LXVI

1.3K 120 16
                                    

"Family is not necessarily blood, but instead who you would bleed for."

--Unknown







ABELAINE TRINIDAD

"Abby, anak."

Mabilis ang hakbang na ginawa ko para makapasok agad sa kwarto ko para kumuha ng damit.

"Abby anong nangyari? Kamusta si Braelynn? Si Abea, ang kapatid mo anong nangyari sa kanya?"

Napalunok ako. Imbes na sagutin ang tanong niya, mas pinili kong ituon ang atensyon sa pagkuha ng mga damit ko. Kumuha narin ako ng di kaliitang bag at basta-basta ko na lang nilagay sa loob nun ang mga damit na inihanda ko.

"What are you doing Abelaine?"

Mabilis na nagsipatakan ang mga luha ko. Para itong ilog na walang tigil sa pagragasa.

"Abelaine I'm talking to you." mabilis niya kong hinawakan sa magkabilang balikat ko para lang iharap sa kanya. "What happened baby? Tell me, mommy is here."

I closed my eyes and put my head in her shoulder. Doon ko binuhos ang lahat ng luha ko.

"She almost d-die." garalgal na tugon ko. "Muntik na siyang mawala sa'min."

She put her hands in my back and gently caressing it. "Hush now honey. Calm down."

Marahan niya pang pinunasan ang luha sa pisngi ko at inayos niya rin ang buhok nang humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya. "You're strong. Alam kong malalagpasan mo lahat 'to." she smiled at me. "Nandito ako, kami. Hindi namin kayo iiwan."

Mas lalo akong naiyak. "You're not leaving, right?" I'm talking about her situation.

Mahigpit kong hinawakan ang dalawang kamay niya, habang patuloy sa pagpatak ang luha ko. "Promise me mom, hindi mo kami iiwan." I held her cheeks and wiped her tears using my thumb. "I will make you proud of me. Gagraduate na 'ko oh, konti na lang magiging Engineer na 'ko."

Hindi naman ako masamang tao para parusahan ng ganito, pero bakit? Did I deserve this?

"I..." she took a deep breath. "Promise." I know, she's lying.

Pekeng ngumiti ako. Sapat na sa'kin 'yon. Kahit na alam kong walang kasiguraduhan ang pangako niyang 'yon, okay na sa'kin.

Pinahid ko ang mga luha ko at tinuloy ang ginagawa kanina. Kinuha ko narin mga gamit ni Sela na naiwan niya dito sa bahay.

"Balitaan mo 'ko agad ha." mom said. "Hindi ako makakasama sayo kasi alam mo naman. Hindi pwede." she added.

I smile weakly and nodded at her. "I understand." Marahan ko namang dinampian ng halik ang noo niya. "Magpalakas ka mom. Sabay tayong aakyat sa stage sa Friday."

Walang kabig na niyakap niya 'ko. Sinubsob ko lang naman ang mukha ko sa balikat niya.

Saglit pa kaming nagtagal dito sa kwarto at saka kami sabay na bumaba sa sala. Naabutan pa namin si Frances at Coleen na tahimik lang habang may kanya-kanyang ginagawa.

"Oh my gosh." Coco reacted. "You’re devastated Ate Abby."

Napailing na lang ako at mabilis na nilapitan siya para halikan sa pisngi. "What's up?"

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon