XXXII

1.7K 135 28
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Stop pestering me! Will you?"

Kanina pa ko naiirita sa lalaking 'to. Hindi ko talaga alam kung anong hindi niya maintindihan sa sinabi ko. Nakakabwisit siya. Nakakakulo ng dugo.

"Sige na kasi Sela, tulungan mo na 'ko kay Abby." pagmamakaawa pa niya. "Promise titigil na talaga ako kapag tinulungan mo 'ko sa kanya." he added.

Napairap naman ako saka siya iniwan do'n. Mukhang hindi ko din naman makakain itong binili ko. Nakakawala ng gana kasi ang prensenya niya. Argh!

"Sela, uy."

Marahas naman akong napakamot sa sintido ko. Nakabalik na ko't lahat-lahat sa upuan ko, pero ito parin siya. Nakasunod sa'kin na akala mo'y anino ko. Ang sarap ipulupot ng earphone ko sa leeg niya. Napaka saksakan ng kulit.

"Sige na. Tulungan mo na 'ko oh." pagpupumilit pa niya.

Napabuga ako ng hangin at inis na tiningnan siya. Napansin ko pa ang pagtataka sa mukha ng mga kaibigan ko pero hindi ko na sila pinansin pa.

"Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang ayaw ko?" naiinis na ako. Inis na inis na ako, sa totoo lang. "Tanga kaba Mccoy o nagtatanga-tangahan lang?"

Ayaw ko talaga sa mga taong paulit-ulit. Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. Hindi 'yung nagpupumilit pa sila. Hindi ba sila naawa sa sarili nila? Masyado nilang pinagsisiksikan 'yung sarili nila sa taong hindi naman sila pinapahalagahan. Nakakainis lang.

"Hindi ako susuko Sela." matigas na saad niya.

Napairap ako. Sumasakit na ang ulo ko sa kanya. Kaninang-kanina pa siya. "Makinig kang mabuti sa'kin." I crossed my arms over my chest. "Hindi ako tanga para tulungan na mapalapit ang isang taong nagkakagusto sa girlfriend ko." madiin ang bawat salitang binitawan ko. "Like what I said before, I don't do share Mccoy. Selfish akong tao kaya sana maging sapat na 'yun sayo para tigilan mo ako at si Abby." mahabang lintanya ko.

Kung kanina, halos hindi siya mawalan-walan ng pag-asa, ngayon naman para na siyang natuklaw ng ahas. Bahagya pang nakaawang ang labi niya at gulat na nakatingin sa'kin. Inirapan ko na lang siya saka marahas na binigay sa kanya 'yung sandwich na binili ko kanina.

"Sayo na lang 'yan. Baka sakaling matauhan ka kapag nakakain kana." dagdag ko pa.

At dahil gulat nga ang gago, wala sa sariling kinuha niya 'yung sandwich habang na sa'kin parin ang atensyon. Napailing na lang ako sa loob-loob ko, gusto ko siyang tawanan kaso kapag ginawa ko 'yun, baka isipin niyang nagbibiro lang ako.

"Wait nga, tama ba ako ng narinig?" Belle asked. "Kayo na ni Abby?"

Maarteng nilingon ko siya at ngumiti ng malapad sa kanya. "Yes, noong isang araw lang." binalik ko naman muli ang tingin ko dito sa lalaking naestatwa na ata. "Sinagot ko siya noong birthday niya." I added.

"Wow! Finally!" Lara reacted. "After so many tukaan, may label narin kayo." dagdag pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kailangan pati 'yun sabihin? Pero ang bwisit na 'to, tinawanan lang ako. Minsan talaga napapaisip ako, paano ko ba naging kaibigan ang babaeng ito?

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon