Chapter 34

1.9K 28 11
                                    

Halos hindi makagalaw si Jewel sa kanyang kinatatayuan. Naglakad papalapit sa kanya ang binata at mabilis siyang hinawakan nito sa braso. "I told you Jewel, hindi ka makakapagsinungaling sa akin."

"A-ano ba talaga ang gusto mong sabihin Thunder? Huwag mong idadamay ang anak ko." madiin na saad niya at winaksi ang kamay ng binata na nakahawak sa kanya.

Ngumiti naman ito ng kakaiba na animo'y natutuwa sa nangyayari sa pagitan nila. "Tell me Jewel, Am I the father of Storm?"

Tuluyan ng nanghina ang dalaga dahil sa tanong nito.

"Hindi ko alam na magaling pala ako at nakabuo ako kahit isang beses lang nangyari iyon."

Biglang nag init ang kanyang ulo dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Mabilis na dumapo sa mukha ni Thunder ang palad niya.

"Tell me Thunder, what do you want?"
Mas lalo lang itong ngumisi habang himas himas ang kanyang pisngi dahil sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya.

"Gusto mo talagang malaman kung ano ang gusto ko? Isa lang ang gusto ko Jewel at iyon ay makilala akong ama ng anak ko."

"At sino naman ang nagsabi sayong anak mo si Storm, ha? Masyado kana man yatang confident sa sarili mo para angkinin ang anak ko." matapang na turan ni Jewel

"You know what Jewel, masyado kang matigas kahit alam mong alam ko na ang totoo ayaw mo pa ring umamin. Gusto mo pa ba ng patunay para masabi kung anak ko ang anak mo? I'm willing to do it, but for now let me do this because I miss you."

Hindi nagawang makapalag ni Jewel ng mabilis siyang hinalikan ni Thunder, hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya nagawang itulak ang binata. Mas lalo pang lumalim ang kanilang halikan ng biglang makarinig sila ng isang boses na nagmula sa taas ng kanilang bahay.

"Mom!" tawag nito
Agad na naitulak ni Jewel si Thunder dahil doon. Labis ang hiya na nararamdaman niya ng mapagtanto na nakita ng kanyang anak ang nangyari.
Mabilis niyang sinalubong ang kanyang anak na pababa sa hagdan. "Goodmorning baby, gising kana pala." bungad nito at saka hinalikan ito sa pisngi.

"Goodmorning mommy." sagot nito bago humalik sa kanyang pisngi.

Magsasalita pa sana siya ng tuloy tuloy na naglakad ang kanyang anak papalapit kay Thunder,

"Tito Thunder, why are you here?" tanong nito sa lalaking nakatayo

"I'm here to visit you Storm and also your mom." sagot nito, agad naman siyang pinandilatan ng mata ni Jewel

"Bakit mo binibisita si Mommy? Magkakilala kayo?"
 
"Hindi ba ako nabanggit ng mommy mo sayo?" pabalik tanong ni Thunder habang nakatingin kay Jewel na wari'y nang aasar.

Lumipat naman ang tingin ni Storm sa ina na kanina pa pinapatay sa isip ang binata. "Mommy you know tito Thunder?"

"Yes baby, he is the bestfriend of Cain." sagot naman nito

"Really tito? Papa ninong is your bestfriend?" tanong ulit ng bata kay Thunder

Mabilis naman na nagtagis ang bagang ni Thunder sa narinig, halatang hindi nagustuhan ang narinig na nagmula sa sariling anak.

"Yes he is my bestfriend, he is not your father why are you calling him papa?" tanong nito

"Siya ang naging papa ko noong sinilang po ako that's why I am calling him papa."

Mabilis na tiningnan naman ni Thunder si Jewel ng may pagbabanta at inirapan lang ito ng dalaga.

"Are you and mom are friends also? But why are you two kissing?"

Agad na nanlaki ang mata ni Jewel dahil sa tinanong ng anak, halos mamula na siya dahil sa kahihiyan.

"Wala naman masama kung hahalikan ko ang mommy mo diba? Ganyan naman ang ginagawa ng dalawang taong na miss ang isa't isa Storm." sagot ng binata

"I know that po, pero diba if you are friends dapat po sa pisngi lang bakit 'yong sa inyo ng mommy ko hindi naman ganun. Two people are kissing each other in the lips if they are in a relationship right? In your case you two are not in a relationship, so why are you kissing?"

Halos hindi na maipinta ang mukha ni Jewel dahil sa mga naririnig na sinasabi ng kanyang anak, halos pinagsisisihan niya kung bakit sobrang talino at observer ng kanyang anak sa edad na apat na taong gulang pa lamang.

"Baby, you need to take your breakfast na." anas ni Jewel

"I will mom, but I want an answer first to my question to tito Thunder." pagpupumilit nito

"Anak masyado ng tanghali at hindi kapa nakakakain," pilit nito sa anak pero mukhang pursigido talaga itong makuha ang sagot sa tanong.

"Tito I'm waiting for the answer, hindi naman po ikaw ang daddy ko. Are you my mom's boyfriend?"

Lumapit si Thunder kay Storm at lumuhod ito para maging kapantay ng bata. "Storm what if.." panimula nito.

"What tito?" 

"What if I will tell you that.. that I'am your father?"

"N-nooo... Nooo .. You are not my father!"

Sigaw nito at mabilis na tumakbo pabalik sa taas.

Tinawag pa ito ni Jewel ngunit hindi man lang siya nilingon ng anak, balak pa sanang habulin ito ni Thunder ng may kamay na pumigil sa kanya. " Please  Thunder, hayaan mo muna ang anak ko. Ako na ang kakausap sa kanya." pagmamakaawa nito

Halos mapasabunot si Thunder sa kanyang buhok. "You know what? Kasalanan mo itong lahat Jewel eh. Nang dahil itinago mo sakin na may anak tayo kaya naging ganito." paninisi niya sa dalaga

"Don't act as if wala kang masamang nagawa sa akin Thunder! Baka nakakalimutan mo kung ano ang dahilan kung bakit ako umalis, ha? Hindi mo alam ang pinagdaanan ko kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan o sisihin ako kung bakit hindi ka kilala ng sarili mong anak. Walang ibang dapat sisihin dito kung hindi ikaw!" sigaw nito sa kanya.

"Kaya pwede bang umalis kana muna? Ako na ang nakikiusap sa iyo, masyado pang bata si Storm para sa ganitong usapin. Alam niya ang tungkol sa ama niya." dagdag pa ng dalaga

"What? Alam niya pala bakit ganoon ang reaksyon niya?"

"Please Thunder, umalis kana muna. Bigyan mo ako ng sapat na panahon para makausap ang anak ko."

"Anak natin Jewel! Anak ko rin si Storm. At gaano katagal naman iyon?"

"Tatawagan na lang kita, sa ngayon ako na ang nakikiusap sayo umalis kana muna."

Walang nagawa si Thunder kung hindi ang umalis na muna.

Nang makaalis ang binata ay napasalampak sa sahig si Jewel habang umiiyak, hindi niya inaasahan na mangyayari na ang kinatatakutan niya, ang makilala ng anak ang kanyang ama. Alam ng kanyang anak ang pinagdaanan niya kung bakit hindi nila kasama ang ama nito, matalino ang kanyang anak kaya naintindihan nila ang lahat at alam niyang labis ang galit nito sa kanyang ama.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon