Chapter 32

2.1K 34 0
                                    

Mabilis na nakarating sa kanilang bahay sila Jewel, pagkapasok pa lang nila ay sinalubong na agad nv yakap ng kanyang mga magulang ang anak. Halata sa kanila ang labis na pag aalala. Habang ang pulis na kasama nila kanina ay umalis na.

Pansin ni Jewel ang pagdistansiya ng anak sa kanya, simula noong makaalis sila sa condo ni Thunder ay hindi pa siya nito pinapansin, pag tinatanong niya oto o kaya kakausapin ay tanging tango lang ang sinasagot ng bata.

Habang pinapakain ng kanyang nanny si Storm ay pumunta muna si Jewel sa kanilang pool area. Umupo siya at nilagay ang paa niya sa pool, ngayon lang siya ulit nakaramdam ng pagod sa di niya malaman na dahilan.

Muling bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa buhay niya ilang taon ng nakalipas at hindi niya namalayan na nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha.

She realized that she has everything, kahit na naging failed man ang marriage life niya ay nandiyan pa rin ang kanyang mga magulang, kaibigan at higit sa lahat si Storm na naging regalo sa kanya kapalit ng lahat ng sakit na naranasan niya.

"Why are you here? You are supposed to be in the side of your son, pero nandito ka at umiiyak." boses na nanggaling sa likuran niya.

Mabilis siyang napalingon dito. "Akala ko umuwi kana." pagbabalewala niya sa sinabi nito

Umupo sa tabi niya si Kevin at nilublob din ang mga paa nito sa pool.

"What's the matter? Diba dapat masaya ka dahil nakita na natin si Storm?" tanong nito habang hindi pinapansin ang sinabi ko.

"Syempre masaya ako, natatakot lang ako dahil sa nangyari kanina. P-paano pag nalaman ni Thunder na anak niya si Storm? P-paano pag kinuha niya sakin ang anak ko?"

"You are thinking so much Jewel, he will not do that." sagot naman nito.

Napangiti na lang siya sa sinabi ng kanyang pinsan kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga siya, sa tuwing naaalala niya ang mukha ng kanyang dating asawa kanina, kitang kita niya ang pagtatanong nito.

"Don't think too much, hindi niya makukuha sayo ang anak mo. You are still the mother of Storm at ikaw ang mas may karapatan sa anak mo." dagdag pa nito.
Tama ang kanyang pinsan, kung sino man ang may mas karapatan sa anak niya ay walang iba kung hindi siya lang.

"Thank you for this day kuya, thank you for your help."

"No problem! You are my cousin and Storm is my nephew, I will always help no matter what, okay? Oh siya I need to go home na. Magpapaalam lang ako kanila tita, pumasok kana din masyado ng malamig." aniya sabay tayo at naglakad pabalik sa loob ng bahay.

Napabuntong hininga na lang siya at nananatili pa doon ng ilang minuto bago tuluyang pumasok sa kanilang bahay.

Pagkapasok niya ng kanilang bahay ay naabutan niya ang kanyang mga magulang pero wala na ang kanyang anak, kaya napagpasyahan niyang umakyat na para puntahan ang anak sa silid ito.

Pagbukas niya ng pinto ng kanyang anak ay naabutan niya itong nakaupo sa kama, nang mapatingin sa kanya ang anak ay bigla na lang ito yumuko. Nalakad siya papalapit dito.

"Storm, are you okay?" tanong niya ng makalapit na siya rito

Ngunit wala siyang nakuhang sagot galing sa anak,
Umupo siya sa harap nito. "May masakit ba sayo? Sinaktan kaba ni Thunder? You can tell me," pero hindi pa rin ito sumasagot at nanatiling nakayuko lang. "Ayaw mo bang kausapin si mommy?" dagdag nito

Mabilis naman na nag angat ng tingin ang kanyang anak.

"It's not that I don't want to talk to you mom, I wanted to. I really want to talk to you but I'm afraid." pag amin nito

"Why are you afraid to talk to mommy?" she asked

"Hindi ako bulag mom at hindi rin ako bingi. Narinig ko din ang usapan niyo nila lola noong isang araw," nagsimula ng tumulo ang luha ng kanyang anak habang nakatitig sa kanya.

"I know you love me, and I know also that you hate me. You hate my existence dahil sa tuwing nakikita mo ako ay nakikita mo si daddy sa akin at dahil diyan ay naaalala mo ang nakaraan." dagdag pa nito.
Halos mapunit ang kanyang puso dahil sa narinig mula sa kanyang sariling anak, hindi niya lubos maisip na ganito ang nararamdaman nito.

Hindi niya akalain na may alam pala ang anak nito,

"Alam ko po na bunga ako ng isang pagkakamali, bunga ako ng kasalanan ni daddy. I understand if you hate me, kasi ako galit din ako kay daddy dahil sa ginawa niya sa iyo, but mom I am not him. Hindi ako si daddy, hindi ako ang nanakit sa iyo, but why do I need to suffer like this? Why do I need to be hated by my own mother? I guess mali ang nabuhay ako sa mundong ito. I'm sorry mom, I'm sorry kung ako ang naging anak mo." mahabang litanya nito habang umiiyak na

Napahagulgol si Jewel dahil sa mga sinabi ng kanyang anak. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin dahil nasasaktang siya na malaman na nasasaktan ang kanyang anak at dahil iyon sa kagagawan niya.

Walang ano ano ay mabilis niyang niyakap ang kanyang anak, 

"Don't think that way Storm," kumalas siya sa pagkakayakap dito at hinawakan ang mukha ng kanyang anak. "I know marami akong pagkukulang sa iyo and I admit it. Hindi ako naging mabuting ina sa iyo, pero huwag mong isipin na hindi ka mahal ni mommy dahil mahal na mahal kita. And don't think that I hate you cause I am not. Hindi kita sinisisi sa kasalanan na nagawa ng daddy mo at higit sa lahat hindi ako nagsisising naging anak kita. I'm so blessed to have you in my life Stom, ikaw ang naging lakas ko para mabuhay." sabi niya habang nakatitig sa mata ng kanyang anak na wala pa ring tigil sa pag agos ng mga luha sa mata.

Sorry for what mom did to you, I'm sorry if you feel that way. Hayaan mong bumawi si mommy sayo ha." she added while smiling 

Agad na napangiti ang kanyang anak at mabilis itong yumakap sa kanya. "I will always forgive you mommy cause I love you. For me, are always be the best mom in the world."

"I love you too Storm, you will always be my baby." sagot nito

"I didn't expect this day to come," Storm said.

Napangiti naman siya dahil sa tinuran ng anak. "It's late already you need to rest na."

"Can you sleeo here beside me mommy?" her son asked

"If that's my baby want, then I'll sleep here."

Sa kabilang dako naman ay halos magwala na ang isang dalaga. "I can't believe that this is happening Thunder! Hindi ako bingi diba? Sinabi talaga ng asawa mo kanina na boyfriend niya si Kevin?" umiiyak na tanong nito.

Hindi naman nakasagot si Thunder dahil kahit na siya ay nagulat ng marinig ang sinabi ni Jewel, kanina pa sumasakit ang ulo niya kakaisip, marami siyang katanungan na gusto niya ng kasagutan lalo na't ng ipakilala ng asawa niya ang anak nito. Unang kita niya pa lang sa bata kahapon ay may pagkakahawig nasa kanya at sobrang gaan din ng loob niya dito.

"Bakit ang dali sa kanyang kalimutan ako?" bulalas ni Celine.

"Hindi siya ang may kasalanan, Celine. Ikaw ang tumanggi sa proposal ni Kevin at isa pa taon na ang lumipas." paalala ko rito.

Alam niyang dating kasintahan ng dalaga si Kevin at matagal ang naging relasyon ng dalawa kaya nga laking gulat niya na lang ng tinanggihan nito ang proposal ng binata, kaya ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito ang kanyang pinsan eh ito naman ang may kasalanan ng lahat. Pero kanina niya pa iniisip na parang pamilyar sa kanya ang lalaki, para kasing nakita o nakilala niya na 'to dati pero hindi niya lang matandaan. At isa pa malimit naman kasi silang magkita ni Celine kaya hindi niya 'to masyadong nakakausap ng sila pa.

Hinayaan niya na lang na umiyak ang dalaga dahil wala naman siyang magagawa, ang dami naman kasing araw na pwede niyang kausapin ang lalaki pero hindi naman nito ginawa tapos ngayong may pinakilala ng iba mag iiyak. Minsan talaga ay hindi niya maintindihan ang takbo ng isip ng babae.

Bumuntong hininga naman siya at naalala niya na naman ang nangyari kanina, hangga't hindi niya nakakausap ang asawa ay hindi pananatag ang kanyang loob , kailangan niyang malaman ang totoo, kailangan niya ng kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa kanyang isip at alam niyang si Jewel lang ang makakasagot nito.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon