Chapter 28

2.1K 34 0
                                    

Kanina pa inis na inis si Jewel sahil sa nakikita ng dalawa niyang mata. Parang gusto ko na lang umalis dahil mukhang wala namang balak ang dalawang nasa harapan ko na pag usapan ang tungkol sa catering.

"Ahm. Ms. Celine if you mind I need to go now. I have something important to attend too. Let's just set another meeting for the foods and desserts." pilit ngiting turan niya

"Bakit kailangan pa mag set sa ibang araw kung pwede naman pag usapan na ngayon. You know Ms. Jewel I'm a business man, busy akong tao so I don't want to waste my time." singit ni Thunder

Halos patayin niya nasa isipan niya ang ex-husband dahil sa sinasabi nito, parang gusto pang palabasin nito na oras niya pa ang nasasayang eh sila itong nagsasayang ng oras. Gusto pa yata ng audience sa paglalandian nila.

"Mr. if you are busy person I am too. Hindi lang po kayo ang nakaschedule sa akin for the meeting today , kaya sinasabi kung iset na lang natin sa ibang araw ang meeting na ito dahil may iba pa akong meeting ngayong oras." giit nito at bumaling kay Celine na nakatingin din sa kanya. "You can call me Ms. Suarez if you are ready to set another appointment" nakangiting wika niya na agad namang sinang ayunan ng dalaga

Ibinalik niya ang mga sample na litrato sa folder at mabilis na tumayo para umalis sa lugar na iyon, hindi niya na kaya pang magtagal doon at baka kung ano pa ang kanyang masabi dahil mukhang walang alam iyong Celine sa kung anong meron sa kanila ni Thunder sa nakaraan.

Nakakainit ng dugo talaga ang Thunder na iyon. Akala mo naman nakakatuwa mga pinaggagawa na sa harap ko.

Agad siyang pumara ng taxi para umuwi, ang totoo niyan wala naman talaga siyang iba pang meeting dahil hindi naman dito nakatayo ang kanyang restaurant.

Habang nasa taxi ako ay naalala ko si Calleigh ilang araw ng hindi kami nakakapag usap.

Agad kung kinuha ang aking telepono sa bag at tinawagan ang kanyang numero.

Nakatatlong ring pa lang ito ng may sumagot." Hi bestfriend." bati ng boses sa kabilang linya

"Hello Calleigh, how are you?" tanong niya dito

"I'm fine, nandito lang ako sa bahay paano kasi itong si Dark ayaw akong palabasin. Eh dalawang buwan pa lang naman akong buntis." pagmamaktol niya.

Hindi ko naman mapigilan ang hindi matawa dahil sa inasta ng kaibigan ko. "Intindihin mo na lang si Dark ayaw ka lang nun mapagod. Anyway para hindi kana mabored pupuntahan na lang kita diyan ngayon." sabi nito

"Talaga? Sige sige puntahan mo ako dito para may makausap naman ako. Nauumay na ako sa pagmumukhang ni Dark. At isa pa pala Jew, dalhan mo ako ng pagkain ha?" bulalas nito

"Oo na! Just wait me there. Okay? I'll hang up na."

Matapos niyang kausapin ang kaibigan ay ibinalik na nito ang telepono sa kanyang bag at sinabihan ang driver na ihatid siya sa sa mall.

Pagkarating niya sa mall ay agad siyang dumiretso sa isang shop na puro matatamis ang tinda, alam niyang ito ang gusto ng kaibigan. Nang makatapos na siyang pumili ay mabilis niya itong binayaran sa counter at umalis na.

Pagkalabas niya sa mall ay pumara ulit siya ng taxi at nagpahatid sa address ng bahay ni Dark. Wala pang 30 minutes ay nasa harap na siya ng bahay nito kaya mabilis niyang ibinigay ang bayad sa taxi driver at bumaba na.

Nakatatlong doorbell lang siya ng bumungad sa kanyang harap ang mukha ni Dark habang pinagbubuksan siya nito ng pinto.

"Hi Jew, kanina kapa hinihintay ng kaibigan mo." turan ng binata sa kanya.

"Hello Dark, kamusta naman, stress ba?" biro nito

Pagkapasok niya pa lang sa loob ay sinalubong na siya ng tumatakbong kaibigan. "Hey careful." sigaw ni Dark rito ngunit hindi man lang siya nito pinansin

"I miss you Jew!" wika nito

"I miss you too Calleigh! Binili kita ng mga sweet foods." sabay abot ko rito ng pinamili ko

Agad naman na nagningning ang kanyang mga mata. "Thank you for this Jew."

Kasalukuyang silang nagkukwentuhang magkaibigan habang si Dark naman ay mataman lang na nakikinig, maya maya pa ay biglang may nag doorbell na naman. Agad namang tumayo si Dark para buksan ang kung sino man na dumating.

Nang umalis si Dark ay tinitigan niya ng mabuti ang kanyang kaibigan na sarap na sarap sa pagkain ng binili niya. Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa wakas ay nakita na ng kanyang kaibigan ang totoong pagmamahal sa katauhan ni Dark at binigyan pa sila ng regalo na bubuo sa kanilang pamilya.

Maya maya pa ay narinig nila ang mga yapak na papalapit sa kinaroroonan nila.

"Hey Jewel, nandito ka rin pala? What a coincidence." rinig niyang sabi ng pamilyar na boses.

Nang lingunin niya ito ay bumungad sa kanya si Celine na nakangiti habang nasa likod naman nito ang lalaking ayaw niyang makita.

"Binisita ko lang ang kaibigan ko." maiksing sagot ko

Naupo naman ang dalawa sa bakanteng upuan na nasa harap niya.

"By the way Jewel, dito kana ba mag iistay?"biglang tanong ni Dark.

"Hindi Dark, I'm planning to leave and go back ro Canada next week, kaso nagkaroon kami ng kliyente dito sa Pilipinas na gusto na kami ang mag cater sa kasal nila. So baka maextend ang pag stay ko rito, pero papauwiin ko din ang ibang mga staff ko dito para maasikaso din nila dito kahit na umalis na ako." mahabang paliwanag niya

"Sino ba iyang kliyente mo na gustong kayo pa ang mag cater knowing na wala naman dito sa Pililinas ang restaurant niyo." tanong ni Dark

"Oo nga sino ba ang ikakasal? Mukhang espesyal eh." segunda naman ni Calleigh

Agad naman napatingin sa Jewel sa dalawang taong nasa harap nito.

"Ask them." sabay turo niya sa mga ito

Naguguluhang tiningnan naman ng dalawa sila Thunder.

Hindi ba alam ni Dark na ikakasal ang kanyang matalik na kaibigan?- isip ni Jewel

"Don't tell me magpapakasal ulit kayo? Nagkabalikan na kayo?" takang tanong ni Calleigh

Napairap na lang siya dahil sa tinuran ng kaibigan.

"Anong pinagsasabi mo Cali? Hindi ko na hahayaang mangyari pa sa akin ang nakaraan. Never again." madiin na wika niya habang nakatingin kay Thunder

"Celine will be her bride." mapait na dagdag pa nito

Agad niyang kinuha ang kanyang mga gamit at tumayo. "I need to go guys, I have some important matter. Nice to see you again." lumapit siya kay Calleigh at hinalikan ito sa pisngi

Bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto ay may mga sinasabi pa si Dark pero hindi niya na malinaw na narinig kung ano ang mga iyon.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon