Chapter 22

2.2K 38 0
                                    

Cain POV

Para akong nagising sa himbing na pagkakatulog dahil sa mga sinabi sa akin ni Monique, himbis na tulungan at unawain ko si Jewel para hindi nito maramdaman na nag iisa siya pero ako pa itong dumagdag sa problema niya.

At ngayon na kinakausap ko siya ay nanatili pa rin itong nakayuko at hindi tumitingin sa akin, naging ganito siya simula noong umuwi ako isang araw at ipinagluto niya ako bilang peace offering pero tinanggihan ko ito at sinabing busog na ako dahil tapos na akong kumain.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napansin kung naging ilag na siya sa akin, madalas ko siyang nakikitang nakatingin sa akin pero dumidistansiya siya kahit si Monique ay nahahalata rin 'yon. Kaya napagpasyahan ko na kausapin siya para magkaayos na kami. Ayaw ko naman na bumalik ako sa Pilipinas at maiwan siya rito na meron kaming hindi pagkakaunawaan, ayoko na makadagdag sa stress niya dahil makakasama iyon sa kanila ng baby.

"Jew," panimula ko at agad din naman siyang tumingin sa akin pero saglit lang

"Can we talk? I know we have a misunderstanding. Ayoko ng patagalin pa ito." dagdag ko

Agad naman itong napatingin sa akin. "Naiintindihan kita Cain kung bakit ka ganyan sa akin, kung bakit ka nagalit. Alam ko naman na mali yung nagawa ko at napaunresonable noon." sabat niya

"Pinanguhan lang ako ng emosyon ko, sobra lang akong nag alala sayo nung makita kitang walang malay tapos nalaman ko pang buntis ka pala." kako

"I'm sorry Cain, hindi ko inisip 'yong mararamdaman ko. You've been there for me since the beginning. Masyado akong nagpadalos dalos sa mga desisyon ko at hindi ko inisip 'yong mga tao na madadamay. Muntik ko pang mapatay ang anak ko. Masydo lang akong natakot na harapin ang katotohanan na buntis ako at si Thunder ang ama. Lumayo na nga ako, pero mismong tadhana ang ayaw."

Umusog naman ng kaunti ang binata sa dalaga. "The baby is still a blessing. Kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan ni Thunder labas na doon ang bata. Binigay sayo yan para may makasama ka." sabi ko

"I don't know, until now hindi ko pa rin alam ang gagawin. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi pa ako stable, hindi pa naghilum ang madilim na nakaraan na nangyari sa akin tapos ito na naman." pag amin ng dalaga.

"Malakas ka at alam kung kaya mo yan." pagpapagaan ko sa loob nito

Agad naman siyang tumango at ngumiti.

"Thank you, Cain! Thank you for everything. Thank you for all the things you have done to me. Siguro kung wala ka hindi ko na alam ang gagawin ko." aniya

"I will always do everything for you. Halos kapatid na ang turing ko sayo." kako ng nakangiti

"Naku! Ngayon lang yan, pero pag nagkagirlfriend kana for sure hindi kana ganyan." pagbibiro nito

"Masyado ka namang advance mag isip. At isa pa anong girlfriend pinagsasabi mo diyan." bulalas ko

"Sus! Denie kapa, akala mo naman hindi ko nahahalaya na may something kayo ni Monique." sabi nito sabay sundok sa tagiliran ko

"Fake news kana naman! Ano ba 'yang pinagsasabi mo." kako

"Iba naman ang sinasabi mo sa kinikilos mo eh." pamimilit nito

"Bahala ka diyan, kumain kana nga lang hindi 'yong kung ano ano ang nasa isip mo." kako sabay subo sa kanya ng fries

"Ang sama mo talaga sakin eh." sabi nito

"Anyway Jew, after three days I'll be back in the Philippines. I need to attend to the board meeting at baka matagalan ako sa pagbalik dito. Marami kasi akong dapat asikasuhin sa opisina." saad ko

"Sinabi ko naman sayo nakaraan pa na bumalik kana sa Pilipinas eh. Nandoon ang trabaho mo kaya hindi pwedeng manatili ka ng matagal dito ng dahil lang sa akin."

"Are you sure you will be okay here? Hindi ako mapakali kasing maiiwan ka dito." seryosong wika ko

"Ano kaba naman Cain, baliw ka talaga eh. Okay na okay lang ako dito. Anong gusto mo bumalik ako kasama ka doon? Hahahaha."

"Monique will be here to accompany you. Sinabi niya sakin na palagi ka niyang bibisitahin dito, just to make sure na okay ka."

Agad niya naman ako hinampas sa balikat. "Ginawa mo bang tagabantay si Monique! Ikaw talaga na lalaki ka hindi ka nag iisip eh. Okay lang ako dito, huwag mo ng abalahin pa siya. May sarili din siyang buhay at negosyo na kailangan tutukan."

"Basta you need to update me always kung ano ang nangyayari sayo, at kung may iba kang nararamdaman pumunta ka agad sa hospital o laya tawagan mo si Monique. You understand?" paalala ko

"Oo tay Hahahaha! Kung makapaghabilin ka naman akala mo aalis kana. May 3 days kapa nga dito" natatawang wika niya sabay sandal sa balikat ko

"Just take care yourself and the baby. Continue your life Jew and be happy, you deserve it." seryosong turan ko

Hindi ko siya narinig na sumagot basta nakasandal lang siya sa akin habang nakapikit ang kanyang mga mata ngunit alam kung nakikinig siya sa sinabi ko.

"Inaantok kaba? Halika samahan na kita sa kwarto mo." utal ko

Tumango naman ito bilang tugon, kaya agad ko siyang inalalayan papuntang kwarto para makapagpahinga na rin ito.

Pagpasok namin sa kanyang kwarto ay agad itong nahiga, binuksan ko naman ang aircon at naupo sa gilid ng kanyang kama.

"Matulog kana, mukhang napagod ka sa paglalakad kanina." bulalas ko habang nakatingin ito sa akin

Agad niya ipinikit ang kanyang mga mata.

Habang pinagmamasdan ko sa Jewel ay biglang pumasok sa isipan ko ang kaibigan kung si Thunder, simula noong umalis ako kasama si Jewel ay wala na akong naging balita sa kanya, kahit na si Dark ay hindi ko pa nakakausap hanggang ngayon ang huli naming usap ay 'yong tumawag pa siya sa akin.

Gusto kung marinig ang side ni Thunder, kung ano ba talaga ang totoong nangyari at kung bakit nagawa niya ito sa asawa. Kilala ko si Thunder hindi niya gawain ang manakit lalo na kay Jewel oo alam kung hindi sila okay bilang mag asawa, pero naniniwala akong hindi niya kayang gawin ang bagay na ito kay Jewel.

Galit ako sa kanya pero matalik na kaibigan ko pa rin siya at ayaw kung maging unfair o one sided. Alam ko ang hirap na pinagdaanan ni Jewel pero hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay Dark sa loob ng ilang buwan na nawala kami.

Naniniwala akong hindi niya naman talaga kinamumuhian si Jewel, alam kung kahit papaano ay mahal niya rin ito dahil matagal din naman silang naging magkakilala kahit noong mga bata pa kami, hindi ko lang alam kung bakit nagkaganito sila.

I'm wishing na sana dumating ang oras na magawa pa nilang patawarin at tanggapin ang isa't isa para sa magiging anak nila.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon