XV

1.9K 127 6
                                    


MARSELA MARI GUIA


"Malayo paba tayo Belle?" tila naiinip na tanong nitong katabi ko.

Naiinip na din naman ako, pero katulad ng kanya na sobrang inip na. Anong oras na ba kami nakaalis kanina? Pasado alas nuwebe na ata. Tinanghali daw kasi ng gising si Belle. Lukaret talaga ang babaeng 'yun.

"Malapit na." sagot naman ng isa na nakaupo sa passenger seat.

Gusto ko pang matawa ng marahas na napakamot si Sheki sa noo niya. "Kanina mo pa sinasabing malapit na tayo, pero hanggang ngayon nasa biyahe parin tayo."

"Ba't ba inip na inip ka Shekinah?" si Lara na ang sumagot. "Oh eto, kumain kana lang diyan para matahimik ka." dagdag pa niya.

At talagang pinatong niya pa lahat ng baon niyang pagkain sa hita ni Sheki. Hindi ko na tuloy napigilan pa ang pagtawa ko. "Konting hintay na lang kasi mars. Malay mo nagsasabi na ng totoo si Belle ngayon na malapit na tayo." I tapped her shoulder, but she just rolled her eyes.

Natatawang napailing na lang ako, saka pasimpleng lumingon sa likod kung saan nakapwesto si Ate Alice, Gia at Abby.  Tahimik na nakatuon 'yung dalawa sa kanya-kanyang cellphone. Habang si Ate Alice, tulog.

Tipid na napangiti na lang ako bago ituon ang pansin sa labas ng bintana. Ganon lang ang eksena ko hanggang sa maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Kahit ayaw ko, tiningnan ko ito at mabilis na napakunot ang noo ko ng bumungad sa'kin ang text ni Abby.

Agad naman akong napalingon muli sa likod para tingnan siya. Alanganing nakangiti lang siya sa'kin dahilan para mas kumunot ang noo ko.

Hindi ba pwedeng kausapin na lang niya ko? Bakit kailangan pang idaan sa text?

Hindi pa ko nakakapag type ng irereply sa kanya ng magtext na naman siya. Napailing na lang ako. Ibang klase din talaga ang babaeng 'to.

"Alam kong maganda ka miss at may karapatan kang mang snob, pero replayan mo 'ko."

Napahinga na lang ako ng malalim. Ang babaeng ito, ay nako. Grabe.

Akmang magta-type na sana ako ng magtext na naman siya. Teka lang naman, hindi makahintay?

"Mababaog ang hindi magreply Marsela." she texted again.

My eyes widened and I immediately looked at her. Nakatanggap lang naman siya sa'kin ng matalim na tingin na ikinatawa niya lang.

Inis na nagtipa ako ng irereply sa kanya pabalik.

"Teka lang naman kasi diba? Atat ka masyado ee." at punong-puno ng panggigigil na pinindot ko 'yung sent.

Napakagat labi na lang ako. Rinig na rinig ko kasi mula dito sa pwesto ko ang pagtawa niya. Bruha talaga siya.

"Ang bagal mo magreply. Mamumuti ang mata ko kakahintay." she replied.

My eyes literally rolled when I read her message. Ang kapal niya talaga kahit kailan.

"Sorry, essential lang kasi nirereplayan ko." barumbadong tugon ko.

Napapitlag pa ko sa gulat dahil sa malakas niyang pagtawa. Kamutikan ko pa ngang mabitawan itong cellphone ko. Miski itong dalawang katabi ko, gulat na napatingin sa kanya.

Kung hindi ko lang alam ang dahilan ng pagtawa niya, iisipin kong nasisiraan na siya ng bait.

"So, I'm not essential to you? Ganon ba?" nakakainis. Naririnig ko kasi yung boses niya habang binabasa ang text niya. Tapos nahihimigan ko pa ang pagngisi niya ngayon.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon