furrowed. "Wala ee. Bunso na ko sa'ming magkakapatid." mabilis na sagot ko. "Bakit mo naman natanong?"

Tumuwid naman siya ng pagkakaupo habang ang mata ay nakatutok parin sa'kin. "Nagbabakasali lang po." she took a quick glance at her sister. "Kung hindi po kasi pwede sayo, baka pwedeng sa nakababatang kapatid mo na lang, kung meron sana." seryosong saad pa niya.

Sukat doon ay parehong nanlaki ang mata namin ni Abea. Teka lang, grabe ang narinig ko.

"Hoy!" marahan namang hinampas ni Abea ang kapatid sa braso. "Ang harot ah. Sumbong kita kay Ate, sige ka." pananakot pa niya.

Napanguso lang naman ang bata bago pinatong ang baba sa lamesa. I shooked my head in disbelief. Mukhang alam ko na kung kanino nagmana ang batang ito.

"Ate Sela" and now, it's Abea. "May lahi ka po ba? Korean? Japan?" she added.

I chuckled and shooked my head in response. "Pure pinay ako Abea." nakangiting sagot ko.

Sanay na ko sa ganyang tanong. Lagi din kasi akong pinagkakamalang may lahi, porket singkit at matabi ang pisngi, may lahi agad?

Bahagya pang nanlaki ang mata niya marahil dahil sa gulat. "Talaga po? Ang ganda niyo naman po."

I smiled, a genuine smile. Ang sarap kausap ng dalawang 'to, pakiramdam ko nakababatang kapatid ko sila. "Yup" I replied, and take a sipped in my milk. "Hindi lang naman ako maganda dito sa ating tatlo. Ang gaganda niyo din kaya."

Napahagalpak naman ako ng tawa ng makita ko ang mabilis na pamumula ng mukha nitong dalawa. Hindi din makatingin sa'kin ng deretso si Abea habang si Frances, sinubsob na lang ang mukha dito sa lamesa. Ang cute lang nilang dalawa. Ang sarap nilang iuwi at sabihin kay mommy na ampunin na lang namin silang dalawa.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon